Chapter 10: Werewolves

4K 205 8
                                    


*Werewolves*

"Isa! Dalawa! Tatlo!" Tagaktak ang pawis habang tinatanaw ang target. Matapos ni Frey magbilang ay sunod-sunod kong binitawan ang limang palaso.

Kitang kita mula rito na ang unang pana at nahati sa gitna dahil sa pangalawa, nahati rin ito dahil sa pangatlo hanggang pang-apat. Ang panglima, na huling palaso ang natirang buo.

"Break time! Yay!" Sigaw ni Frey saka tumakbo papunta sa kubo. Sumunod kami ni Drain sa kanya. Ayaw ko silang bumalik sa katawan ko hanggat kaya ko pa. Sa ilang araw na lumipas, wala akong pinalampas na panahon para mag-ensayo.

Puspusan at determinado akong makontrol ng tuluyan ang katawan ko. Masyadong malakas ang kapangyarihan ni Drain para sa katawan ko, para akong nahihilo o nalalasing minsan.

Sunod-sunod ang laguk ko ng tubig ganoon din sila. Si Frey ay kumagat agad ng mansanas. Habang si Drain ay umupo, hapung-hapo ito gaya ko.

"Baba tayo," nakanguso na saad ni Frey. "Sige na!"

Umupo ako at nagpunas ng pawis. "Ano namang gagawin do'n?"

"Mamimili!" Saad niya para bang sinasabi nitong 'hindi ba halata?' "Walang laman ang bahay mo."

"May ginto ka?" Tanong ko rito. Lalo itong ngumuso at mahinang natawa si Drain.

Matapos ang ilang sandaling pahinga ay inilabas ko ang espada. Agad lumingon si Frey dahil ramdam niyang gamit ko ang kapangyarihan nito.

Kinuha ko ang isang espada sa lamesa at hinagis sa kanya. Madali niyang nasalo at winasiwas.

Sumugod ito agad at mabilis kong sinangga. Sunod-sunod ang pag-ataki nito kaya pagsasangga ang tanging nagawa ko. Sa pagsangga ko sa ataki niya galing sa kaliwa ay mabilis ko itong hinampas at tumalsik ito.

Ako na ang umaataki at madali niya akong naiilagan at nasaalag. Mas magaling si Frey kumpara kay Drain. Ramdam kong baguhan rin si Drain sa lakas at bihasa. Pero si Frey, alam na alam niya.

Sa isang kislap at tumilapon ang hawak ko. "Paano ba iyan, Ash. Wala ba tayong premyo, diyan?" Malapad ang ngiti nito habang napupunas ng dumi sa balikat.

Pababa na ang araw. Ito na naman, matapos ang mahabang araw, tila nalalasing ako kapag gabi. Ramdam ko ang pagkabuhay ng dugo ko.

Malalalim na hininga ang binitawan ko. "May problema, Ash?"

Napalingon ako kay Frey. "Wala. Tara na." Lumakad ako sa parteng madilim at nasa bahay na agad ako. I learned that dark is my territory.

"I'll cook." Presinta agad ni Frey at wala namang tutol. Marunong ba ako magluto?

Habang hinihintay ito ay naisip kong tumambay sa balcony. Pinanood ang bituin sa langit. Kahit iisa ang imahe nila ay hindi ako nalilito. Alam ko kung saan ako. Sa paningin ko, ito ang pinakamakislap.

Sa madaling araw, ay naisipan kong mangaso. Naglakad-lakad ako sa bundok ng Apari dahil. Habang tumatagal ay nakakabisado ko na ang lugar na ito.

Ilang sandali ay sa wakas may narinig akong yapak ng isang malaking nilalang. Tahimik kong tinakbo Ang kina roroonan nito. At nakita ko ang naglalakad na malaking cyclop.

"May hinahanap ka?" Marahas itong lumingon sa akin. Humarap ito sa akin at nilagay sa balikat niya ang dala niya palakol.

"Anong ginagawa ng isang bata rito?" Malakas ang boses nito.

"Sagutin mo ang tanong ko." At tiningnan ko ito sa mata. At nakita kong natakot s'ya ng kaunti pero hindi n'ya pinahalata.

"Ako ba tinatakot mo bata?" At sinugod ako nito ng suntok at mabilis akong nakailag, sanay na sanay na talaga ako sa mga metal rings na suot ko parang wala.

VillainHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin