Chapter 38: Identity

1.9K 91 0
                                    

Chapter 38: Identity

Ngunit hindi ko napigilan ang pag-idlip at sa pagdilat ko ay malalaking gagamba ang tumambad sa akin. Talsik ng mga saput ang naririnig kong mahihinang ingay kanina kaya ako nagising. Ngunit hindi na rin ako makagalaw. Maiingat ang mga galaw nila habang binabalot kami ng sapot ng tulog.

"GISING, SINASALAKAY TAYO!" Ngunit si Ali at Waver lamang ang nagising dahil sa talas ng pandinig nila. Ang iba kong kasamahan ay nabalot pati ang tainga kaya wala na silang marinig.

At biglang may tumalsik sa akin at natakpan na ang muka ni, agad kong sinunog ang mga nakapulupot sa aking mga sapot at tuluyan akong nakawala. Agad kong sinugod ang mga gagambang tumakbo papapit sa akin, mga agresibo sila at mabibilis. Lima silang lumapit sa akin at umiilaw na pula ang mga mata nila. Nakawala si Ali at nakikipaglaban na rin. Ngunit nag-aalala ito sa akin kaya nahihirapan ito lumaban ng maayos dahil nakikita nitong nahihirapan ako at hindi ito makalapit.

Malakas na nagpasabog si Ali para magising ang iba, habang si Waver ay mabilis na gumagalaw at tinutulungan ang mga kasama naming makalabas sa sapot. Ngunit sa nangyaring pagsabog nagising nga sila ngunit mas dumami lamang ang umataki sa amin kaya nahuli ako ng malagkit nilang sapot at madaling nabalot ulit. Ganoon din si Ali ngunit tinutulungan siya ni Waver. Matapos ang ilang minutong panlalaban ay wala rin kaming nagawa.

Isa-isa nila kaming binitbit, habang kagat-kagat nila kami ay nagpapalundag-lundag sila mula sa puno papunta sa isa pang puno papunta sa mas madilim na parte ng gubat. Naririnig ko pa ang mga sigaw nila at pagpupumiglas ngunit wala kaming laban sa dami nila.

At nakita kong pumasok kami sa isang malaking butas sa ibaba. Sa loob ay nakikita ko ang inanadaan naming kweba pababa. Matapos ang pabilog na daan na ay dumating kami sa isang lugar na mas malawak. Sa gitna ay may trono at puno ng sapot ang paligid. May kaunting ilaw dahil sa maliliit na ilaw ng apoy sa tabi.

Lahat kami ay nakabitin sa kisame patiwarik. Wala ni isa ang nagsalita ng dumating kami dahil hindi lamang mga gagamba ang narito dahil sa kapa na nakapatong sa upuan na tila isang trono na kulay itim.

"Huy! Bryle kalahating gagamba ka ba, tapatin mo kami, magladlad ka na." Pasigaw na bulong ni Eve kaya nanlaki ang mata ko, hindi talaga marunong lumugar ang bibig nito.

"Gago, hindi porket kalahating sireno si Blaze damay ako, purong mago ako." At sumagot pa ang isa, kung anong delikado man ang kinalalagyan namin ngayon nagawa panilang magsagutan ng kagaguhan.

Natahimik rin sila ng may narinig kaming bumukas. Na pinto naaninag kong may lalaking pumasok. Labis akong nagulat sa nakita ko. Si Haring Severus, ang Hari ng mga mago, anong ginawa niya dito. Minsan ko itong nakita sa libro ng mga Hari. Natayo ito sa madilim na parte kaya ako lamang ang nakakakita sa kanya, agad kumabog ang dibdib ko noong lumingon ito sa akin at ngumiti pa.

"Maligayang pagdating sa aking kaharian anak ko./ Hindi ko matukoy kung ako ba ang tinutukoy nito. Bakit niya akong magiging anak? Hindi ako ang kinakausap niya.

/Hindi ko inakalang ikaw pala ang makakahanap sa akin, nagulat ako na isa ka sa mga mahuhuli ng mga alagad ko." Ngunit nanatili pa rin itong nakatingin sa akin, lalo lamang mas lumakas ang kutob ko na ako nga ang kinakausap niya, dagdag pa ang nakita ni Brook kanina.

"Anong sinasabi mo Severus?" tanong ko rito. Hindi ako pwedeng magkamali siya ang dating Hari ng mga mago.

"Severus? Nagkakamali ka anak ko, Severino ang pangalan ko." Ako nga, ako nga ang tinutukoy niyang anak, at sino ang tinutukoy niyang Severino? Siya iyon, alam kong siya iyon. Nagbago ng kaunti ang wangis nito ngunit halata pa rin na siya ito. Ang mga ngiti niya sa akin ay nakakatakot imbes na nakakatuwa. Sa ganitong paraan ko pa nakita ang ama ko, bakit nandito ito?

VillainWhere stories live. Discover now