Chapter 34: Cold Night

2.2K 96 3
                                    

Chapter 34: Cold Night

Umupo lamang si Rage sa tabi habang si Frey masayang-masaya kausap ni Eve. Agad silang nagkwentuhan tila matagal nagkawalay sa isa't-isa.

"Check you backpack," utos ko sa mga ito. Kinuha naman nila ang mga bag nila at sinuri ang mga nakuha.

"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Blaze habang tinitingnan ang mga laman ng bag nito.

"Check you potems," si Ali ang sumagot. Ramdam ko rin ang paglakas ng pwersa ng Fire elemente ko. Mas madali na sa akin ng suportahan ang init sa katawan nila para hindi sila lamigin. May nahanap nga si Jared at Yohan. Kompleto na rin ang potems sa sandata nila.

Malamin na ang gabi at napagpasyahan nilang matulog na. Umupo lamang rin ako kasama sila habang nakahilig sa malaking bato. Sa kalagitnaan ng pagsakop sa akin ng antok ay may humawak sa ulo ko. Mabigat na rin ang talukap ng mata ko kaya hindi na ako dumilat. Kilala ko rin ang amoy na iyon, nilipat niya ako ng pwesto. Nakaupo ako sa pagitan ng hita niya habang nakahilig sa dibdib nito.

Hindi na lamang ako nagreklamo pa at niyakap ito. Halos buong araw ay tahimik ito, ngunit alam ko ang mga sulyap niya. Lalo kapag may lumalapit sa akin, ramdam ko ang sama ng mga tingin niya ngunit hindi ito nagsasalita. Sinusubukan kong dumistansya sa iba para hindi ito mainis.

Bago ako mawalan ng ulirat ay bulong ito. "Goodnight," hinalikan niya ako sa ulo at niyakap ang katawan ko.

Kinabukasan ay nagising ako sa bisig ni Ali. Ako ang unang nagising kaya dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap ni Ali sa akin. Tinulak ko ang isang kamay ngunit mas pumulupot lamang ito. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong nakatingin si Rage, gising na pala ito. Nagkakamot ito ng ulo habang humihikab at mabilis nag-iwas ng tingin.

Tinapik ko si Ali para magising, ngunit tingin ko gising na ito. Magigising na sila ano mang-oras kaya tinanggal ko ulit ang mga kamay nito. Akala ko ay makaalis na ako pero hindi ulit ako nito.

"Huy," nagsisimula na akong mahiya sa pinaggagagawa nito. "Bitaw na," madiin kong bulong. "Alam kong gising ka na." Lumuwag ang yakap nito pero hindi pa rin ako binibitawan. "Bitaw na," umiling ito habang nakapikit. Naririnig kami ni Rage kaya pasimple akong napatingin sa kanya. Asal bata na naman ito.

Ayaw pa niya talaga akong bitawan kaya pabagsak akong nahiga ulit sa dibdib niya. Ngunit naalerto ang buong katawan ko dahil narinig ko si Eve na nagising na. Binitawan niya naman agad ako at maayos akong gumulong sa tabi niya.

"Good morning," bati ni Eve habang nagtatanggal ng muta. Nagising na rin ang iba kaya nagsimula na kaming maghanda sa pag-alis.

Nabasa ko noon na kahit naging mago na ang gemina namin, hindi pa rin mapuputol ang ugnay namin, nakatakda pa rin silang magtanggol sa amin, kumbaga kanang kamay at tapat na tagasilbi.

"Morning!" maligayang bati ni Frey. Kahit alam niyang delikado ang susuongin namin, nananatiling masigla ito gaya ni Eve. Nagkakasundo talaga si sila ni Eve kasama na si Brook. Nangingiti lamang sa tabi si Linsay. Si Rage at tahimik lamang na nakadikit kay Ali. Biglang umalis si Frost kaya hinintay na muna namin. Hindi nakatiis si Eve kaya sumunod siya kay Frost.

Pagbalik nila ni Frost ay may kasama na silang white winged tiger na malaki na kayang sakyan. Hinagisan ko siya ng kwintas na gaya ng kay Drake. Maagap naman niya itong nasalo.

"Anong nga pangalan n'ya Frost?" tanong ni Eve habang sinisipat ang buong katawan ng tigre.

"Snow," tipid nitong sagot.

"Babae iyan?" tanong ni Eve kahit alam niya naman, gusto lamang nito na makausap si Frost.

"Obvious ba?" ang sagot ni Frost rito kaya naawa na lamang ako sa kanya. Nagsimula kaming maglakas at simula na rin ng pangungulit ni Eve kay Frost.

VillainWhere stories live. Discover now