Chapter 16: Paglalakbay

3.3K 187 12
                                    

Chapter 16: Paglalakbay

"Sorry, ate Ash. Hindi ako umabot ng mas maaga kung hindi sana ako nakipaglaro sa mga kaibigan ko ay naabutan ko pa sana sila ng hindi pa napupuruhan si Tatang." Nanginginig ang boses nito habang nagpupunas ng luha.

"Wala kang kasalanan."

Tama, mag-aaral ako hindi para maging huwarang mag aaral humanda ang buong kaharian sa pagdating ko.

Magbabayad sila sa lahat ng ginawa nila. Wala akong sasantohin kahit daga na nakatira sa palasyo ay hindi ko palalampasin. Tumayo na ako at pinunasan ang mga luha ko.

"Kailangan natin bigayan ng maayos na libing si tatang." Tinulungan kami ng mga tagabayan na buhatin si tanda. Ako mismo ang nag hukay ng libingan niya. Doon namin sya nilibing malapit sa bahay ko.

"Nakikiramay kami, Luna." Napalingon ako sa likod, nandoon ang gamma at beta. Sina Ralf at Alan, hindi ko napansin ang pagdating nila.

"Anong plano n'yo?" Rinig kong tanong ni Alan habang nakatingin sa bato kung saan naukit ang pangalan ni Tanda.

"Maghihiganti kami." Si Eve ang sumagot sa kanila.

"Paano?"

"Mag aaral si ate Ash."

"Hindi pwede!" Kunot noo akong bumaling kay Alan na nagtaas ng boses.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong at agad silang yumuko.

"Dito na lang kayo mas ligtas tayo dito, bilin ni Alpha na wag kaming umalis dito." Kaya lalo akong nagtaka, anong ibig nitong sabihin?

"Hindi kayo kasama." Saad ni Eve.

"Ligtas? Walang ligtas kahit saan ka magpunta susundan ka ng kaaway mo, hindi ka lulubayan ng kapalaran mo." Mapait kong sagot sa kanya at binalik ang tingin sa bato.

"Hindi ko nga kayo mapipigilan, mag ingat kayo." Turan ni Alan matapos magbuntong hininga. "Mauna na kami."

"Sandali," biglang pigil ni Eve sa kanila. May inabot ito kay Allan.

"Galing yan kay Aling Jess, ang pinakamagaling na mangkukulam, makakababa kayo gamit yan ng walang makakaalam na lobo kayo." Isang singsing ang binigay ni Eve sa kanya.

"Salamat."

Sa bahay ni tanda ay may isang malaking aparador nga. May nakita akong papel na tanggap ako sa paaralan.

Magsisimula ang pasukan sa susunod na lingo. Lahat ng laman ng aparador ay dala namin. Tig-isang magic bag kami ni Eve.

Marami ito may iba't ibang klase ng sandata, mga damit na para sa amin. Mga bato, mahihiwagang bato. Natiyak na magagamit ko. Mapa at bahay na kalaan sa amin sa sentro.

Ramdam ko ang dami na dala namin dahil kahit magic bag itong dala namin ay bumibigat din ng kaunti. Dumaan kami sa pamilihan upang bumili ng karagdagang gamit. Gaya ng kapa mga damit at iba pa.

"Ash, daan tayo sa tindahan ni Aling Jess, bibili ako ng dagdag na candy at singsing."

"Mga paborito kong suki, anong maipaglilinkod ko?"

"Kailangan ko ng mga candy." Bumili si Eve ng medyo madami. Wala na kaming ibang binili at lumabas na.

"Sandali," pigil ni Aling Jess kaya natigil ang pagbukas ko ng pinto.

"Isuot mo ito, masyadong malakas ang presensya mo kaya kailangan mong itago ito para hindi ka nila pagdudahan." Isa itong kwintas na kulay itim. Siya mismo ang nagsuot nito sa leeg ko.

VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon