Chapter 3:His Kindness

6.9K 237 8
                                    

His Kindness

Hindi ako nagsalita at gumalaw. Hinintay kong kusa itong lumabas, binantayan kong mabuti ang galaw nito. Napansin niyang alam kong nasa paligid siya kaya napagpasiyahan na niyang lumabas.

"Hindi ko inaasahan na marunog ka makipaglaban." Nagulat akong makita ito, siya iyong nagbigay ng sandata ko, at tindero sa baba.

"Anong ginagawa mo dito?" Umatras ako dahil papalapit ito sa akin kaya huminto siya noong napansin iyon.

"Alam kong hindi ka hihingi sa akin ng tulong, gusto ko lang na siguruhing maayos ka kaya sinundan kita rito." Mahinahon nito paliwanag sa akin. Tiningnan ko ito ng mabuti upang siguruhing hindi ito nagsisinungaling. Maaari nga maganda ang hangarin niya ngunit wala akong maisip na dahilan kung bakit.

"Napansin kong hindi ka talaga bihasa sa pagagamit ng sandata sadyang matalino kalang kaya natalo mo ang lobo ngunit mali posisyon at paghawak mo ng sandata. Kung minalas ka ng kalaban ay critical ang lagay mo." Puna nito sa akin, aminado naman akong totoo ito. Wala nga akong kahit anong alam sa pakikipaglaban. Tinalikuran ko ito at akmang aalis.

"Anong kapalit?" Tanong ko bago umalis. Wala akong makitang dahilan para pag-usapan ang ganoong bagay sa ngayon dahil ano mang oras ay tingin ko lalagutan na ako ng hininga.

“Kapalit saan?” Nagtataka nitong tanong sa akin.

“Sa sandatang ito.”

“Hindi ba’t sinabi ko na ang kapalit at naibigay mo na, kaya sayo na iyan.” Maagap nitong sagot.

“Kung ganoon, bakit ka nandito? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”

“Para tulungan ka, alam kong mahihirapan ka.” Sagot nito kaya humarap akong muli.

“At ano ang kapalit nito?” Hindi ko minamasama ang kabutihan nito ngunit tingin ko ay sobra ang binibigay  nitong tulong sa isang estranghero ng libre lamang. Imposibleng wala siyang hilinging kapalit. Hindi ako naniniwalang wala itong pakay.

"Hindi lahat ng bagay may kapalit, Ash. Minsan kusa itong binibigay ng walang kapalit.”Habang pinipilit kong tatagan ang sarili ko sa sakit ng sugat at konting hilo. Mahina akong natawa sanhi ng pagbulwak ng konting dugo sa tiyan ko.

"Anong binabalak mo, tanda?"Napatingin ito sa sugat ko sa braso. Kaya tumagilid ako para itago ito. "Ano ang tunay mong hangarin?" Matigas kong tanong, ayokong maniwala.

"Gusto lang kitang tulongan, alam kong mahihirapan akong kunin ang tiwala. Pansin ko ngang masiyado amg mailap. Pero ito ang nasisiguro ko, hindi ko gagawin ang ginawa sa iyo ng mga nilalang na nanakit saiyo." Hindi ako ang salita at nanatiling nakatingin sa kaniya at nagbuntong hininga ito.

"Ginagawa ko ito dahil sa tingin kong malaki ang gagampanan mo sa hinaharap, na alam kong  papalapit na. Alam kong may dahilan kaya ka napadpad sa lugar na ito."Saad nito, ano nga kaya ang dahilan kung bakit ako napadpad sa lugar na ito. “Alam kong may malaking dahilan bakit tayo nagtagpu.” Bumaba ang tingin niya sa hawak kong dagger.

"Hindi ko maintindihan,"


“Lahat ay maiintidihan mo rin pagdating ng tamang panahon. Sangayon mabuting makahanap ka ng matutuluyan bago kumagat ang dilim.” Hindi ko alam kung tama bang pagkatiwalaan ang isang tulad niya. Hindi siya gaya ng ibang mamamayan sa baba, higit itong mas matipuno, at malaki ang katawan.

"Wala akong masamang balak magtiwala ka tutulongan kita, tururuan kitang makipaglaban para maipagtangol ang iyong sarili mula sa kapahamakan, naranasan ko ng mamuhay ng mag isa at napakahirap ang mag isa, wala akong pamilya dahil ginugol ko ang sarili ko sa paglilikod sa kaharian, kaharian ng Admirari." Nakapagtataka ang bigla niyang pagbangit ng tungkol sa sarili niya.

VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon