Chapter 40: Goal

1.6K 88 0
                                    

Chapter 40: Goal

"Patay na si Ariella." Agad silang natahimik at tila pilit pinakikinggan ang boses ko. Ang sakit pala kapag naririnig ko ang pangalan ng aking ina na kinamuhian ko nang ilang taon na wala naman palang kasalanan.

"Kung gano'n, sino ka?" Tanong ng isang lalaki. Hindi ako sumagot at sinumulan ko silang kalagan. Nahirapan akong kalagan sila dahil sa kapal ng mga kadena at dami, iniiwasan ko rin mapaso sila kaya maingat ako. Pamilyar ang mga muka nila, tila nakita ko na sila kung saan at kahawig nila ang ilan sa mga kasama ko. Kilala rin nila ang mama ko. Sila kaya ang mga kasama niya at isa kaya sa kanila ang totoong hari na ama ni Ali?

"Isa ka sa mga bagong element user." Puna na isang lalaki, nakikita ko ang hawig ni Ali sa kanya. Hindi malayo na siya ang ama nito. "Kay bilis ng panahon, isang dekada mahigit na pala ang nakalilipas."

"Nandito rin ba ang iba pang mga element user kasama mo? Delikado ang lugar na ito bakit kayo naghiwa-hiwalay." Nag-aalalalang tanong ng isang lalaki

"Bakit anong lugar ba ito?" tanong ko.

"Ang kuta ni Severino." Sagot ng isang babae, iyong lang ang alam niya? Gaano katagal na ba sila rito at hindi man lamang nakayang makatakas?

"Pinatakas ko na sila."

"Ikaw lamang mag-isa ang nandito para iligtas kami?" Agad na bulalas ng isang lalaki na huli kong kinalagan.

"Anong balak mong gawin sa bihag ko, anak." Agad umakyat ang kaba sa dibdib ko, hindi ko na isip agad ang pagdating niya. Kami lamang ang nakakakita sa dilim kaya kanya-kanyang kapa ang mga element user. Hawak kamay sila sa likod ko at handa ng lumaban, ngunit naalala kong hindi nila magamit ang element nila rito.

"Hihiramin ko lang....." Pasimple kong hinulog ang isang bolang Krystal sa likod ko at pinaliyab ang paligid namin."Ama." At inapakan ko ang bolang Krystal kaya nahulog kami sa lagusan na nabuo sa sahig.

Third Person's Point of View

Habang napunta sa kagubatan ang grupo ni Ash, habang si Frey ay nakatulala sa kawalan na pinangalingan nila, umaasa na sumunod si Ash. Nilapag nila si Ali sa damuhan.

"Ash," Hindi pa man ito nakakadilat ay si Ash agad ang hinanap kaya napalingon ang lahat kung nasaan si Ash.

"Hindi siya nakasunod," saad ni Frey habang si Drain ay tahimik lamang na nag-iisip. Doon nila napagtanto na wala si Ash. Naiiwan siya

"Nasaan si Ash?" Agad na tanong ni Eve, sa tinis ng boses ni nito ay agad na padilat si Ali.

"Siya ang huling pumasok." Mahinang sambit ni Lindsay.

"At?"

"Naabutan siya ni Severino, kinalaban pa niya si Severino para makatakas tayo." Mabilis na napatayo si Eve mula sa kapagkakaluhod sa tabi ni Ali para ssiguraduhin maayos ito.

"Balikan natin siya." Halos mapasigaw na saad ni Eve ngunit imipit na lamang na nagpigil dahil wala itong maisip na gawin. Wala na ang portal na naghatid nila sa lugar na iyon.

"Hindi na tayo makakabalik," ani Rex.

"Huminahon kayo, may posibilidad na maging malo rin tayo gaya ng nangyari kay Ash kanina." Puna ni Waver sa lahat habang tahimik lamang si Ali sa tabi tila may malalim na iniisip.

"Wala ka bang bolang krystal gaya ng ginamit ni Ash?" mahinang tanong ni Ali kay Eve.

"Wala puro ginto lamang ang dinala ko," nanlulumong sagot nito. "Marami pa siyang bolang krystal susunod siya." Dagdag ni Eve kaya nabuhayan ang lahat.

VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon