Chapter 49: New Day

2K 90 0
                                    

Chapter 49: New Day

Habang tanaw ang buong nasasakupan mula rito sa terrace ng kaharian hindi ko maiwasang masaktan. Malaking trahedya para sa kanila ang ginawa ko at dinulot namin ng ama ko.

Bigla na lamang may yumakap sa akin mula sa likod kaya agad akong napangiti.

"Hinihintay na tayo sa baba.” Bulong nito sa tainga ko.

"Hindi ko kayang bumaba."

"Bakit?"

"Ako ang pumatay sa kanila, tama bang dumalo ako sa burol nila?"

"Hindi mo sila pinatay, April did." At hinalikan niya ako sa pisngi. Ganoon na rin iyon, ako pa rin si April.

Maayos na ang lahat ngayon, naibalik na ang kaayusan at inaasikaso ang mga burol ng mga nasawi.

Pero namatay si Dylan ang ama ni Lindsay. Dahil nanganib ang buhay ni Lindsay sa pagligtas ng buhay ni Ali, naubos  ang lakas at enerhiya niya sa buong araw na panggagamot kaya noon ginamot niya si Ali ay nahirapan na siya ngunit pinilit niya parin dahil ayaw niya akong biguin.

Kaya niligtas naman siya ng kanyang ama na sanhi ng kamatayan niya. Malaking enerhiya ang kailangan ng isang healer kaya malaking enerhiya ang binigay niya kay Lind at binuhos na niya ang lahat.

Marami ring nasawi sa digmaan kaya maraming patay ang paglalamayan ngayon. Matapos ang lamay ay pinarangalan ang mga bayani,  ang mga Royal Knight ang mga kasama ko.

"They became the hero and I remain the Villain of every ones story." Tahimik la’ng akong nanonood sa tabi. Gusto nila akong parangalan ngunit ako na ang tumanggi

I want to be low profile to every one.

Lagi ko na ring suot ang itim na tela sa muka ko, dahil kung hindi ko suot ito ay may nagdudulot ako ng kasawian sa lahat. Last time na hindi ko ito suot ay maraming namatay.

Lahat ng nakakakilala sa akin ay nanatiling tikom ang bibig.

Lahat ng nakasaksi sa ginawa ko noon ay nanatiling tikom. Mabuti man o masama.

Ayaw kong malantad sa lahat ang pagkakakilanlan ko. Ang alam la’ng nila ay masama ako ngunit minahal ko ang leader ng mga bagong Royal Knight. Pinagbawal na ako ay pag-usapan sa buong Magicus.

Masaya silang nagsasalo sa kanilang panalo at kalayaan.

Nandito ang lahat ng lahi liban sa demonyo at Anghel hanggang ngayon wala paring nakakaalam kung nasaan ang kaharian ng mga anghel. Umalis ako at naglakadlakad sa paligid dahil, naghahatian na sila ng territoryo at napipirmahan ng titulo.

Lahat ay binigyan ng titulo kahit ang mga demonyo kahit walang nakakaalam kung may natira pa sa kanila liban sa akin.

Nakita ko ang mga kabahayang tinupok ko.

May isang batang babae na lumapit sa akin.

"Ate,"tawag nito at lumingon ako sa kanya. Akala ko matatakot siya sa mga mata ko pero hindi sa halip ay nakangiti siya sa akin.

"Bakit hindi ka pinarangalan?" Tanong niya siguro nakita niya na pinatay ko ang ama ko.

"Dahil hindi ako karapatdapat."

"Pero ikaw ang nagligtas sa buong mundo, ikaw ang tumalo sa evil king.” Bata pa siya para maintindihan ang ginawa ko.

“I am evil too.”

"Bakit ka nagbago at niligtas kami kung totoo kang evil?" Sabi niya kaya lumuhod ako para mapantayan ko siya.

"Because I fall in love with my enemy and I choose to be with him."

"Hindi kita maintindihan, basta para sa akin ikaw ang hero." At sinuot niya saakin ang isang kwintas na gawa sa bulaklak.

"Ako gumawa niyan, ate."

"Thank you. Maari ko bang malaman kung ano ang pangalan mo?"

