Chapter 35: Freezing death

2K 100 0
                                    

Chapter 35: Freezing death

Maagap namang nakagat ni Draike ang damit niya upang hindi ito tuluyang mahulog. Ngunit nakita ng lahat na wala itong malay. Nawala ang kontrol ni Ash sa uso na siyang may dala kina Ali at Yohan. Dali-daling gumalaw si Rex para makontrol ang usong ito ngunit huli na. Nahawakan ng uso si Yohan at tinapon, tumama ito sa puno habang si Ali ay nag-anyong lubo ulit at malakas na kinagat ang uso sa paa. Mabilis na tumakbo ang uso at pinulot muli si Yohan. Malakas niyang piniga si Yohan kaya umalingaw-ngaw ang malakas nitong sigaw.

Habang ang lahat ng kasama nila ay inaataki ang uso ng paulit-ulit. Sa pagbagsak ng uso, ganoon rin siya.

Halos manigas ang lahat sa lamig at sawi noong makita si Yohan na nakahandusay. Ngunit hindi ang mga itinuring niyang kapatid na sina Jared. Buong lakas silang nakikipaglaban sa mga lobo na sumubok na kainin si Yohan.Habang si Lindsay at Eve ay tumakbo papalapit kay Yohan para subukan itong isalba. Hindi nila alintan ang lamig, lahat ay tila namanhid. Patuloy silang lumaban hanggang magawang linisin ni Rex ang mga dark element na nagpapagalaw sa mga lobo at uso.

Inilapag ni Draike si Ash at mabilis na lumapit si Eve at Ali sa kanya. Ang mga uso ay tumulong sa kanila na mainitan at ang mga lobo ay umalis na.

"Patawarin n'yo ako," mahinang boses ang lumabas sa bibig niya. Halos hindi na nito mabuksan ang mata at labi niya. Agad na hinawakan ni Blaze ang kamay nito at pumalibot ang mga kagrupo niya.

"Bakit?" tanong nito. Habang si Lindsay sa kabilang gilid sinusubukang agapan ang lahat ng sugat.

"Nagtaksil ako," pag-amin nito at walang niisa ang nagsalita, "Ihingi n'yo ako ng tawad kay Ash, I'm sorry," ang huli nitong sinabi bago tumigil ang paghinga nito. Tahimik na naiyak ang mga babae habang tulala ang mga kagrupo niya na sina Jared, Bryle, at Blaze. Habang si Ash ay hawak ni Ali walang malay.

Lumalamig ang paligid, tila lahat ng kasiyahan ay umalis at nag-iwan ng malamig na hangin. Wala si Ash para suportahan ng init ang mga kapa nila. Tahimik na lamang silang umupo sa gilid ng nakapalibot sa mahinang apoy sa gitna na gawa ni Jared.

Nahirapan si Ash sa laban sa dark element at naubos ang lakas niya. Habang si Ali ay tila hindi nakakaramdam ng kahit ano. Nakatuon lamang ang atensyon nito kay Ash na nakahiga sa dibdib niya habang yakap niya. Eve naman ay ginagamot siya sa tabi nito. Lalo na si Frey na hindi umalis sa tabi nito.

"Bigyan natin siya ng maayos na libing?" tanong ni Rex, ngunit dumagungdong ang hindi matukoy na bagay, at nakita nilang natabunan ang bukana ng nybe, yumanig rin sa loob at may mga tipak ng yelo ang bumagsak sa apoy mula sa kisame ng kweba.

Lahat ay nagtakbuhan palayo, habang bit-bit ni Ali si Ash. Niyakap sila ng mga uso para maprotektahan ngunit sa paghupa ng pagyanig ay natabunan si Yohan.

"Hukayin ito," utos ni Rex sa mga uso at natakpuan nga si Yohan. Nanlulumo ang lahat noong tinitingnan si Yohan, maayos na pinahiga si Yohan at binalot siya ng yelo ni Frost ngunit malinaw itong makikita. Gumawa ng mga bulaklak si Lindsay at ipinalibot sa yelo kung saan si Yohan.

Biglang bumangon si Ash ngunit agad ring bumagsak sa dibdib ni Ali at napahawak sa ulo nito. Mahinang napadaing sa sakit, namimilipit ito sa sakit at hindi magkamayaw sa pag-aalala si Ali. Pinapakalma niya ito habang tinutulongan siya ni Lindsay at Eve.

Halos dumepende na kay Ash ang lahat kaya lahat ay labis na nag-alala. Natataranta ang mga gumagamot sa kaniya. Wala niisa sa kanila ang dating nakita itong nasaktan ng ganoon. Hindi nagrereklamo si Ash sa sakit kaya alam nilang sobrang sakit ang dinadanas niya dahil sa mga daing nito. Tila nahihirapan itong huminga at pinipilit na pigilan ang sakit.

VillainWhere stories live. Discover now