Chapter 7: Emotion Conflict

4.4K 207 10
                                    


Emotion Conflict

Mabilis akong napadilat at nakita ko si Tanda, abala sa pagpalalagay ng mga gamit sa bag niya.

"Anong ginagawa mo?"

"Gising ka na, mabuti. Kailangan nating sanayin ang katawan mo sa lalong madaling panahon." Saad niya at sinuot ang bag. Kinuha nito ang isang espada na kulay tsokolate.

Lumabas ito at tahimik naman akong sumunod. Hindi alintana ang kaunting hilo at tamlay ng katawan.

"Saan tayo papunta?" Tanong ko habang tinatahak namin ang daan na hindi ko kilala.

"Sa bundok ng Apari, kung saan ang bahay mo." Sagot nito habang mabilis na naglalakad.

"Hindi rito ang daan."

"Alam ko, ngunit ito ang pinakamalayong daan papunta sa bahay mo." Malayo? Anong gusto niyang iparating.

"Nagtataka ka ba kung bakit, mabilis nag-iiba ang emosyon mo? At hindi ko ito makontrol? Dahil ito sa kapangyarihang taglay mo, ang mga gemina na nasa likod ng element mo ay sinusubukang kontrolin ang katawan mo. At kapag hindi mo ito na labanan, tuluyan itong mawawala sa iyo, makukulong ka sa sarili mong katawan na hindi mo na makontrol." Nakakaalarma ang sagot niya, ngunit hindi ko pa rin maintindihan ang paghaba ng kuko ko.

"Paano mo ako matutulungan?"

"Sasanayin nating ang katawan mo sa malakas nitong kapangyarihan, masyado pang mahina ang katawan mo para sa dalawang elemento. Kaya ka madalas natatalo ng emosyon mo."

"Dalawa?"

"Apoy, at dilim. Iyong ang mga element mo. Hindi ko alam ang ibang kakayahan ng dark element dahil bihira ko silang makita." Kaya siguro marami itong hindi nabanggit sa mga kakaibang nagbago.

"Bakit marami kang alam tungkol sa mga element user?"

"Dahil isa rin akong element user gaya mo, earth user ako, dating royal knight."

"Royal knight? Ano ito?"

"Nasa batas na lahat ng element user ay maglilingkod sa hari o sa mga royal. Dahil sila ang pinakamalalakas na mago ang ipinapanganak ka da dalawampung taon." Hindi na ako nagsalita ukol dito.

"Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na dual element wielder ka , bihira ang ganon ikaw pa lang yata." Saad niya, habang ako ay naguguluhan sa lahat. Masyadong maraming nangyayari, halos hindi ko na masundan.

"Napakahirap na nga ng isa, dalawa pakaya, kaya napakadelikado ng lagay mo. Triple ang pagdadaanan mo kaysa sa naranasan mong volutismo dahil paulit ulit mong mararanasan iyon hanggat hindi mo ito na kokontrol. Kailangan mong magpalakas para malaban mo ang sarili mo para umayon ito sa gusto dahil parehong malakas at mahirap ang element mo, parehong masama." Alam ko, at nahihirapan ako ng husto.

"Hindi ko alam kung may maiitutulong ba ako, dahil ikaw lang ang lalaban sasarili mo, kailangan mong paamuin ang dalawa mong kapangyarihan, nag-aalala ako sa possibleng mangyari sayong bata ka. Hindi ko alam kung magagabayan ba kita ng tama." Kahit nahihirapan ako, natutuwa pa rin ako at walang pagdadalawang isip siyang tumulong.

Kahit natatakot akong magtiwala, alam ko siya lang ang makakatulong sa akin. Naniniwala akong, hindi niya ako bibiguin.

"May tiwala ako sayo tanda." Saglit akong natigilan ngunit nagpatuloy rin sa paglalakad.

Nauuna itong naglalakad habang tahimik lang akong nakasunod. Nagsisimula ng sumikat ang araw.

Hanggang ngayon tila panaginip lang ang lahat, lumaki akong malayo sa ganitong pamumuhay, sa isang iglap ay napunta ako rito, napag-alamanang hindi tunay na tao at isang mago.

Kung sino man ang magulang ko, masyado niya akong pinahihirapan. Kung sana nandito sila at maayos akong ginagabayan, hindi ako maghihirap ng ganito.

Napatingin ako sa likod ni Tanda, kahit hindi ko siya lubusang kilala, naramdaman ko ang kaunting kalinga ng isang ama. At siya lang ang gumawa no'n.

Akala ko, tunay nga akong nabibilang rito, at dito ako nararapat. Bakit ngayon ay naiiba na naman ako? Sa halip na isa, dalawa ang meron ako.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at mabigat na ibinuga. Kakayanin ko, kakayanin ko ng wala sila. Matapos akong buuin, ay iiwan lang ako sa kung saan.

Kung nasaan man ang mga magulang ko, sana hanggang doon na lang sila. Hiling ko'y wag na kaming magtagpu kailan man.

Bigla akong namanhid may lumalabas nanaman na usok, nadadala na naman ako sa emotion ko, kaya napahinto ako. Pilit kong kinakalma ang sarili ko.

Agad namang napalingon si tanda sa akin. Nakita niyang nahihirapan ulit ako. Napatingin ito sa hawak ko, ang kadena.

"Bitawan mo iyan." Utos niya ngunit agad akong nainis sa utos niya. Alam kong hindi ako ito kaya lakas loob kong binitawan ang kadena. Agad itong naglaho ngunit nanatil ang usok sa paligid.

Umatras si tanda palayo sa mga usok, alerto ito at walang hinahayaang kahit kaunting usok ang malapit sa kanya.

"Wag kang magpapatalo, lumaban ka. Lakasan mo ang loob mo wag kang matakot, kontrolin mo ang emotion mo, kumalma ka." Huminga ako ng malalim at pumikit, sa pagdilat ko ay humupa na ang lahat. Naiwan na lamang akong mga patay na dahon at puno sa paligid ko.

"Wag mo ulit gagamitin ang sandata mo hanggat hindi mo pa kayang kontrolin ito. Iwasan rin ang pag-iisip na makapagdudulot ng matinding emosyon." Maagap akong tumango. Hindi ko man lang napansin na hawak ko na ang kadena ko.

"Nagwawala ang kapangyarihan mo kapag nakaramdam ka ng takot, at galit. Dito nalang tayo magsimula sa insayo mo."

Huminto ito sa isang maliit na patag, malakas na pumito gamit ang dalawang daliri sa bibig nito.

Ilang sandali ay narinig ko ang malalakas na pagaspas sa hangin. Hanggang naaninag ko sa itaas ang isang malaking ibon.

"Ito si Rio, ang alaga ko. Isa siyang griffin." Kulay asul at malalaki ang paa, dilaw ang tuka at asul rin ang mata. Inabot ni Tanda sa akin ang dala niyang bag.

Sumakay ito sa alaga niya, "kailangan mong tumakbo mula rito. Sunday mo lang kami." Saad niya at agad ng lumipad ang ibon.

"Ha?" Hindi na ito sumagot, gusto kong magreklamo kaso parte ito ng insayo na sinasabi niya.

Naiwan akong nakatingin sa kanila, hawak ang mabigat na bag. "Bilisan mo! " Sigaw nito at inis kong sinuot ang bag.

"Hindi man lang niya naisip na nanghihina ako."  Halos matumaba ako dahil sa bigat ng bag ngunit sinikap ko pa rin tumakbo para.

VillainWhere stories live. Discover now