Chapter 42: Choice

1.7K 85 0
                                    

Chapter 42: Choice

"GUSTO KONG MAKAUSAP ANG MAYLIKHA O KONG SINO MAN ANG BATHALA SA ITAAS KONG MERON MAN!!!!

ANG SAKIT SAKIT NA!!

ANONG PASAKIT PA? ILABAS MO NA LAHAT NG ALAS MO.

ANONG PANG MGA PARUSA ANG IPAPATAW MO SAAKIN KAHIT WALA NAMAN AKONG KASALAN!

BAKIT AKO!? BAKIT AKO PUTANG INA!!!

ANONG KASALANAN KO SAYO AT PINAHIHIRAPAN MO AKO NG GANITO!?

HINDI PA BA SAPAT NA HINDI KO NARANASAN ANG PAGIGING BATA?

ANG MAKASAMA ANG KAHIT ISA SA MAGULANG KO?

KAHIT MABUHAY NA TAHIMIK SA MUNDO NG MGA TAO

KINUHA MO PA ANG TAONG TINURING KONG MAGULANG

NAMATAY ANG INA KO BAGO AKO MAGKAISIP!!!

NGAYON KAILANGANG KONG KALABANIN ANG SARILI KONG AMA!!"

Napaupo na lamang ako sa lupa at napatakip sa muka habang tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Ramdam ko ang init na nakapaligid sa akin. Tila sinusunog ako nito ngunit hindi tinatalaban. Tila sinusunog nito ang sakit sa katawan ko.

"ITO BAH! ITO BANG MGA KAPANGYARIHANG ITO ANG DAHILAN KAYA NAGKANDA-LETCHE -LETCHE ANG BUHAY KO? ITO BA ANG SUMPA?

KAPANGYARIHANG NA HINDI KO HINILING!!?

ANONG DAPAT KONG GAWIN PARA MAWALA SA AKIN ANG MGA KAPANGYARIHANG ITO AT LUBAYAN AKO NG KAMALASAN!!"

Muli akong napayuko habang hinahabol ang hininga ko.

"Hindi ko na kaya, ayoko na, ayoko na, tama na tama na."

Third Person's Point of View

Sa kabilang dako, ang grupo nila Ali ay naglalakad sa kung saan-saang parte ng gubat. Na-kompleto na nila ang mga potems nilang lahat. Mago na si Aqua, Solene, Breeze at Ray. Nauunang naglalakad si Ali habang nakasunod sa kaniya ang lahat nang bigla na lamang itong napahinto at napahawak sa dibdib.

Si Frey din ay biglang nag-umapoy ang kulay ng mga mata at napaluhod. Habang si Drain ay mahigpit na kimkim ang kamao at lumabas ang mga ugat sa pulsuhan niya.

"Anong nangyayari?" naguguluhan nitong tanong. Napaluhod siya at dinaluhan si Frey.

"Ash is in pain." Napatingin ito sa pinuno nila na nakahawak sa dibdib at namumula ang muka na tila nahihirapan sa paghinga. Agad na nagwala ang wolf ni Ali sa loob kaya lalo itong mas nahirapan.

"Anong nangyayari sa kanya?" tanong ni Lindsay habang si Brook sa tabi ay nadidismaya sa kakayahan niyang makakita ng pangitain ngunit hindi niya nakita ang tungkol rito. Hindi niya mapigilang sisihin ang sarili niya sa nangyayari.

Nasaan siya? Tanong ng lahat sa mga sarili nila.

"Kailangan natin siyang mahanap." Isang matigas na saad ni Ali at lahat ay sang-ayon rito. Pinilit niyang hanapin si Ash gamit ang link na nag-uugnay sa kanila.

"Baka na sa malapit lamang siya dahil ramdam ninyo ang nararamdaman niya." Ani Frost.

"Humawak kayo sa akin." Biglang saad ni Drain kaya napatingin ang lahat sa kaniya.

"Anong gagawin mo?" nagtatakang tanong ni Eve rito.

"Susubukan kong puntahan ang lokasyon niya."

"Kalokohan,iIsa ka nang tunay na mago-"

"-wala akong pakialam, wala na tayong panahon." Singhal ni Drain kay Eve kaya natahimik ito at lahat sumunod sa sinabi niya.

VillainWhere stories live. Discover now