Chapter 28: The Alpha

2.4K 127 2
                                    

Chapter 28: The Alpha

Napalingon ako sa direksyon nina Yohan dahil sa narinig kong malakas napagsabog. Malalakas at agresibo ang palitan ng ataki sa pagitan nila. Natigil rin ang iba at tinangkang patigilin ni Frost ang dalawa.

Sinubukan ng kalalakihan pigilan ang laban liban kina Waver at Rex na nakatayo lamang sa likod ni Eve. Nahagip pa ng mata ko ang abutan ng ginto sa baba.

Agad akong lumapit dahil tumigil na sila Frost sa pag-awat. Akmang ako na ang papagitna ngunit hinarang ni Frost ang kamay sa harap ko.

"Wag kang makialam," anas ni Frost ngunit tumitindi ang palitan nila ng suntok. Napahakbang akong muli nangtinamaan si Ali sa panga. Pero pinigilan ako ni Frost.

"Wag mo akong pigilan, Frost." Inalis nito agad ang kamay niya at napayukom ito.

"Mahalaga to para kay Volt," kaya nagtataka akong tumingin sa kanila. "Wag ka munang makialam."

Ano bang problema nila?

Nakita kong may pinag-uusapan sila, pero hindi ko maintindihan, halos hindi ko marinig dahil sa layo nila.

Dehado si Ali sa laban mas marami ang karanasan si Yohan kumpara sa kanya. Pero nakita kong sumuko si Yohan at may sinabi siya kay Ali saka inabot nito ang kanyang kanang kamay at tinanggap naman ito ni Ali ngunit nanatili ang masama nilang palitan ng tingin.

Natapos ng maayos at tahimik ang araw subalit ramdam ko ang tension sa paggitan ng bawat grupo. Siguro kailangan lang ng lahat na magpalamig.

Maggagabi na kaya umuwi kami sa bahay. Pero nakita kong lumihis ng daan si Ali kaya sinundan ko s'ya. Bukod sa alam kong maari sa kampo niya matutulog, gusto ko rin siyang makausap.

Mukang may malalim siyang inisip kaya hindi n'ya napansin na sumunod ako. Kasama n'ya ang goblin na hindi na humiwalay sa kanya simula ng kinuha s'ya ni Ali.

Nakita kong pinapaalis n'ya ang si Barry pero ayaw niyang umalis parang nahihirapan siyang kontrolin ang sarili niya.

Tingin ko ay pilit kumakawala ang wolf niya.

Hanggang nag-anyong lubo na ito at akmang sasaktan n'ya si Barry. Mabilis akong pumagitna sa kanila, natigil ito noong makita ako kaya lumingon ako sa likod ko kung saan si Barry.

"Mauna kana sa bahay," utos ko at napunas ito ng luha saka maagap na tumango. Nakikilala ako ng wolf n'ya kaya hindi niya ako sasaktan.

Umupo ako malapit sa isang bato at sumandal ako dito habang nakatingin lamang ito sa akin na parang masama ang loob niya.

Tinapik ko ang hita ko kaya parang umaliwalas ang muka nito at lumapit. Humiga s'ya sa hita ko saka hinaplos ko ang balahibo nito. Ito ay purong itim at may kaunting hibla na ginto sa noo. Napapikit pa s'ya sa ginawa ko.

"Anong problema?" tanong ko sa kanya pero ayaw niyang magsalita, hindi ito umiimik at nanatiling nakapikit.

Gumawa lamang ito ng mahinang ingay tila nagsusubong na nagtatampo. What a childish Alpha?

Kaya niya akong kausapin through link 'vause we're mate bakit hindi niya ako kausapin.

"Bakit hindi mo ako kinakausap?"

"Ali," tumayo s'ya at inamoy ang leeg ko. Napapikit ako sa ginagawa n'ya.

"Mark," narinig ko ang boses mago nito. Bumalik na siya sa anyong mago niya at hawak niya ako sa baywang at ramdam ko ang ilong niya sa leeg ko.

"I need to mark you," at gumapang ang init ng hininga niya sa buong katawan ko. Ayaw kong ibukas ang mata ko, wala siyang suot ngayon.

Nag-aalinlangan ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito pero mukang hindi ko magugustuhan 'yon. Baka mas lalong lumakas ang koneksyon namin kapag pumayag ako sa sinasabi niya.

"What will happen?"

"Makakausap kita through link ng hindi ako nanghihina at makakausap mo ang mga kasama natin gamit link, dahil ikaw ang Luna nila."

Gusto kong tumanggi pero naalala ko ang sinabi ni Linsay. Gaya kanina he might lost control.

"Kaya ba hindi ako kinakausap ng wolf mo?"

"No, he was just being stubborn." Hindi ko alam kong anong isasagot ko.

"Ayos lang kong hindi ka pa handa," at binitawan n'ya ako pero pinigilan ko s'ya.

"Okay, gawin mo."

"Are you sure?" Tumango ako habang nakapikit pa rin.

"Open your eyes," bumungad sa akin ang gold niyang mga mata. Inalis niya ang buhok sa leeg ko. Hinalikan nito ang leeg ko at biglang kinagat. Ramdam kong bumaon ang pangil niya sa leeg ko. Hinayaan ko lamang ito, I don't know why but I trust him. Napapikit ako sa sakit pero hindi ako sumigaw.

Then parang may naramdaman akong kakaibang pakiramdam sa loob ko. Napasinghap ako nang maramdaman ang mainit nitong dila sa leeg ko.

'I'm sorry,' rinig kong saad nito sa ulo ko. Bago niya ako niyakap, ilang sandaling gano'n m ang posisyon namin.

"Maaga ang pag eensayo bukas," agad akong nag-isip ng lusot para makauwi na kami. Bumitaw na ito at nag-anyong lubo. Nasira ang damit niya kanina kaya wala siyang maisusuot.

'Tara na,' kaya sumakay ako sa kanya.

Pagdating namin sa bahay ay nandon sina Allan at Ralf. Sila lagi ang nagluluto para sa amin. Inutusan yata ni Ali.

Napalingon sina Allan sa akin na parang may naamoy sila pagkapasok ko sa bahay at malapad na ngumiti noong makita ako.

Si Ali naman diretso sa kwarto nila para magbihis.

'Luna?' tanong ni Ralf para kompirmahin ang hinala niya. Tipid akong tumango at akmang yuyuko sila.

'Hindi na kailangan, wag sa harap nila." Pigil ko sa kanila. Habang nagngitian silang dalawa kaya umalis ako sa harap nila.

Pumasok na lamang ako sa kwarto ko. Mahapdi pa rin ang kagat niya kaya tiningnan ko sa salamin. May parang tattoo sa leeg ko apat na star, dalawang malaki at maliit.

'Ash, kakain na.' tawag ni Ali sa akin. Nagbihis ako agad at lumabas. Pagbukas ko ng pinto ay akmang kakatok si Eve pero nabitin sa ere.

"Ka-kakain na, ate Ash." Pinalabas ko rin sina Frey at Drain. Nagagalit si Frey kapag hindi siya nakalabas ng isang araw.

Naabutan ko sina Rex at Waver nag-aagawan sa hita ng manok. Natahimik sila ng dumating ako, kaya tinaasan ko lamang sila ng kilay.

"Ash sa'n kayo galing?" tanong ni Eve.

"Sa labas," umupo ako sa tabi ni Ali. Nilagyan niya rin ng pagkain ang plato ko.

"Bakit parang masaya si Ali?" Kaswal naman ang tingin ko kay Ali, hindi ito nakangiti o salubong ang kilay, paanong nasabi niyang masaya ito.

"Nag usap sila kanina, kaya nila ako pinauna," sagot ni Barry.

"Anong pinag-usapan nila Barry, narinig mo ba?" Usisa naman ni Brook, kaya nagkakasundo sila ni Eve minsan kasama si Frey.

"Hindi ko narinig," sagot ng goblin.

"Sana nakinig ka," ani ni Eve. Kaya sa akin ito bumaling dahil walang naisagot si Barry.

"Ash, a-" matalim ko itong tiningnan.

"Ang tapang mo naman nakauwi ka mag-isa Barry," lumingon ulit ito kay Barry. "Apir nga,"

Habang sina Waver at Rex nag-aagawan pa rin sa karne ng pa simple kaya binigyanna sila ni Linsay para matigil.

VillainWhere stories live. Discover now