Chapter 37: Zaphire

1.9K 93 1
                                    

Chapter 37: Zaphire

May isang sumigaw ng sobrang tinis kaya napatakip kamin ng tainga. Tingin ko ay nagtawag pa ito kaya inilabas ko na ang espada ko. Walang pagdadalawang isip silang sumugod. Ngunit mas marami pa ang umahon at pinalibutan nila kami.

May tumalon papunta sa akin habang nakalabas ang pangil, bago pa man ito malapit ay nahiwa ko na ang kamay niya ngunit hinawakan niya ang espada at inabot ang kamay ko. Mabilis itong kumilos at akmang kakagatin ang braso ko kaya nasipa ko ito.

Kung kanina ay nakakapang-akit ang karikitan nila ay katakot-takot ang mga muka nila. "Kailangan nating makaalis rito." Ani Ali kaya na naiinis natinutulak ang lumalapit sa kaniya.

"Ash, may naisip ako, ang garapon ng mga scorpion," sigaw ni Eve sa akin kaya naman ay inilabas ko kaagad ang mga garapon at binigay sa kanya. Habang pinipilit ng lahat na huwag hayaan may makalapit sa amin ni Eve.

"Rex, kontrolin mo!" sigaw nito, dahil hindi pwede ako. Baka hindi ko rin kayanin gaya noong sa uso.

"Bilisan mo kahit wa lang." Saad ni Frost habang natataranta si Rex, tagaktak pa ang pawis nito.

"Tapos na! sakay na!" Pinauna namin ang iba na makasakay habang nakabantay kami sa mga posibleng lumapit. Ang lalakas kumapit ng mga sirena, halos hindi mo na matanggal ang kamay nila sa balat.

Marami na ring mga nakahandusay at walang buhay kaya lalo silang nagalit. Nakasakay na si Jared, Blaze, Bryle, Zen, Rage, Waver, Frey si Brook na lamang ang kulang.

Tinaas ni Brook ang trident niya at tinusok sa buhangin dahilan para tumasik sila, hindi kami nag-aksaya ng panahon, sumakay si Brook sa scopion, sabay-sabay naman lumaki sina Drake, Ace, Snow at Kaleigh sumakay kami agad. Si Rex at Eve naman lumipad.

Puro malalaking puno ang gubat wala kaming malapagan. Kaya paikot-ikot kami sa himpapawid.

"May susundan lang ako saglit." Biglang paalam si Waver kaya naghiwa-hiwalay muna kami para maghanap ng malalapagan.

"Waver, delikado ang lugar na ito saan ka pupunta!" Napansin ni Lindsay na lumalayo si Waver masyado kaya mabilis niya itong sinaway.

"Sandali lang ako!" Sigaw nito, ngunit ayaw naming magpakakampante. Sumunod na lamang kami sa kanya para makasigurong ligtas siya. Nakita naming may kinakalaban siyang gryphon na kulay puti at skyblue sa dulo ng Pak Pak at buntot.

He just found a pet kaso na talo siya ng Gryphon, good thing, hindi siya sinaktan sa katunayan ang gusto siya ng ibon. Ilang sandali pa ay nakasakay na si Waver sa ibon.

Wala kaming malapagan kaya gumawa nalang si Linsay ng lapagan. Inalis niya ang mga puno sa lalapag namin. Pinalabas ko si Drain paglapag namin, ganon din ang ginawa ng iba. Para dumami kami, ramdam ng lahat ang kakaibang katahimikan sa paligid.

"Kain muna tayo gutom na ako." At si Waver lamang ang naglakas loob na bumasag sa katahimikan, si Eve ay tahimik at mahigpit ang kapit sa damit ni Frost.

"Tama, hindi pa tayo nagpapahinga." Sang-ayon naman ni Blaze, alam kong pilit lamang nilang tinatanggal ang takot nila.

"Inaantok na nga ako." Sabi naman ni Bryle, kahit lagi naman itong tulog.

"Batugan ka talaga." Puna ni Brook sa kanya, umakto naman si Bryle na tila nasasaktan, napahawak pa ito sa dibdib.

"Mali bang mapagod? Saka kailangan ko ng beauty rest," sagot nito kay Brook.

Maggagabi na rin kaya hindi na kami sumalungat. Kaya gumawa na si Jared ng apoy. Ako naman ay inikot muna ang paligid para masigurong ligtas ang lugar.

VillainWhere stories live. Discover now