Chapter 25: Plan

2.8K 128 11
                                    

Chapter 25:  Plan

"Anong ginagawa ninyo dito?" Nagtatakang tanong ni Eve sa kanila. Sabay pa silang napakamot at tinuro si Ali.

"I told them to prepare something to eat," sagot nito.

"Siguradong pagod kayo at gutom nakapagluto na kami." Saad ni Allan at agad nagliwanag ang muka nila.

"Iyon! Tamang-tama gutom na ako." Masiglang sagot ni Waver at tinabig ang nasa unahan niya saka pumunta sa lamesa.

"TAKBO!" biglang sigaw ni Rex at tumakbo s'ya palayo kay Waver, napatingin lamang kami sa kanya.

"Ano ba kayo, gutom ang Vampira magtago kayo," kunwaring natatakot ito.

"Walanghiya ka, Rex." Saad nito saka kumuha ng isang hiwa ng manok.

"Kabubuhan mo, Rex, ibang klase." Komento ni Brook at mahina lamang natawa si Lindsay sa tabi. Sumunod naman ang iba at nagsimulang kumain.

I know awkward pa sa kanila dahil I use to be the villain and they use to be the hero. At nandito sila sa pamamahay ko.

"Ahm paano yong mission?" Ilang na tanong ni Linsay

"Hindi totoo yon 'di ba? Kalimutan mo na 'yon," sagot ni Eve.

"Itutuloy natin," natigil ako sa pagkain at tumingin kay Ali.

"Sinabi lang nila 'yon dahil alam nilang hindi natin maghahanap iyon at ito ang gagamitin nilang dahilan kaya hindi tayo nakabalik, palalabasin nilang namatay tayo sa paglalakbay, bakit natin ipagpapatuloy?" Kwestyon ni Frost sa desisyon ni Ali.

"Iyon nga iniisip nila, na hindi natin ito maghahanap pero anong bang nandoon?" saglit rin akong napaisip.

"Gusto mo bang makakita ng anghel Volt? Ayan naman si Linsay oh," sabat ni Waver sabay turo kay Lindsay.

"Tanongin mo nanlang si Linsay kung anong nandon Volt mukang delikado iyan," dagdag ni Rex habang abalang lumamon.

Hindi naapektuhan si Ali sa mga komento nila.

"Ayaw niyo bang mahanap ang magulang nyo?" At ito ang ikinatigil ng lahat, habang pansin ko si Allan at Ralf sa likod na hindi sang-ayon sa mungkahe ni Ali.

"Paano mo nasabing nandon sila?" tanong ni Brooklyn.

"Sa tingin n'yo saan nila tinago ang magulang natin?" balik tanong ni Ali.

"Sa tingin mo buhay pa sila?" buwelta ni Frost.

"Oo, hindi nila papatayin ang magulang natin dahil gagamitin nila ang mga ito laban sa atin kung sakaling mag-alsa tayo." Paliwanag nito sa amin.

"Pero kahit ang demonyong Hari ay hindi ito nahanap, paanong sila ang nakahanap?" Sumingit na ako sa usapan.

"Tama, akala ko ba wala niisa ang nakaalam kung nasaan 'yon." Dagdag ni Eve sa sinabi ko.

"Tumigil ang Hari sa paghahanap ng malaman niyang nasa ulap ang kaharian ng mga anghel pero ang gahamang Hari ng mago ay hindi." Na siyang ninuno niya.

"Bakit marami kang alam Volt?" tanong ni Frost.

"Lumayas ang mama ko noon at napadpad s'ya sa kaharian ng mga mago naging alipin at taga silbi s'ya doon. Nakilala n'ya ang Hari, at ako ang naging bunga. Lihim ang kanilang ugnayan dahil isang alipin ang aking ina habang s'ya ay isang hari. Malakas ang pandinig ng uri namin kaya maraming alam ang ina ko.

"Paanong napunta ka sa mga kasama mong lobo?" Hindi ko napigilang itanong.

"Nang mapatalsik ang aking ama ay nakatakas ang mama ko kaya siya nakabalik sa puder ng Lolo ko."

VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon