Chapter 29: The Trainors

2.4K 121 3
                                    

Chapter 29: The Trainors

Ngayon ang first day ng totoong pagsasanay. Maaga akong na gising at nauna na ako sa kampo kung saan mag-eensayo. Nadatnan ko doon sina Yohan kakagising lamang.

Binigyan ko sila ng ginto kahapon para sa mga pangangailangan nila. Kinuha ko na ang mga metal rings nagagamitin nila para linisin. Nilinis ko rin ang tatakbohan nila. Tinanggal ko ang mga kahoy at mga bato. Nanatili lamang ako sa kubo para hintayin sila, ganoon din sina Yohan.

"Handa na ba kayo?"

"Mahihirapan ako," mabilis na sagot ni Jared sa akin.

"Pinagkatiwala ko s'ya sayo dahil alam kong kaya mo, wag mo sana akong bibiguin." Alam kong hindi biro ang magaganap na pagsasanay lalo na at babae si Brook mahihirapan si Jared sa kanya.

"Gagawin ko ang makakaya ko, pero ang ginawa mo kay Linsay?" Tanong nito patungkol sa ginawa ko kahapon.

"Emotion torture," simpleng sagot ko. "At hinamon ko siyang patunayan sa akin na mali ang sinabi ko."

"Sa tingin mo tatalab?" dudang tanong ni Yohan.

"Hindi ko alam, tingnan natin." Dumating sila maaga pa kaya pupungas-pungas pa si Rex.

"Patunayan ninyong tama ang desisyon kong sa inyo ipagkatiwala ang pagtuturo sa kanila." Bilin ko sa kanila bago sila tuluyang makalapit.

Pero alam kong rinig ako nina Waver, Rex, Ali, at Eve dahil malakas ang pandinig nila kumpara sa mga mago at tao.

Sininyasan ko si Linsay sa lumapit. Si Linsay ang pinili kong pagtuonan ng pansin dahil s'ya  ang pinakamahirap turuan manakit. Pinaupo ko s'ya  sa inuupuan ko at sinuot sa kanya ang mga metal rings. Lahat sila ngayon ay nakadapa liban sa goblin at sa amin.

Lumapit ako kay Linsay at bumulong.

"Isipin mong kaya mo, naalala mo 'yong sinabi ko?" Naiiyak kasi ito kanina pero ngayon ay lumakas na ulit ang loob n'ya. Unang nakatayo si Ali sumunod si Waver, Rex at Frost.

Si Brook at Linsay na lamang ang naiwan at nakita kong may sinasabi si Jared kay Brook. Nauna nga si Linsay at sumunod agad si Brook.

Kanya-kanyang diskarte na kami kong paano namin sila sasanayin. Kaya lumapit na ako kay Linsay

"Kaya mo bang lumakad?" tanong ko sa kanya.

"Hindi," matapat nitong pag-amin.

"Alam ko, kaya inuutosan kitang lumakad." Seryoso siyang tumingin sa daan na aming tinatahak.

Inilayo ko s'ya sa iba dahil iba ang gagawin n'ya.

Nagpupush up ang mga lalaki ngayon at halatang dehado si Frost habang si Jared at Brook naman ay lumayo rin. Nakita kong tinahak nila ang kakahuyan.

Ako naman ay sinasabayan ko si Linsay sa paglalakad. Nakailang ulit na siyang natumba pero hindi ko siya tinutulungan.

"Tandaan mong sarili mo lang ang makakatulong sayo, walang iba, wag kang umasa na may tutulong sayo at kung meron man, swerte." Hindi kami nagpahinga pinalabas ko na sina Drain at Frey para maghanda ng makakain.

Nakailang ikot na rin kami sinubukan na ni Linsay tumakbo.

Nakalipas ang isang linggo ay malaki ang pinagbago nilang lahat. Dahil healer si Eve at Linsay at hindi nananakit ang kanilang katawan. Kaya natutunan hindi na nila kailangan magpahinga ng ilang araw dahil sa masakit ng katawan gaya ng naranasan ko noon.

Maraming nangyari, nakakatakbo na sila kahit may metal rings. Nakaya na ni Linsay tumakbo kahit may metal rings at kasama si Solene ang kanyang gemina.

Naturuan ko na rin siya ng mga estillo sa paggamit ng sandata kahit suot ang mga metal rings.

Hindi na natanggal ang mga metal rings nila simula nangmaisuot ito. Hindi na rin sila natatakot sa akin, pinagtititripan na ako nina Rex at Waver. Kinukulit naman ni Eve si Frost.

Habang si Brook ay laging iniinis ang trainor n'ya. Madalas niya itong takbuhan kapag mag eensayo sila.

Malaki rin ang ikinabago ni Ali mas lumakas s'ya, siya rin ang mabilis matutu, his the leader indeed. Si Barry naman ay marunong pala ng salamanka. Parang mangkukulam lang din.

Gumawa rin si Linsay ng isa pang bahay para sa mga lalaki para hindi kami mag siksikan sa bahay ko.

Ngayon ang itinakda na tanggalin ang mga metal rings nila. Pero hindi nila alam 'yon. Alam na rin nila na dual weilder element ako. Lagi rin silang pinagtitripan ni Frey habang si Drain ay tahimik pa rin.

Fire attribute si Jared kaya lagi siyang binabasa ni Brook.

Nagkakasundo naman si Rex at Blaze. Si Bryle at Waver naman parehong batugan kaya nakaka sundo talaga naabutan ko sila minsan natutulog lang pero malaki rin ang ikinaunlad ni Waver.

Si Mark at si Frost, tahimik lang si Mark habang si Frost ay bato talaga. Si Ali at Yohan ay maayos naman ang samahan.

Si Jared lang ang namomroblema sa kanila. Matalino si Jared kaya marami ring natutunan si Brook tungkol sa element n'ya. Si Eve naman ay nagsasanay ng mga spells kasama si Barry.

Si Linsay ay gabigabi nag sasanay sa kanyang element.

At ako patuloy pa rin sa pag-eensayo ng sarili ko lang. Delikado kasi akong magsanay ng may kasama. I might lose control, dark element pa naman ako, I can easily kill them all.

Nalaman ko ring humahaba ang kuko ko kapag nagagalit ako.

At kinalaunan ay na gamay ko na ito, kaya ko nang palabasin ang kuko ko kahit kailan ko gusto.

Lagi ko ring nakikita na kasama ni Eve si Linsay nagsasanay tungkol sa mga halaman earth element si Lindsay at fairy si Eve. Kaya nagtutulongan sila sa tungkol sa mga gamot galing sa halaman. Kasama rin nila si Barry

Habang si Brook ay pinag-aaral ni Jared gumawa ng lason na pwede niyang gamitin sa pakikipaglaban. At langis na nakakagawa ng apoy kapag sinindihan.

Kaya masasabi kong malakas ang depensa kung magkasama sila.

Aminado si Jared na mas malakas si Brook kumpara sa kanya ngunit kailangan ng gabay dahil masyado siyang impulsibo sa mga bagay-bagay. At si Jared ang taga saway sa kanya at tagapayo. Siya rin ang tagaplano sa gagawin nilang dalawa.

Nanangangamba lamang ako dahil masyado silang dumedepende sa isa't isa. Isa sa mga nakagawian na namin ay sabay-sabay kaming kumain. Sa isang mahabang mesa. Kaya ang ingay nila ngayon.

"Ash, kailan ba tayo magsisimula sa paglalakbay?" Tanong ni Frost kaya natahimik silang lahat.

"Ngayon kong maari," sagot ko.

"Masyado yatang biglaan pwede namang ipagpabukas," sabi ni Yohan. Tumingin ako kay Jared

"Ayos lang naman kung ngayon na," tipid niyang sagot.

"Kailangan nating maghanda," sabi ni Lindsay. Kaya tumingin ako kay Ali at nalipat sa kanya ang lahat ng tingin.

"Sapat na ang kalahating araw para maghanda," pinal nitong sagot. Ngayon araw kami aalis.

"Bias ka naman eh, si Ash ang nagsabi kaya sumang- ayon ka." Paratang sa kanya ni Rex habang kumakain.

"Sinabi ko na noon pa na kailangan nating magmadali ilang taon na tayong natagalan," sagot niya.

"Sorry na boss," maktol naman ni Rex.

VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon