Chapter 12: Drakko

3.6K 187 0
                                    


*Drakko*

Mabilis akong pumunta sa direksyon na yon at nagulat ako sa nasaksihan ko. Napakaraming mga kawal ng palasyo. Bakit sila nandito? Pinagtago ko si Drain at mahigpit na hinawakan ang dagger ko.

Inabangan ko sila at hinablot ko ang pinakahuli at tinago sa puno. Bago ko paman siya makapagsalita ay sinaksak sa leeg. One down. Walang nakapansin sa pagkawala ng isa nilang kasama.

Kabisado ko na ang buong gubat kaya inuhan ko naman sila at  umakyat ako sa puno saka ko sila inabangan. Inasinta ko ang pinakahuli ulit pero bago ko pa mabitawan ang palaso ko ay may naramdaman akong nakatingin. Paglingon ko nakita ko si Ali nakakunot ang noo. He mouthed na 'wag' habang umiiling.

Bumaba ako at hinablot ko na naman ang pinakahuli at tinutokan ng sandata ko. Nangmakalayo na ang mga kasama nito ay saka ko siya binitawan. Mabilis itong lumayo sa akin at tinutukan ng sandata.

"Anong ginagawa ninyo dito?"

Natakot siya ng makita ang mata ko at biglang namawis. "Mangogolekta ng buwis." Nangiginig niyang sabi lumapit naman si Ali sa amin ng nakapantalon lang.

"May tagahatid ng buwis sa sentro bakit kailangan pumunta kayo dito?"

"Hindi ko alam." Umatras ito at matapang kaming hinarap. Wala akong mahihita sa kanya kaya tumalikod na ako at umalis si Ali na ang bahala sa kanya.

Narinig ko kong paano sumigaw sa takot ang kawal. Mukang ginalit niya si Ali. Nararamdaman ko na nasa malapit na siya.

"Bakit ka nakialam?"

"Kapag hindi sila nakabalik ay magtataka ang Hari at matatawag natin ang pansin ng nito. Maaring pag-initan ng hari ang Apari. Kung hindi lang sila mga kawal ay hindi sila makalabas ng buhay."

Territoryo niya pala ito. Hindi ako umimik at kaya pala walang nangangahas na mangaso sa gubat na ito. Nagpatuloy ako sa paglakad pabalik kong saan ako nag eensayo.

"Ayaw kong pinanonood." Saad ko bago ito makalayo, habang ako ay dumiretso sa baba.


"Parang awa n'yo na, yan lang po ang kinita ko ngayon, pangako mag babayad ako ng mas malaki sa susunod." Rinig kong pagmamakaawa ng isang tindera. Ilang lingo na silang pabalik balik dito para mangulekta ng sobra-sobrang buwis sa mga tindera.

Mas tumindi pangayon dahil kahit wala halos kinita at pinipilit na pagbayarin ng buwis. Dahil sa nasaksihan ko nakaisip ako ng madaling paraan para magkapera. Alam ko kung saan sila dadaan.

Inabangan ko sila at saktong nagpaiwan sandali ang isa may dala ng pera para umihi.

Bago paman niya magawa ang dapat nyang gawin ay pinana ko sya sa ulo. Dahil sa dala kong magic backpack ay kusang pumasok lahat ng dala nya sa backpack ko. At umalis na ako agad dahil na alerto ang mga kasama niya ng marinig nila na bumagsak Ito.

Matapos makalayo ako ay biglang humarang saakin si Ali

"Anong ginawa mo?" Madilim ang muka nito at halatang hindi nagustuhan ang ginawa ko.

"Bakit?" Balik kong tanong.

"Magkakagulo dahil sa ginawa mo." Nilagpasan ko ito at nagpatuloy sa paglalakad ngunit humarang ito sa akin.

"Isang kawal lang 'yon maghihigpit lang sila ng siguridad sa susunod." Depensa ko at wala itong nagawa kundi bumuntong hininga.

"Akala ko ba walang pakialamanan." Paalala ko sa kasunduan namin, masyado itong nakikialam sa mga ginagawa ko. Umalis lamangito at umalis ng walang sinasabi.

Paakyat na ako sa bahay ko ng biglang manarinig akong pagaspas sa hangin tahimik akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nito at nakita ko ang isang dragon na may nilalapag sa isang tumpok ng damo sa tabi malaking bato. May naapakan akong tuyong dahon na lumikha ng ingay kaya napalingon ang dragon sa akin.

Akala ko ay susugod siya ngunit mali ako mabilis siya lumipad pa alis kaya lumapit ako at nakita ko ang isang malaking itlog.

Kinuha ko ang itlog at dinala sa bahay ko. Nilagay ko siya sa lamesa at umalis ako para maligo. Pinalabas ko si Frey para maghain, lagi ko siyang inuutosan maghain kaya hindi na siya nagrereklamo dahil wala namang nangyari kasi lagi siya nagrereklamo.

Pinalabas ko narin si Drain para may katulong si Frey. Lagi ko silang pinapalabas para masanay ako dahil baka kailanganin kong pagpangapin ang isa sa kanila bilang isang mago. Pagbalik ko ay biglang nag tatalak si Frey.

"Ash naman, guardian kami hindi utusan kami magtuturo at gagabay sayo hindi magsilbi sayo." Padabog nitong nilapag ang pagkain. Akala ko hindi na ito nagrereklamo, akala ko lang pala.

Hindi ko ito pinansin at kumain na, habang kumakain ay biglang gumalaw ang itlog.

"Gusto yatang kumain ng itlog mo ,Ash." Malditang sabi ni Frey..Gumalaw ulit ang itlog at mas malakas na sa pagkakataong ito.

At biglang may lumabas na paa sa gilid ng itlog, sumunod ang kabilang paa. Tumayo ito kaso nahirapan ito at dahil sa likot ay nahulog ito sa mesa. Tumawa lang si Frey at tumingin ako sa kanya.

"Pulutin mo." Nataas ito ng kilay at lumingon kay Drain.

"Ikaw na, Drain." At tila walang narinig si Drain at nagpatuloy sa pagkain. Kaya ako na lang ang pumulot sa maliit na dragon nakulay itim nabasag nakasi ang itlog dahil sa pagkahulog nya.

Kaso bigla niya akong kinagat sa kanang palad. Sobrang hapdi ng kagat niya nasa sahig parin siya ngayon nakatingin sa akin. Nag alala agad si Frey sa akin kaya lumapit agad sya sumunod na rin si Drain

"Patingin." Kinuha ni Frey ang kamay ko para tinginan. Pagbukas ng palad ko ay tumambad saamin ang mamulamulang simbolo ng apoy at unti unti naging itim na parang tattoo.

"Ano yan?"

"Hindi ko alam." Mahina kong sagot.

'baka maapakan ako' Sumakit ang ulo ko dahil sa narinig ko. Napatingin ako sa maliit na dragon.

'ikaw ba yon?' Sabi ko sa isip ko habang nakatitig sa maliit na dragon. 'Paano nangyari yon?'

'dahil sa marka ko.' Masyadong malakas ang boses niya na umaalingaw-ngaw sa utak ko. Kinuha ko ito at nilapag sa lamesa.

'Anong sabi nya Ash?' Biglang singit ni Frey kaya parang nabibiyak ang utak ko.

Salubong ang kilay kong nilingon ito, habang naningningkit ang mata.

"Sabi niya, nakakausap na kayo sa utak dahil may marka ka na niya." Saad ni Frey habang sumusubo ng pagkain na parang walang nangyari.

Nagtanong pa siya, kahit narinig niya rin naman ang sinabi ng dragon dahil iisa lang naman kami.

Si Drain ay tahimik lang na kumakain, binigyan niya ng plato ang dragon at masaya naman itong kumain.

"Pangalanan mo na siya, Ash." Utos ni Frey sa akin. "May naisip ka na?"

Uminom ako ng tubig para mahimasmasan ang sakit.

"Wala."

"Dracky na lang." Suhestyon nito saka kinilita ang leeg ng dragon. Umatras ito at binugahan ng maliit na apoy si Frey.

"Tinginan mo gusto niya." Bulalas nito kahit parang hindi naman. Sinapak ni Drain ang kamay niya palayo.

"Drakko." Saad ni Drain at tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Wala kang originality, pinalitan mo lang ang dulo." Reklamo nito at ngumuso pa, hindi ito pinansin ni Drain Kaya bumaling ito sa akin. "Dracky na lang, Ash. Mas maganda 'yon. Dragon siya, tapos baby natin siya, equals Dracky. Di ba?"

"Ayos na 'yon. Hindi na umalma si Drakko."

VillainWhere stories live. Discover now