Chapter 47: Final Battle

1.5K 62 0
                                    

Chapter 47: Final Battle
Sa Hilaga si Dylan(ama ni Lindsay, Earth Element) at ang kanyang Gemina. Sa hilagang kanluran naman si Frey at Drain. Hilagang silangan si Jake(Ama ni Waver, Air Element), Waver at Breeze, sa silangan si Janet( Ina ni Bryle Lightning Elemet), Ali at Rage. Sa kanluran naman ay si Dawin (Ama ni Brook, water element), Brook at Jared. Sa timog kaluran ay si Rex, Azul (Ama ni Rex at light Element) at si Ray. At sa timog silangan ay sina Winter(Ina ni Frost, Ice Element), si Frost at Zen. Sa timog naman si Lindsay at Solene habang sa loob sina Eve, Blaze, Bryle, Aqua at ng Hari.

Mga bampira sa Norte habang mga taong-lobo ang sa silangan at mulawin sa kanluran, sa timog ang mga fairy habang na hati sa iba’t-ibang parte ang mga mago.

Nakapwesto na silang lahat kahit wala pa silang nakikitang paparating. Gusto nilang maging handa ano mang oras.

"Everything is going to be alright." Saad ng Hari kay Ali.

Ash POV

Pumasok si Severino sa loob ng silid kung saan ako na may dalang malawak na ngiti.

"Handa ka na ba anak?" Tanong nito at agad nakaramdam ni Ash ng takot kaba.

"Akala ko ba uupo lamang ako at panuorin kang talunin sila."

"Nagbago ang isip ko, masisiguro ko ang panalo ko kung ikaw ang lalaban sa kanila dahil mahal ka nila. Hindi nila kakayaning lumaban sa iyo, tama ba?" Hindi ako nagpakita ng kahit anong reaksyon sa kanya.

"Kaya patunayan mo saakin na ako nga ang kakampihan mo at hindi sila.” Wala akong papanigan, baliw ang ama ko at biktima lamang siya.

"Drink this for me." Bumagsak ang tingin ko sa hawak nitong maliit na bote, kulay itim ang loob nito, bumalik ang tingin ko sa muka niya. Hindi ko siya kilala ngunit alam kung ama ko siya. Hindi ko maggawang magtiwala.

"Paano ko iinomin nakagapos ang kamay ko?" Sa katunayan ay nagdadalawang isip ako, anong mangyayari kapag ininom ko iyan. Isa lamang gusto ko, ang mawala ang lambot ng puso ko sa mga kaibigan ko at kay Ali.

Lumapit lamang ito sa akin at tinanggal ang takip nito. Sa panahong ito, pagod na ako. Mangyari na ang mangyari. Pikit mata kong ininom ito, agad kong nalasahan ang pait na di masukat. Tila sinusunog ang lalamunan ko sa pagdaloy nito.

Ali Pov
Handa na ang hukbo, ngunit sino ngaba ang tunay na handa. Bawat paglipas ng kahit minuto ay ramdam ko ang kaba sa buong katawan ko. Kaba at takot hindi sa pagkatalo ni pagkamatay o kahit ang masugatan. Takot na maulit ang tagpu na hindi niya ako makilala.

Walang kasing sakit ang lamig ng titig niya noong hindi niya ako nakilala. Tila isa akong kalaban na dapat niyang mapaslang. Hindi maalis sa isip niya ang minsang nakita ni Brook, isang kaganapan na hindi makontrol si Ash at lahat ay matitigilan. Lahat lilingon sa gawi niya at tila nagugulat sa kaniyang nagawa. Ano ito?

"Maghanda na kayo." Rinig ko ang pagdating nila, hindi mabilang na yapak. Nilingon ko ang mga kasama ko sa likod at saka dumako sa maliit at na bilog na ibinigay ni Frost kung saan ko maririnig ang mga boses nilang lahat.

"May nakikita akong mga palasong papalapit,” rinig kong saad ni Rex.

“Copy,” nagtaka ako sa naging sagot ni Eve at ilang minuto matapos ang pag-ulan ng mga pana ay may lumipad mula sa loob na malaking umaapoy na bola.  Walang tinamaan sa pag-ataki ngunit maraming bumagsak sa ganti ni Eve.

“Nakita ko na siya,” dagdag ni Rex, siya ang may pinakamatalas ang paningin. Hindi nga ito nagsisinungaling at nakita ko itong nakasakay sa dragon niya at sa likod niya ang kanyang ama. Walang reaksyon si Ash ngunit nakita ko ang pagbabago ng pananamit niya.

VillainWhere stories live. Discover now