Chapter 2: Infinity Weapon

9.8K 284 5
                                    

*Infinity weapon*

Dahil sa gulat ay nabitawan ko ito. Nagpunas ako ng kamay sa damit ko. Kinalabutan ako sa nahawakan ko. Parang hinihigop nito ang lakas ko.

"Gusto mo ba iyan? Maganda hindi ba?" Nakangiting tanong ng matanda. Napakurap ako at binalik ang tingin sa pana. Mabilis akong umiling.

"Hindi," at tumalikod na ako pa alis.

"Saan ka pupunta? Pinili ka nang sandatang iyan, wala ng makakahawak niyan kundi ikaw lang." Saad ng matanda. Kaya kumunot ang noo ko. Pinili?

"Tinanggap niya ang kapangyarihan mo kaya pinipili ka niya." Dagdag ng matanda na dumagdag din sa kalituhan ko. Anong ibig sabihin nito.

"Hahaha, mukang wala kang naiintidihan, dumaloy sa kanya ang kapangyarihan mo kaya nagbago ng anyo ang sandata." At  inabot niya sa akin ang pana. Napatingin ako sa pana at binalik ang tingin sa kaniya. Nalilito parin ako, anong ibig nitong sabihin.

"Taposin mo ang ritual." Ritual? Natatakot akong magtanong kaya wala sa sariling tinanggap ang pana kahit na wala akong maiintindihan. Ayokong magmukang mahina at walang alam. Napatingin ako sa pana at bumalik ang tingin ko sa matandang nakangiti parin. Sa malalaki at matitigas niyang braso. Taliwas nito ang expresyon niya sa muka.

"Anong ritual?" Tanong ko sa kanya gulo gulong parin ako. Hindi ko na napigilang malito. Bago pa man ako makapagtanong ay sumagot na ito.

"Isang paraan para makilala mo ang iyong sandata." Sagot nito at tumango ako. Pagkilala, sumabay lang dapat ako sa agus. Maniwala ka lang, hayaan mo muna ang lahat.

"Paano?" Lakas loob kong tanong.

"Pakikiramdam mo lang ito at siya mismo ang magtuturo sayo kong paano, iba iba ang paraan ng pagpagpapakilala ng bawat sandata." Susunukan ko. Kahibangan ito kung iisipin. Sinunod ko ang sinabi ni tanda, nakatitigparin ako sa pana. Naramdaman ko ulit ang init sa palad ko, parang tinutusok ang ito at bumibilis ang tibok ng puso ko.

Wala sa sariling tinutok ko ang pana sa isang puno at pinihit ko ang string nito kahit walang palaso, unti unti may nabuong palaso, at matapos kong  maramdam na  handa na ito. Binitawan ko at bumulusok ang palaso sa puno. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng palaso kulay dark purple ang talim, itim katawan at parang lumiliyab ang dulo.

Parang may ibang gumagamit sa katawan ko at hinagis ko ito pataas at pagkasalo ko ay isa na itong kadena. Hinampas hampas ko ito sa hangin at matinding saya ang pakiramdam. Hindi ko mapigilan at hindi ko maintindihan. Tapos umilaw ito at naging punyal. Kumikislap sa talim at sobrang angas. May nakaulit sa metal na hugis apoy at kulay itim. Bigla itong naging itim na usok at umikot sa pulsohan ko at unti unti naging pulseras na kulay black na may kurting Pula. Napangiti ako sa ganda nito. Nakakamangha at hindi kapanipaniwala. Pero napawi rin agad dahil wala akong pambayad sa sandata hindi ko rin alam paano to pabalikin sa dati nitong anyo. Humarap ako kay tanda.

"Paano to pabalikin sa dating anyo?" Tanong ko at ngumiti ulit siya.

"Utusan mo." simpling sagot nito.

Inisip kong maging pana ulit ito at hindi naman ako nabigo. Bumalik ito sa dating anyo at lalo itong gumanda. Inilagay ko ang pana sa lamesa na kinalalagyan nito kahit labag sa loob ko. Gusto kong dalhin ito ngunit wala akong sapat na salapi para rito.

"Bakit mo binabalik?" Tanong ni tanda at nag-iwas ako ng tingin.

"Hindi ko kayang bayaran iyan." Pabalang kong sabi at tatalikod na paalis.

"Tatalikuran mo ulit?" Natigil ako sa paghakbang sa tanong ng matanda.

"Anong magagawa ko?" Saad ko, halata namang wala akong maipambabayad.

VillainWhere stories live. Discover now