Chapter 4: New Life

5.3K 222 4
                                    

New Life

Halos maluha ako sa ganda nito. Napakalayo nito sa inasahan ko, akala ko ay maliit lamang ito at hindi pa tuluyang tapos. Hindi man humingi si Tanda ng kapalit hindi paring nito maalis ang utang na loob ko sa kanya. Nakaramdam ako ng hiya sa inasta ko, sa lahat ng kabutihan niya, natatakot parin akong magtiwala.

Pag-akyat ko ay meron itong balkonahe, bubungad pagpasok ang maluwag na bulwagan. May dalawang pinto sa kaliwa at daan papunta sa kusina. Pagdating sa kusina ay meron itong maliit na lamesa at lutuan. Bumalik ako sa bulwagan kung saan , pumasok ako sa isang pinto. Isa itong kwarto, laking gulat kong meron itong palikuran. May tubig rin na galing sa putol na ugat. Tinanggal ko ang lahat ng damit ko at binasa ang katawan.

Pikit mata kong dinama ang malamig natubig. Nakakagulat, at nakakapanibago. Nasa tamang pag-iisip pa kaya ako?


Matapos kong maligo ay bumalik ako sa kusina kung saan ko nailapag ang bag na bigay ni Tanda. Wala akong makitang laman kaya pinasok ko ang kamay sa loob ngunit may na hawakan akong bagay. Noong mailabas ko ito ay isa itong prutas. Ginawa ko ulit ito at isa pang prutas ang lumabas. Paulit ulit ko na ginawa hanggang halos mapuno na ang lamesa. Nagkasya ang lahat ng iyon sa isang maliit na bag.

Hindi ko pa rin ako sanay sa mga hiwagan nangyayari. Napapangiti na lamang ako habang na mamangha sa nangyayari. Kakaiba nga ang lahat ng ito, gaya ko. Bigla kong naalalaa ang mga lalaking narinig ko sa kagubatan bago ako mapunta rito, dito rin kaya ang punta nila, itong lugar na ito kaya ang tinutukoy nilang balikan.


Tahimik akong kumain sa mga prutas, kakayanin ko naman sigurong mamuhay rito. Sa katunayan ay mas gusto ko rito, malayo sa mundong kinalakihan ko, nasan kaya ako.

“Anong klaseng hamon kaya ang haharapin ko sa mundong ito?”

Ilang segundong pagpapahinga habang pinapanood ang bilog na buwan, at kulay lila na kalangitan. Mga nagniningningang bituin at malamig na hampas ng hangin sa balat ko. Oras na para kalimutan ang masasamang alaala na nagdaan. Tumayo ako sa maliit na duyan at muling pumasok sa bahay para matulog. Sa pagpikit ko ngayong gabi, kasabay nito ang paglimot ko sa dati kong buhay. At sa paggising ko sa panibagong araw, panibagong ako ang sisibol.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising, bumangon akong may ngiti sa labi. Hindi pa gaanong madilim kaya tinungo ko ang kusina para uminom ng mainit na gatas. Napagdesisyonan kong sumubok mangaso ngayong madaling araw. Gamit ang itim na tela na nakuha ko sa lobo kahapon bilang panangga sa lamig, bumaba ako dala ang bag na dala bigay ni Tanda.

Sa ilang oras na paglalakad habang sinasaulo ang mga punong dinaanan ko. May narinig ako kaluskos sa likod. Tahimik akong natigil at maingat na lumingon, dahan-dahang binabay ang daan palapit kung saan nagmula ang sunod-sunod na kaluskos. Lumapit ako sa isang puno at sa likod nito, hindi kalayuan ay may itim na baboy ramo na nanginginain. Nagdalawang isip ako sa laki nito. Pumapantay ito sa laki ng lolo kahapon. Triple ang laki nito sa normal na baboy.

Hindi na ako nag-aksaya nga panahon, tinutok ko sa kanya ang pana. Ilang sandali akong humanap ng tyempo, hinintay kong tuluyang mabuo ang palaso bago ko ito bitawan. Bumulusok ito papunta sa baboy, sa matalas ma pakiramdam nito ay napalingon ang baboy sa paparating na palaso ngunit huli na para sa kanyang tumakbo. Tinamaan ito sa tiyan, ganoon paman ay kumaripas pa rin ito ng takbo. Kaya hinabol ko ito at pinana ko ulit habang tumatakbo ito. Tinamaan naman ito sa ulo ngunit daplis lamang saka nawala na ito sa paningin ko. Agad rin akong tumakbo para sundan ito, hanggang hindi ko na alam kung saan ito na gawi. Akala ko ay natakasan na niya ako ngunit napansin ko ang dugo sa mga patay na dahon sa lupa. Posibleng nandito lang ito sa malapit . Sinundan ko ang dugo hanggang dalhin ako nito sa naghihingalong baboy ramo. Mabilis ang paghinga nito ngunit nananatili pa ring nakatayo at masama ang tingin sa akin.

Maari nga tinamaan ito ngunit hindi ito lubhang nasugatan. Agad kong pinalitan ang pana ko sa kadena at nilatigo ito ng pinakamalakas na kaya ko. Noong tumakbo ito para sugurin ako. Mabilis akong umatras at umiwas sa kagat nito. Malakas itong humiyaw noong naramdaman na nito ang sakit ng hagupit ng kadena ko. Nagwawala ito sa galit at muli akong sinugod, sa takot ay hindi ko malaman ang gagawin. Sa pangalawang ataki nito ay nabalibag ako at tumama sa matigas na puno. Agad itong tumakbo palapit at tumailalim ako rito. Swerting nahawakan ko ang nguso nito para pigilang kagatin ako. Gamit ang kabilang kamay ay sinaksak ko ng pauli-ulit ang tiyan ng baboy.


Bumulwak ang mga dugo sa akin dahil nasa ilalim nito ako. Dahil sa ngalay ay nabitawan ko ang nguso niya, sa sakit at galit nito ay gamit ang nguso niya at binalibag ulit ako ng malakas. Humiyaw ito ng malakas at unti-unting dumapa. Nanghihina itong pumikit dahil sa nawalang mga dugo. Agad akong tumayo para tapusin ito. Sinaksak ko ito sa bungo at malakas na dumagungdong ang huling  sigaw.

Hingal na hingal akong napaupo sa lupas at inaalis ang mga dugo sa katawan ko. Naglaho rin ang baboy ramo at naiwan ang mga karne ito. May mga konting ginto at gamit. Umagaw ng attensyon ko ang maliliit na tila diyamante, ngunit hindi ako sigurado kung diyamante nga ito. Kulay tsokolate ulit ito nguniy mas makapal kumpara sa diyamante ng lobo. Mas marami ang iniwan nitong gamit kumpara sa lobo kahapon.


Pinahid ko ang gilid ng labi ko dahil may nalalasahan akong kakaiba. Ngunit nag-iwan ito ng kulay pula sa kamay ko. Agad akong dumura at dugo nga ang ito. Malakas ang pagkakatama ko sa kahoy kanina. Matamlay kong sinilid lahat ng ito sa dala kong bag.

"Mukang hindi ako mabubuhay dito ng matagal kong maramihan ang makakaharap ko, hirap nga ako sa isa sa dalawang pa kaya.” Mahina akong tumayo dahil sa sakit ng tagiliran ko.

"Hindi ako araw araw suwertehin ng makakalaban. Baka bukas hindi na ako humihinga. Walanghiya ano ba itong pinasok ko?"

VillainWhere stories live. Discover now