Chapter 19: Magicus History

3.3K 157 4
                                    

Chapter 19: Magicus History

"Umalis ka na ayaw kong may makaalam na magkakilala tayo," sabi ko at galit siyang umalis papunta sa kabilang lamesa.

"Doon ang designated table ang mga element user," saad nito bago tuluyang makaalis.

Hindi ako nakinig sa sinabi niya wala akong balak sumama sa kanila.

"Wala na kaming klase ngayon Ash, ikaw?"

"Hindi ako papasok,"

Agad gumuhit ang pilya nitong ngiti.

"Sa'n tayo ngayon?" Kumindat ito at napangiti rin ako. May naalala akong nadaanan kanina.

"Knight base," bago pumasok nadaanan ko ang kampo ng mga kawal.

"Tara na?" Hindi na namin natapos ang kinakain namin at lumabas sa canteen.

Bawal lumabas ng campus hanggang hapon kaya kailangan naming umakyat sa bakod.

Sisiw lamang ang akyatan sa akin habang si Eve naman ay nakakalipad.

Pagkalabas namin ay gamit ang spell ni Eve nakapagpalit kami ng damit. Ang madalas kong suot na may takip ang muka ganon din si Eve. Mabilis matuto si Eve kaya marami na siyang alam sa casting spell, naririnig ko ng sya minsan gabi-gabi siyang nag-eensayo.

"Sayang hindi natin dala ang invisibility cloak natin," saad nito. "Pero dala mo ako," agad na bawi nito. At ngumiting pilya si Eve.

"Hindi ,hindi baka hindi mo pa alam kong hanggang kailan tatalab ang invisibility spell mo."

"Wala kabang tiwala saakin Ash, maiibabalik ko kung kailan ko gusto," pagyayabang n'ya.

"Sigurado ka?"

"Oo naman,"

"Alam mong ayaw ko ng pinapanood Volt," mahina kong bulong alam ko kasing rinig n'ya ako.

'Ayaw ko rin ng ginagawa mo,' rinig kong sagot nito mula sa malayo. At lumingalinga si Eve at nakita nya nga si Volt.

"Tara na ate Ash umalis na s'ya."

"I think you should stop calling me ate, magkaedad tayo sa profile mas matanggkad kapa kaysa akin."

"Hahahaha Oo nga no," kumain na ang mga sundalo ng makita namin. Malaya kaming naglalakad sa paligid dahil naka invisible kami.

Pinag palit palit namin ang mga pagkain nila , 'yong iba tinapon namin kaya nag away sila at ang malupet ay tinapon ni Eve ang isang platong pagkain sa muka ng isa tumayo ito na galit na galit.

May napagbuntonan siya ang isa niyang kasama kaya nakagulo sa loob. Eve flicked her wand at binutas n'ya ang bubungan. Lumabas kami, then I set their base on fire.

Natatawa kaming nalalakad pa alis. May malaking pamilihan ang sentro, battle arena, casino, at mga kainan. May matatayog na bahay, isa na don ang bahay namin. Pumunta kami sa casino.

"Eve pumusta ka do'n." Mabilis namang sumunod si Eve.

Ilang sandali ay nanalo ang pinustahan si Eve.

Maraming tumatambay na mayayaman dito naglulustay ng mga gintong hindi kanila.

"Ash, isa s'ya sa mga kumalaban kay tatang," sabay turo ni Eve sa isang lalaki.

"Gamitin mo sa akin ang invisibility," bulong ko.

Sumunod naman agad si Eve invisible na kaming dalawa at nilapitan namin ang lalaki.

Pinagitnaan min siya at sinuntok ko s'ya galing sa kaliwang bago pa s'ya maka pagsalita ay sinuntok rin s'ya ni Eve sa muka galing sa kanan.

Sinuntok ko ulit salitan kami ni Eve, at mabilis kaming lumayo sa kanya galit na galit s'ya ngayon unti-unti ring lumayo ang mga mago sa kanya.

VillainWhere stories live. Discover now