Chapter 41: Truth

1.7K 87 0
                                    

Chapter 41: Truth

Ash Pov

Lahat kami ay nagbagsakan sa damuhan at agad akong tumayo. Niisa sa amin ay walang nakakaalam kung nasaan kami.

"Nasaan tayo?" tanong ng isang babae na hindi ko nakikilala.

"Wala kaming pakialam, bakit mo tinawag na ama ang kalaban?" May isang sumagot ngunit nagulat ako nang bigla niya akong tinuro.

"Dahil ama ko siya."

"At bakit kamuka mo si Ariella?" Hindi ko alam kung hindi niya talaga alam ang sagot o ayaw lamang nitong maniwala.

"Dahil ina ko siya."

Napuno ng saglit na katahimikan ang paligid ibig sabihin ay hindi nila alam ang nabuong ugnayan ng mga magulan ko.

"Kaya ba siya nawala para alagaan ka?" Tanong ng Hari sa akin.

"Hindi, para isalba ang buhay ko bago siya mamatay," pagtatama ko.

"Paano mo nalaman ang mga impormasyong ito?" Isa pang babae na berde ang suot at may kumikislap na tila kaliskis sa gilid ng muka niya. Siya yata ang water element at hawig niya si Brook.

"Mahalaga pa ba 'yon?" Sinuri ko silala isa-isa ngunit napansin ko ang pag-iwas nila ng tingin at ang iba ay napaatras pa. Napagtanto ko kaagad na may epekto sa kanila ang mga mata ko.

"Tinakot mo ba kami?" Singhal sa akin ng isang lalaki na katabi ng water element. Napabaling ako sa kanya ngunit matapang niyang sinalubong ang mga mata ko.

"Natatakot ka ba? Bakit ko naman kayo ilalabas da kulungan kung tatakutin ko lamang kayo." Nakadismaya ang asal nila, hindi ko makita ang katangian ng mga dapat tinitingala. Masyado nilang inaalala ang katayuan nila at ngayon sila pa ang may ganang mainis gayong ako ang naglabas sa kanila sa kulungan.

Walang patutunguhan kung pahahabain pa ang usapan kaya tumalikod ako sa kanila para umalis. "Matanda na kayo hanapin n'yo ang daan pauwi." Naiinis ako sa singhal at mga mapanghusga nilang tanong. 

"At ikaw?" mabuti na lamang at malumanay ang hari kaya humarap ako saglit para sumagot.

"Maghahanap ng silbi." Ngunit ang mga tingin ng mga nasa likod ay talagang nakawala ng gana na manatili kasama sila.

"Bakit hindi ka sumama sa amin pauwi mas may silbi ka doon." Sagot ng babaeng kanina pa masama ang timpla sa akin.

"Sa tingin mo ay tatanggapin ako roon ng malugod?" Halos tumaas ang boses ko sa tuno niya. Nauubos ang pasensya ko sa kanya. Hindi porket mas matanda sila ay hindi na sila marunong magpasalamat sa mas bata na tumulong sa kanila. Masyadong mataas ang mga tingin sa sarili.

"Kaya ko nga nahanap ang aking amang demonyo dahil pinapatugis ako ng bagong hari." Napayuko lamang si Haring Alistair, nakita ko siya sa libro ng mga hari kaya kahit ngayon ko lamang siya nakita ay alam kung siya iyon.

Muli akong tumalikod. "Drake," tawag ko rito. Narinig ko kaagad ang pagaspas ng mga pakpak niya sa taas kaya umakyat ako sa isang puno at tumalon saktong nahawakan ko ang buntot niya at nilagay niya ako sa likod niya.

Kailangan kong mahanap sila Frey pero hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin. Maaari kayang mas malayo ang napuntahan nila o na sa paligig lang rin. Saan ako magsisimula?

'Saan tayo, Ash,' tanong ni Drake.

'Hahanapin sila,'

'Sa'n naman kaya sila ngayon?'

'Hindi ko alam,' binuksan ko ang backpack ko at tiningnan ang mga nakuha kong munera. Sa mga nagdaan laman ay marami akong nakolektang munera ngunit may isang kumikislap na bagay ang kumuha ng atensyon ko.

Isang makintab na bolang sing laki ng kamao at may usok na puti sa loob. Noon nahawakan ko ito ay mabilis na umikot ang usok sa loob at unti-unti itong nawala. Ngunit naaninag ko ang isang tagpu.

VillainWhere stories live. Discover now