Chapter 17: Sentro

3.4K 166 7
                                    

Chapter 17: Sentro

Halatang pinaghandaan ang silid ko, kaya pala tinatanong ni tanda kung gusto kong pumasok. Nakahanda na pala ang lahat.

Binukasan ko ang bintana ko para hintaying pumasok si Drake. Habang sinusuri ang kabuoan ng kwarto.

Kulay itim ang kama ko, putting dingding at kisame, bloody red na nakapintang rosas bilang wallpaper sa taas ng head board. May dalawang pinto din isa sa banyo at isa sa walk in closet.

Pumasok na si Drake at may tulogan din siya sa tabi ng kama ko. Nandoon ang isang malaking pugad na kasya ang isang bola ng basket ball.

Napagpasyahan kong magpahinga muna at isinantabi ang mga dapat amusing gamit. Inilagay ko lamang ito sa sarili kong lamesa rito sa loob ng silid.

Matapos maligo ay dumiretso ako sa kusina habang nasa balikat ko si Drake. Nadatnan ko si Eve nagluluto ng pagkain.

"Sakto, Ash. Luto na ang niluluto ko," masigla nito pahayag. Naglatag na rin ako ng plato at nagsimulang maghapunan.

"Kaya mo bang pumasok?" tanong ko sa kanya. Kaagad namang maliwalas ang muka nito.

"Kaya ko, Ash. Akala ko iiwan mo ko dito dahil bata pa ako," nakanguso nitong saad bago sumubo ng pagkain.

"Sigurado ka?" tanong ko. Marahas akong tumango.

"Oo naman, tsaka paaralan yon doon ko aaralin ang pagiging mangkukulam," sagot niya.

"Paano gagana 'yang wand mo kung hindi ka naman mangkukulam talaga?"

"Sigurado akong may ginawa si Aling Jess sa wand na 'to at may tiwala ako sa kanya," kompyansa nitong sagot. Ngunit duda pa rin ako.

"Wala ba siyang ginawa sayo? Alam kong siya ang pinakamagaling na mangkukulam subalit, nagtatago ito sa bundok ng Apari kaya may duda akong may ginawa siyang iba sayo." Salaysay ko at pinalabas sina Drain at Frey.

"Tama si Ash, Eve. May nararamdaman na akong aura sayo na wala noon alalahanin mo anong ginawa niya sayo." Mula mismo sa bibig ni Drain kaya sumeryoso ang paligid. Alam ng lahat na hindi basta-basta kapag si Drain na ang nagsalita.

"Naalala ko lang ay may binigay si Aling Jess na maiinom noong isang araw masarap ito at naramdaman kong lumakas ako, matapos noon wala naman akong naramdamang iba sa akin," sagot nito.

"May tiwala pa rin ako kay Aling Jess, Ash makakatulong sa akin ang ginawa niya, wala akong nakikitang masamang dulot nito." Dagdag pa nito at hindi na ako sumalungat pa.

Pakikiramdam ko may tinatago ang mangkukulam na 'yon hindi ko lamang matukoy kung ano.

Naninindigan parin ako sa salitang 'lahat ng bagay may kapalit' alam kong may kapalit ang pagtulong niya pero wala akong panahon para problemahin ito. Kaya palalampasin ko ito sangayon.

"Bukas ay pupunta tayo sa Academia para magpalista," sabi ko.

Kahit hindi siya ngumingiti ay alam kong masaya siya at kahit hindi ko sabihin sa kanya alam niyang nagdududa ako sa mangkukulam dahil alam niya ang prinsipyo ko at napapaisip rin siya.

Habang naghuhugas ako ay nakaupo si Eve hinihintay akong matapos.

"Ash alam mo ba kong para saan ang isa pang kwarto?" tanong niya. Nagtataka ko itong nilingon.

"Meron ba? Wala naman akong napansin."

"Oo meron sa gitna ng mga kwarto natin may puting pinto, kaya siguro Hindi mo napansin dahil kakulay ito ng pader," paliwanag nito.

VillainWhere stories live. Discover now