Chapter 43

1.6K 89 5
                                    

Chapter 43: Home Coming

Third Person Pov

Maaga silang magsimulang maglakbay. Sakay sa alaga ni Brook na si Perry. Nahuli niya ito sa tabi ng ilog ay si Jared at Brook. Habang si Waver ay sa alaga niya na si Zapphire kasama si Bryle.
Si Lindsay naman kasama si Blaze kay Kaleigh na isang winged lion. Si Ali sa kanyang thunder bird na si Ace kasama si Rex  at si Eve at Frost kay snow isang winged tiger.

Habang ang mga gemina nila ay nakasakay sa mga scorpion na nakapaligid sa kanila. Pauwi na sila sa kaharian kahit labag sa mga loob nila na iwan si Ash.

Dinukot ni Eve sa bulsa niya ang isang bola, ang sphere of truth na ibinigay sa kanya ni Ash.

"Frost, hawakan mo nga, tingnan natin love story ng magulang mo." Utos ni Eve kay Frost na nasa likod niya. 

Hindi naman ito umalma at kinuha ang bola. Napuno ng usok ang loob at ng lumiwanag ito ay nakita nila ang isang lalaki na naka coat na puti at may malaking salamin. Napadaan ito sa lugar kung saan namatay ang ina ni Ash at nakuha niya ang dalawang bolang krystal.

Isinilid niya ang mga ito ngunit nahulog ang isa at nabasag sa paanan niya kaya lumitaw ang lagusan sa lupa at nahulog siya rito. Napalitan ang senaryo at ipinakita rito ang isang babae na tumatakbo at hinahabol ng mga kawal. Saglit itong huminto at hinarangan ng matatalim na yelo ang daanan para walang makasunod sa kanya.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito matapos niya makita na walang nakasunod niisa at matiwasay na naglakad. Biglang bumagsak sa harap niya ang lalaki kanina na siyang ama ni Frost at ang babae ay ang ina ni Frost. Mabilis niya itong tinutukan ng nagyeyelong espada.

Agad tumayo ang lalaki at mabilisang umatras. May mga sinabi siya rito kaya binaba ng babae ang espada, nag-alok ng pakikipagkamay ang ama ni Frost ngunit nagtaas lamang ng kilay ang ina ni Frost.

Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at naglakad paikot sa kanya. Habang ang lalaki ay walang nagawa kundi sundan lamang ito ng tingin. Akmang may sasabihin ito ngunit marahas siyang napalingon sa likod niya. Paparating ang mga kawal kaya mabilis niyang hinablot ang lalaki at tumakbo sila ng mabilis.

"Tama ba itong dinadaanan natin?" Tanong ni Lindsay matapos hindi na makilala ang dinadaanan nila.

"Muka naman," nagdadalawang isip naman na sagot ni Rex.

"May binigay sa akin na bolang krystal si Ash kanina." Saad ni Eve sa kanila at pinakita ang bola para sa isang portal.

"Ihagis mo sa unahan," utos ni Frost rito. Mabilis naman ni Eve na hinagis sa unahan ang bola at agad itong binaril ni Frost, sa pagkabasag nito ay nabuksan ang isang lagusan.

"Sana sa kaharian tayo dalhin nito." Sabi ni Brook at siya ang naunang pumasok.

Sa muli nilang pagdilat ay napunta sila sa punong bulwagan ng kaharian, bumaba sila sa mga kani-kanilang alaga. Mabilis naman silang nagliitan at tumatong sa mga balikat nila. Ngunit  nakita sila ng mga nagbabantay kaya naalerto ang lahat. Nagdatingan ang halos lahat ng kawal sa paligid at tinutukan sila ng mga sandata nila.

Lahat sila ay dismayado at naiinis sa pinakita ng mga kawal, kung tutuosin ay magpasalamat sila na nandito ang grupo ni Ali.

"Ibaba n’yo ang mga sandata n’yo!" May malakas ng sigaw ang umalingaw-ngaw sa paligid at nakita nila ang pagdating ng isang lalaking pamilyar ang muka. Nanliit ang mata ni Eve habang tinitingnan ang lalaki, “bakit kamuka mo siya, Ali,” mahina nitong bulong.

"Sino kayo?" Tanong ng babaeng nakasuot ng kulay berde at mga perlas na nakapalamuti sa ulo niya.

"Wala, naligaw lamang kami, paalis na rin kami pasensya na,” mapaklang napasagot si Brook.

VillainWhere stories live. Discover now