Chapter 44:The Truck

1.6K 67 0
                                    

Chapter 44: The Truck

Third Person's POV

Sa pagbabalik ni Waver sa lugar niya, lugar kung saan ito namulat ay hindi pa rin naalis ang sakit ng mga nangyari. May biglang sumunggab sa kanya, ngunit nasalo niya ang kamay nito bago pa ito mahawakan ang leeg niya. Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay hanggang marinig niya ang pagtunog ng buto na tila nadudurog.

Ngunit matapang ito at tinangka nitong alisin ang kamay niya sa pagkakahawak ni Waver. Nang marinig na niya ang sunod-sunod na pagkadurog ng buto ay saka nanlaki ang mata niya at agad ang pumiglas.

"AHH!" Hanggang napasigaw ito sa sakit. Saka lamang ito binitawan ni Waver na may mapang-asar na ngunit sa labi niya.

"Kinakalawang ka na, Alex, simpleng hawak ko lamang sa kamay mo naiiyak ka na? " Galit na galit itong sumuntok sa muka ni Waver pero mabilis itong sinalubong din ni Waver ng suntok. Alam niyang durog ang buto nito kaya lalong masakit ang panunutok niya.

Pasimple niyang tinago ang kamay niya sa likod matapos tumalsik ang kamao niya habang pilit tinatago ang pamimilipit. Umatras ito bahagya at masama siyang tiningnan.

Hindi pa natapos doon ang pang-aasar ni Waver sa kanya at mabilis niyang sinuntok ang muka niya at hindi ito nakailag. Labis itong nagulat sa bilis ni Waver ngunit mabilis maghilom ang mga bampira kaya naibalik din ni Alex ang ulo niya sa maayos.

"Ang bagal mo naman," lalo lamang umatras si Alex. Hindi man si Waver ang pinakamalakas sa grupo ngunit siya ang pinakamabilis, dahil siya ang air element user. At sa pag-eensayo niya sa Apari at mga laban na pinagdaanan niya, marami siyang natutunan doon. Hindi na siya takot ngayon, hindi na lamang siya ang Waver na patawa.

Bahagya namang nagtaka si Waver dahil walang nakialam sa kanila ni Alex.

"Nagmamadali tayo, Ver." Biglang sabat ni Breeze ang Gemina niya. Tipid lamang ito na tumango at bumaling kay Alex.

"Suko ka na ba Alex? " Masasabi nitong maghumina ang kaharap niya kumpara noon, posible dahil hindi na itong gaano napapalaban.

"Tumanda ka na yata , Alex." Pang-aasar pa nito. Sa isang kisap-mata, lumitaw si Waver sa harap ni Alex at hinila ang damit nito papalapit. Ngunit sinakal siya nito dahilan para suntukin siya ni Waver ng malakas saka ito tumalsik sa puno.

"Akala mo ba na babalik ako dito ng walang baon, Alex?" Tanong nito habang naglalakad papalapit sa kanya. "Hindi na ako gaya ng batang nakilala mo noon, na kaya mong pitikin paalis." At hinawakan niya ito sa panga.

"Titigan mo akong mabuti, kilalanin mo ang bagong ako, dahil ito ang tatapus ng buhay mo." Ngumisi ito at gamit ang isa niyang kamay hinawakan niya ang dibdib nito, humaba ang kuko niya at marahas na binaon ito sa hanggang makuha niya ang puso ni Alex. Saka niya itong dinurog sa harap niya.

Pinanood siya ni Waver na unti-unting maging abo, tuwid itong tumayo. "Lumabas lahat ng nandito!" Usal nito. Ngunit niisa ay walang nakinig ang nanatiling nagkukubli.

Hindi niya man maramdaman ang paghinga niya dahil hindi sila humihinga, rinig niya ang hangin at kung saan may palihim na gumagala sa paligid. Hindi niya man matukoy ang tamang bilang ngunit marami-rami sila. Bumuo ito ng maliit na buhawi ang hinayaan itong lumaki ng lumaki. May ilang kinain nito at mabilis na nagpaikot-ikot sa loob nito.

"Lumabas ang iba pa kung ayaw magaya sa kanila." Utos niya at nagsilabasan nga sila. Pinatigil niya ang ipo-ipo at bumagsak ang limang lalaki sa lupa.

"Natalo ko si Alex kaya ako na ang bagong pinuno, lumapit ang hindi sang-ayon." Ngunit niisa ay walang nagsalita.

"Wala? Mabuti, maghanda para sa paglikas."

"Bakit tayo lilikas?" May ang isang nagtanong.

"May paparating na digmaan at delikado dito."

VillainWhere stories live. Discover now