Chapter 21: Meeting the King

3.1K 160 1
                                    


"Rex," sinilaw n'ya si Sir para ma sugatan n'ya ito ng walang kahirap-hirap pero wala. Kahit nakapikit nasalag lahat ni Sir ang ataki n'ya.

"Volt," sumugod s'ya agad gamit ang kumikislap na dagger sa dumadaloy na kuryente magaling s'ya pero hindi s'ya nakafocus kaya nasugatan s'ya ni Sir.

"Lindsay," pinuluputan n'ya ng mga ugat ang paa ni Sir at umataki pero kahit hindi nakakalis si Sir ay nasasalag n'ya lahat ng ataki nito. Ngunit wala rin.

"Brook," nilagyan n'ya ng tubig ang buong ulo ni sir, balak nya lang lunurin si Sir at pinagbabato n'ya si Sir ng mga water Blade pero nasalag lahat ito ni sir at bago paman mawalan ng hininga si sir ay napagod na si Brook.

"Ash," gamit ang dagger ko ay sinugod ko s'ya. Mahina pa ang mga ataki ko at siniguro kong hindi n'ya ako masusugatan at bigla ko siyang sinipa sa tyan sabay hagis ko pataas ang dagger ko at naging espada ang gamit ko.

Binigla ko s'ya sa malalakas na ataki ko at kita ko ang gulat sa mga muka n'ya.

Ginamit ko ang estilo ni tanda at nasugatan ko nga si Sir sa braso. Pero tuloy parin s'ya sa pag-ataki.

Sa pagsangga ko sa ataki n'ya ay mabilis kong inikot ang espada ko sa espada n'ya hanggang masugatan ko ang kamay n'ya.

Pero hindi parin s'ya tumigil.

Kumuha ako ng tyempo at hinuli ko ang kamay n'ya saka pinilipit patalikod pero nakawala s'ya. Kaya napagod na ako sa laro n'ya hindi s'ya marunong tumupad sa usapan dahil may bahid ng element ko ang mga sugat ni sir kaya kontrolado ko na s'ya.

Hindi ko s'ya pinagalaw, maayos na nakatayo ngayon. Tinutok ko ang espada sa leeg n'ya.

"Kailangan mo bang mamatay para matigil ang labang walang patutunguhan?"

Hinayaan ko siyang magsalita.

"I didn't expect you're that good hindi ko napaghandaan," sabi niya.

"Ayaw ko sa lahat ang hindi tumutupad sa usapan."

"I said a drop of blood then we're done, Hindi ko sinabing akin." Marahas kong binaba ang espada at pinabalik sa pagiging pulseras. Ayaw ko ng makipag usap kaya bumalik sa upuan ko.
Nakagalaw na rin si Sir.

"You may dismiss,"

Wala ng maganda nangyari mula kanina, ilag na rin silang lahat sa akin. Titig na titig ang ibang estudyante sa aming mga element user. Nandito ako ngayon sa canteen hinihintay si Eve.

"Ash!" bati n'ya agad ng makita ako.

"Sikat talaga kayo no gusto mo umalis, hanap tayo ng tambayan," suhestyon nito.

"Tara,"

Bumili kami ng pagkain at pumunta sa likod ng building. May malawak na field doon na may mga punong nakapaligid.

May nakita kaming malaking puno. Umakyat kami don at umupo sa isang malaking sanga at doon kami kumain.

"Kumusta ang pagiging celebrity?" pang asar ni Eve sa akin.

"Kumusta ang pagiging mangkukulam?"

"Maayos, sobrang ayos," pilyang sabi n'ya, may ginawa na naman siyang kalukohan.

"Anong ginawa mo?"

"Walaaa,"

"Ano nga?"

"Hehehe, may ginawa akong palaka kanina."

"At?"

"Mabait ako, Ash."

"So?"

"Hindi ko pa binabalik," naiiling na lamang ako sa pinaggagagawa niya.

VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon