Chapter 11: Friend

3.8K 178 6
                                    

*Friend*

"Sandali," pigil ng Alpha sa akin. "Mag isa is lang kanina, paanong dumating sila sa likod mo ng hindi namin napansin?"

"Gemina," sapat na ito para maintindihan ang ibig kong sabihin.

"Sino sa kanila?" Tanong nito kaya nagdalawang isip akong sumagot.

"Silang dalawa."

"Imposible isang gemina lang ang mayroon ang isang element user." Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Sinusuri kong nagsasabi ba ito ng totoo. Gulat ring nakatingin sa akin ang dalawa sa likod niya. "Anong element ka?"

"Hindi mo na kailangang malaman." Sagot ko bago tumalikod para umalis.

"Apoy ar dilim, hindi ba? Bakit dalawa ang element mo?" Hindi ako nag-abalang humarap pa.

"Hindi ko alam."
Ayaw ko ng pag usapan Ang tungkol doon, naglaho na si Frey at Drain. Hindi na sila sumunod pa at bumaba ako sa bayan.

Bininta ko lahat ng munera na hindi to magagamit gaya ng mga sandata at potems na nakuha ko. Hindi mawala sa isip ko bakit tinutugis ang mga lubo? Bumili ako ng mga gamit at mga pagkain.

Papunta na ako sa bahay ni tanda. Maraming suki si tanda dahil  bukod sa pagtitinda gumagawa rin siya ng mga sandata.

"Tanda!".Umupo muna ako sandali para hintayin si tanda marami kasing bumili. Nangmatapos ay lumapit siya sa akin.

"Napadalaw ka." Masaya niyang sabi.

"Bakit tinutugis ng hari ang lahat ng Werewolf?"

"Paano mo nalaman ang tungkol doon?" Takang tanong nito.

"Basta."

"Maraming tinutugis ang Hari, gaya ng mga mago na kalahating tao, mga fairy,mga lobo kahit hindi taong lobo, demonyo at anghel walang pinapalampas at anak ng dalawang royal knigth."

"Bakit?"

"Walang nakakaalam ng dahilan."

"Bakit naisakatuparan ang ganiyang batas? Kalikohan."

"Sinubukan kong pigilan yan kaya natanggal ako." Nagulat ako sa ibinahagi nito.

"Paanong nalukluk sa pagiging hari ang isang magong katulad n'yan."

"Kapatid siya ng dating Hari, ampon s'ya ng kanilang ama."

"Naiisip ko na siguro bawal ang pag-iibigan ng Royal Knight ay baka manahin ng anak nila Ang kanilang mga elemento." Saad ko ngunit natawa lamang ito.

"Hindi minamana ang element, o kahit anong kapangyarihan ang kapangyarihan ang pipili sayo kong para sa kanila karapat-dapat ka. Ako nga ay anak ako ng mag asawang charm user at mankukulam." Paliwanag ni tanda ibig sabihin ay maaring pangkaraniwang mago lang mga magulang ko.

"Magagabi na tanda, unana ako." Paalam ko sa kaniya at marami rin itong inaasikaso.

"Wag mong ipaalam sa kahit sino na dual wielder element ka." Pahabol nito bago ako makaalis.

"Bakit?"

"Baka pagkainteresan kanila mabuti nang sigurado."

Alam kong darating ang araw na kukulangin ang impormasyong alam ni tatang kapag hinayaan ko ang sarili kong masabik sa mga katotohan.

Hindi pwede yon ayaw kong masangkut sa gulo, gusto ko ng tahimik na buhay. Naglalakad ako pauwi ng may naramdaman akong may nilalang na nasa malapit kaya napahinto ako.

"Malakas pala ang pakiramdam mo nalaman mo agad na nandito ako." Napalingon ako kong saan galing ang boses.

Nakita ko si Ali nakaupo sa bato nakatingin sa kawalan.

VillainWo Geschichten leben. Entdecke jetzt