Chapter 36:Wild Mermaid

2K 99 0
                                    

Chapter 36: Wild Mermaid

Third Person Point of View

Habang tahimik ang lahat, malimit sumulyap si Waver kay Ash na nasatabi ni Ali. Noong nahimatay ito kanina at namilipit sa sakit, gaya ng lahat ay nag-alala ito ng husto.

Matagal na noong huli itong nag-aalala ng husto sa iba, halos buong buhay niya ay palipat-lipat ito ng lugar at walang pinagkakatiwalaan. Masaya mo itong makakausap ngunit hindi ito tunay na nagtitiwala. Mautak maglaro at magaling magkunwari.

At ganoon na lamang ang pag-aalala niya sa kanya. Isang mahusay na mandirigma at nakaranas ng ganoong paghihirap. Sa dami ng mga napuntahan niyang lugar, sa lugar na ito na lamang siya kinilabutan ng husto. Hindi niya inakala na may ganitong lugar pala.

Simula ng mamulat ito ay mag-isa na itong namumuhay, walang ibang iniisip kung hindi ang sarili. Kinaya niyang mamuhay mag-isa kaya hindi ko kailangan ng kasama. Kumbaga 'happy go lucky' ang pamamaraan nito. Buong akala niya noon ay isa siyang bampira, purong bambira, nagbago lamang noong makaranas ito ng volutismo.

Simula noon ay nagising palaisipan ang kanyang pagkakakilanlan. Kahit ganoon pa man ay masaya itong namuhay, pinilit niyang maging masaya, gusto nitong kalimutan na pinagmalupitan ako ng mundo. Hanggang nakilala niya ang mga kagaya niyang element user. Tinuring niya silang kaibigan kahit may nililihim ito sakanila. Si Ash ang pinakahuling taong, inaasahan niyang pagkakatiwalaan niya ng lubos. Pero hindi niya napapansin ay siya na pala ang pinakapinagkakatiwalaan nito ng husto, natatawa na lamang ito sa sarili dahil naiinis ito sa kanya noon, ang akala nito ay hindi kumalahati ang pinagdaanan niya sa pinagdaanan ni Ash, ang katutuhanan pala ay pareho lamang sila, maski ang iba pa niyang mga kasama ang kaibahan lamang ay matapang ni Ash kinalaban ang mga nagkasala sa kanya, habang sila ng mga kasama niya nagbubulagbulagan sa katutuhanan.

Bumagsak ang tingin niya sa paanan niya. Kung hindi dahil sa kanila ay patay na ito ngayon. Ngayon lamang ulit ito nagpahalaga ng husto liban sa sarili niya. Determinado itong nanunumpa sa loob-loob niya na hindi ito sususko, hanggat nakikita niya ang mga kasama niyang nakatayo, lalaban siya sa tabi nila.

Naalala nito ang panahon noong nagsasanay ito at kalaban niya si Ash. May biglang bumulusok na dagger na itim sa direksyon ko habang nagpapahinga ako sa ilalim ng puno.

"Malakas rin pala ang panramdam ng mga bampira," nakita niya si Ash na papalapit, noon ay naiinis ito sa kanya dahil masyado itong mayabang umasta, tila siya ang pinakamalakas sa lahat, noon ay hindi ito naniniwala sa kakayahan niya, mas nagtitiwala ito sa kakayahan ni Ali.

"Ash naman, nanggugulat ka," ngunit puno ito sa pagpapanggap at pagkukunwaring masaya at makulit. Agad itong naglabas ng espada at sinugod.

"Let me see what you/ve got." Saad ni Ash sa kanya at agad itong sinugod, mabuti na lamang at mabilis itong nasalag. Nagpalitan ng ilang ataki ngunit nahihirapan si Waver.

"Ash, pagod na pagod pa ako." Saad niya matapos umatras noong muntikang mahagip ang dibdib niya, ngunit ang totoo ay nahihirapan ito. Ngunit hindi ito tumigil sa pag-ataki.

"Hindi mag-aalinlangan ang kalaban pagod kaman o hindi
at handa o hindi." Hindi na lamang ito nakasagot at hindi na nitong nagawang umataki pa, puro na lamang ito depensa.

"No doubt, mabilis ka." Komento nito, "pero mahina ang depensa." Agad nitong bawi sa depensa niya. "Masyadong advance ang galaw mo, hindi mo dapat abangan ang ataki ng kalaban mo dahil mabilis ka, wag mo hulaan ang galaw ko dahil maaaring baguhin ko ito bigla at hindi ka handa." Malakas na hampas ang natamo ni Waver at napaatras para makaiwas.

"Dahil mabilis ka, advantage iyon, iyan ang lagi mong tandaan." Ang huling sinabi nito bago niya bitawan ang sandata niya at nawala ito na parang bula.

VillainWhere stories live. Discover now