Chapter 24: Hidden Agenda

2.8K 135 8
                                    

Chapter 24: Hidden Agenda

"Una na kayo, ate. May dadaanan pa pala ako." Bumitaw si Eve sa akin at lumakad palayo ngunit bigla itong nabalik. Nilingon ko kung kaninong kamay ang humila sa kanya pabalik.

Seryosong nakatingin sumulyap si Frost sa akin at bumitaw sa pagkakahawak niya matapos nitong mapansin na nakatingin ako sa kanya.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Eve sa kanya.

Pero hindi ito nagsalita, naniniguro lamang ito na magkakasama kaming lumabas para masiguro ang kaligtasan naming lahat.

Hindi na ako nagtataka sa ginawa nito, ako man ay nakakaramdam ng kilabut. Alam ko ring magkasama sila ni Ali at marami itong alam tungkol sa plano ni Ali.

Ang ibang kasama ay kinakabahan lamang sa kahihinatnan ng misyon, hindi nila alam na nandito ang totoong banta.

'Ash, masamang balita,' pasimple akong napalingon sa paligid para mahanap kung nasaan ito. Ngunit hindi ko ito makita.

'Bakit?'

'Plano ng Hari na patayin lahat ng element user,' Nagkalukuhan na, sinasabi ko na nga ba.

'Anong dahilan?'

'Hindi ko alam, 'yon lang inabutan ko,' sagot nito.

Magsisimula ng kumilos ng Hari, tingin ko ay alam na ni Ali ang tungkol rito, gano'n din si Frost. Mahigpit kong hinawakan ang braso ni Eve habang malakas na kumakabog ang dibdib ko.

Habang papalapit kami sa bukana ng Sentro, lalong lumalakas ang kaba ko.

"Handa," sabi ni Volt. Ngunit naguguluhan ang iba kung anong ibig sabihin nito. Tahimik kaming nakalabas, at marahas akong napalingon sa pinto noong malakas itong sumara.

Tahimik lamang silang naglalakad ngunit napatingin ako sa itaas, nasilaw ako sa liwanag ng araw kaya agad akong napapikit. Ngunit nakita ko ang nagliliparang karayom sa itaas ng malaking pader ng bakod ng Sentro.

Daang-daang palaso ang paparating kaya mabilis akong sumakay kay Drake at hinila si Brook. Lumipad si Eve, si Waver naman ay mabilis na kinarga si Lindsay saka tumakbo ng hindi halos makita sa bilis. Nag-shift naman si Ali at sumakay si Frost sa kanya.

Habang si Rex ay nanigas sa gulat kaya binitbit na rin ni Drake.

Matapos naming makalayo sa Sentro ay mahigpit ang kapit sa akin ni Brook sa likod ko. Nanginginig ito sa takot.

Sa baba ay naaninag ko si Waver mabilis na nagpapalipat-lipat sa mga puno habang karga si Lindsay. Nakasunod sila sa amin habang si Ali ay mabilis rin ang takbo.

Ngunit naniniguro ang hari na mapaslang kami, may mga nakaabang pa na kawal rito para salubungin kami.

"Ash, may humahabol sa atin!" rinig kong sigaw ni Eve. "Si Alpha napapalibutan!" Agad kong hinanap kung nasaan sila, nakahinto nga si Ali habang napapalibutan.

"KUNIN MO SI FROST!" Utos ko kay Eve ngunit napalingon ito sa akin.

"BAKIT? HINDI KO KAYA!" Malakas nitong sigaw.

"KAYA MO!" Wala itong nagawa at mabilis na kinuha si Frost at inilipad sa itaas. Tumalon ako pababa sa tabi ni Ali.

Eve POV

Halos mapatid ang hininga ko habang sinisikap na makaangat ng kaunti nang hindi ako mabangga sa mga puno.

"Ibaba mo ko," biglang nagsalita ang lalaking buhat ko.

"Wag kang maiingay mabigat ka!" Natahimik ito at humabol ako kay Drake.

VillainWhere stories live. Discover now