Chapter 13: Eve

3.7K 182 3
                                    

*Eve*

Tahimik naming binabaybay ang daan, iba talaga ang epekto sa akin ng luntiang kapaligiran. Maaliwalas sa mata at masarap ang hangin. Sa ilang taon na nagdaan, marami akong natutunan, nalaman at nakamtan. Nakamtan ko ang katahimikan, malayo sa lugar na kinalakihan, ibang-iba at mas kakaiba.


Sa kabila ng magandang nangyari, hindi mo maisasantabi ang masamang pangyayari sa bayan. Mas naging mapang-abuso ang mga kawal ng kaharian. Pabalik-balik at sobra-sobra ang kinukuha. Hindi ko narin nakikita si Ali ngunit nandito pa rin ang mga kasama niya. Hindi ko alam kong anong nangyari sa kanya. Hindi ko na rin tinanong.

Nakita ko kung gaano kalawak ang Mgicus, unti-unti kong nakikilala ang lugar na ito. Gaya ng Mago ang tawag sa mga mamamayan dito, may nag iisang kaharian ng Admirary na pinamumunuan ng huwad na hari. Sentro kung saan ang pinakamalaking bayan malapit dito ang paaralan na Academia de Admira kung saan nag-aaral ang mga mago.

Patuloy ang pagsasanay ko sa mga sandata, tinuruan rin ako ni tanda ng mga estillo niya sa pakikipaglaban. Naging pantas na mangangaso. At si Drakko ayaw na natinatawag na Drakko gusto nito ay Drake malaki na rin ito ngayon nasasakyan na namin siya. Binilhan ko siya ng mahiwagang kwintas para lumiit siya sa kung gaano niya gusto at magkasiya parin siya sa bahay namin.

Kaya ko na rin palabasin sina Freya at Drain ng matagal at hindi ako masiyado naaapektuhan. Tila   normal na sila ng mga mago, kilala rin kasi si Frey sa buong bayan dahil sa ka kulitan at kamalditahan niya. Siya rin lagi kong inuutosan mamili at magbinta doon kaya marami siyang suki.

"Ash, bakit ‘di na lamang tayo sumakay kay Drake masakit na ang paa ko." Paulit-ulit ito sa pagrereklamo, kung ano-ano na lamang dahilan ang naiisip nito at hindi ko na lamang pinansin. Si Drain ay tahimik lamang na nakasunod.

May bigla na lamang dumaan sa itaas namin, malaks ang pagaspas sa hangin kaya inakala kong si Rio ngunit hindi ito kulay asul.

"Ibon ba yon?"Nagtatakang tanong ni Frey. Ngunit nawala na ito sa paningin namin.

"Babae."

"Bakit may pakpak?" Nagtataka rin ako kung bakit at ano ito.

Mabilis ang lipad nito at hindi na namin maaninag. Ngunit galing ito sa malapit, saglit itong lumapag ngunit mabilis ring umalis. Tinungo ko ang lugar kung saan ito lumapag. Naamoy ko agad ang dugo, may malaking bato akong nakita. Maingat ang bawat hakbang ko papunta rito.

"Dugo."Rinig kong sa ni Drain, kaya napatingin ako kung saan ito nakatingin. Nakayuko ito at nakita ko sa lupa ang ilang patak ng dugo.

"Anong dugo?" Lumapit ito sa akin para tingnan ito. Lumakad ako papunta sa malaking bato habang sinusundan ang dugo. Tumambad sa akin ang isang bata. Ngunit may sungay at pakpak, duguan ang tiyan at walang malay.

'Drake papuntahin mo si tanda sa bahay.' Mabilis na utos ko kay Drake. Agad akong lumapit sa kanya, sa tantya ko ay nasa limang taon ito o anim. At kinarga ko siya papunta sa bahay ko, hindi pa kami nakakalayo ng bahay kaya hindi ako nahihirapan.

Ilang sandali ay nakarating kami sa bahay at agad ko siyang nilagay sa isang kwarto nilinis at ginamot ko ang sugat niya at dumating na rin si Tanda ngunit hindi pa rin nagigsing ang bata. Nag-aalala ito noong dumating. Pinapasok ko ito at pinakita sa kanya ang bata.

"Tanda bakit siya may pakpak?" Agad na tanong Frey.

"Isa siyang fairy." Saad niya ngunit taimtim ang titig niya sa bat tila hindi makapaniwala sa nakita. “Ngunit ang pagkakaalam ko ay ubos na ang lahi ng fairy.”

“Bakit?”

“Nasabi ko na sayong, pinatutugis ng hari ang mga Fairy noon pa.”Napatingin ako sa kaawa-awang bata. Walang muwang at dinadanas ang kalupitan. "Kukupkupin nyo ba siya?" Napalingon ako kay tanda at saglit na napaisip.

VillainWhere stories live. Discover now