"Elly ang pangalan ko, Ash ang pangalan mo hindi ba?" Ngumiti ako at tumango sa kanya kahit hindi niya nakikita ang ngiti ko.

"Pwede ko bang makita saglit ang muka mo, ate?" Kaya tumango lang ako at tinanggal ang tela. Hinawakan niya ang muka ko.

"Ang ganda-ganda mo, ate Ash, paglaki ko,  gusto ko maging katulad mo. Gumagawa ng mabuti, ngunit walang hinihinging kapalit o pagkilala sa mabuti mong nagawa." Sabi niya at siya mismo ang nagsuot ng tela sa akin.

"ELLY!" Sigaw ng mama niya.

"Nandyan na, ina!" Sagot niya rito at nakangiting tumingin ulit sa akin.

"Paalam, ate Ash, hanggang sa muli nating pagkikita." Tumango la’ng ako at pinanood itong lumakad papunta sa kanyang ina. Paglapit niya sa mama niya ay na pagalitan siya dahil lumapit ito sa akin.

Napangiti na lang ako sa ginawa ng bata, matalino siya. Balang araw ay magiging mabuti siyang nilalang, hindi gaya ko.

Ikararangal siya ng lahat.

Pumunta ako sa Akademya, pinuntahan ko kung saan kami tumatambay nina Eve at nina Yohan noon. Naabutan ko doon si Bryle at si Blaze.

"Ash," bati ni Blaze sa akin.

"Bakit kayo nandito?" Kasama sila sa mga pinarangalan kanina, bakit nandito sila?

"Nababagot kami sa loob." Sagot ni Blaze sa akin at umupo ako sa tabi niya.

"Iyan nga ba totoong dahilan?"

"Naalala lang namin ang pinagmulan natin.” Sagot ni Bryle. "Noon kami ang hinahabol ng kawal at nagdudulot ng sakit sa ulo ng mga opisyal ngayon kami na ang pinararangalan ng kabayanihan."

"Dahil iyon sayo ngunit ikaw pa ang masama sa paningin ng iba."

"Kayo ang gumagawa kung anong gusto n’yong gawin, kayo ang naglagay sa sarili n’yo kung saan kayo ngayon."

"Anong mangyayari sa atin ngayon?” Tanong ni Blaze habang nakatingin sa langit.

"Paniguradong magkakahiwalay tayo," sagot ni Bryle sa kanya.

"Kayo,  kung saan n’yo gusto."

"Ikaw,  saan ka namin makikita?"

"Nasa paligid la’ng ako nagmamasid, dadating ako kung kailangan n’yo ako." Natawa lamang ang dalawa sa sagot ko.

"Hahanapin ka na la’ng namin sa pack ni Ali paniguradong nandon ka." Nakangising sabi ni Blaze sa akin kaya napangiti na rin ako.

"Naka-usap mo na ba ang mama mo?" Agad na natahimik si Bryle sa tanong ko.

"Ayaw ko siyang makausap sa ngayon." Sagot niya sa akin.

"Iniwan niya la’ng ako sa bahay ng walang kasama, isang buwan la’ng ako noon at lagi niya akong iniiwan mag-isa.” Nasunog kasi ang bahay kung saan siya iniiwan ng mama niya kaya akala ni Janet na patay na si Bryle ngunit nakaligtas si Bryle dahil sa mag-asawang nakarinig sa kanyang iyak. Nangdumating si Janet sa bahay ay abo ng ang buong bahay.

"Mabuting pakinggan mo muna ang rason." Kahit tingin ko ay hindi ito makakatulong, ayaw ko lamang na pangunahan siya ng galit.

"Alam ko, hindi lamang ako handang makausap siya.” Natigil ang pag-uusap ng dumating si Ali.

"Pinababalik na kayo." Sabi ni Ali sa kanila ni Blaze.

“ Ang sabihin mo pinalalayas mo na kami." Paratang ni Blaze bago tumayo at naglakad palayo kasama si Bryle.

Umupo ito sa tabi ko habang nakatingin ako sa kawalan.

"Anong plano mo?"

"Live a simple life with you and with the pack." Diretso nitong sagot sa akin.

"Ikaw ang tagapagmana ng papa mo."

"Ayaw kong pamunuan ang mga Mago."

VillainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora