Chapter 31: Traitor

2.2K 120 0
                                    

Chapter 31: Traitor

Mabilis gumalaw ang kamay ko at hinuli ang palaso na dapat sa bungo ni Brook. Kung hindi lamang mabilis si Waver malamang ay nalagotan na ito.

Kanina ko paramdam na may sumusunod sa amin pero 'di ako makakuha ng tyempo magaling sila magtago. Si Broolyn ang puntirya nila kaya naiinis ako. Mabilis na kumilos ang lahat, nagtago kami sa likod ng malalaking puno.

Magaling sila, ngunit may isang nagkamali ng galaw, nakita ko ang ang isa sa itaas, nakasuot sila ng kasing kulay ng mga sanga. Mabilis kong pinana ang nakita ko at ilang sandali bago ito bumagsak.

Hindi na rin nag-aksaya ng oras si Frost binaril n'ya rin ang lahat ng makita nito. Binato rin ni Waver ang shuriken n'ya kusa naman itong bumabalik. Si Rex na rin gamit ang kanyang kunai.

May mga umataki na rin sa baba nasa mga puno ang may hawak na pana. Kaya lahat kami na palaban. Walang tigil ang pagpana ko.

Ang ipinagtataka ko lang bakit alam nila kung saan kami papunta. May traydor sa grupo.

'Ayos ka lang?' tanong ni Ali.

'Oo,'

Si Brook ang puntirya nila, wala naman akong dapat ipag-alala dahil kasama niya naman si Jared. Pinuprotektahan rin siya ng iba naming mga kasama.

Hindi ko inakalang ganito sila karami, iilan lang ang napansin ko kanina bakit parang hindi sila nauubos. Kaya humiwalay ako para tingnan kung bakit.

'Putik Ali! Isang batallion ang parating unti- unti kayo umusad pa silangan,' pinaulanan ko ng palaso ang mga paparating.

Inubos ko na ang nasa malapit at pinalibutan ko ng itim na usok kung saan sila dadaan siniguro kung sa madilim na parte para hindi nila mapansin. Mabilis akong sumunod sa kanila, may mga nakasunod pa.

Tumakbo na sina Eve palayo kaya nakahinga na ako ng malawag. Pero paglingon ko sa likod ko may mga nakalagpas sa mga usok ko, bwesit na pansin nila. Kaya sinimulan ko na lamang sunugin ang madadaan nila.

Sinabayan ko na rin ng mga usok at hinaluan na rin ni Ali ng kuryente kaya mahihirapan silang makadaan.

Hinarang narin ni Linsay ng mga kahoy na binasa ni Brook ng mga langis o gas. At sinindihan ng espada ni Jared.

"Takbo na!"

Hindi ko naman kailangan sumigaw ng malakas rinig nila ako kahit malayo. Pero nakita kong tumatakbo si Ali pabalik sa akin, halos hindi ko masundan sa bilis, sa isang iglap nasa harap ko na ito. Mabilis niya akong kinarga at binaba malapit sa mga kasama namin.

Kahit mabilis tumakbo si Waver at Ali kailangan nilang bagalan dahil hindi lumayo sa grupo. Pero nauuna minsan sina Ali para tingnan kung may madadatnan kaming panganib.

Pagkagat ng dilim, huminto kami isang lugar, mabato at malubak ngunit hindi na kami naghanap ng ibang lugar.

Gumawa sila ng apoy at nagsiupuan sa paligid ng apoy. "Nasan yong goblin?" Tanong ko dahil hindi ko ito makita.

"Nawawala siya baka naiwan natin siya, balikan natin." Tarantang sabi ni Eve at mabilis na tumayo.

"Siya ang traydor," sagot ni Frost at hinila niya si Eve pabalik sa pagkakaupo.

"Hindi ko inakalang may pinagsisilbihan na ito, ang bawat goblin ay pinanganak na malaya ngunit kapag nakahanap sila ng Mago na gusto nilang pagsilbihan, susumpa sila na maging matapat sa Magong ito habang buhay."

"Siya ang traydor dahil utos iyon ng master nito kahit anong bait natin sa kanya ay sa master niya mananatili ang kanyang katapatan." Dagdag ni Linsay sa isinalaysay ni Frost.

VillainWhere stories live. Discover now