Chapter 14: Little freedom

3.4K 181 9
                                    

Chapter 14: Little freedom
Kinabukasan nga ay maagang maagang nagising si Eve. Ako ang nagluto at tinutulungan ako ni Eve.

"Natulog ka ng maaga?" Masigla itong tumango.

"Mabuti." Matapos naming magluto ay kumain agad kami. Nagprisinta itong maghugas at pumasok ako sa kwarto ko para kunin ang mga binili ko.

Natapos itong maghugas at ibinigay ko sa kanya ang isang singsing. "Isuot mo."

Nagtataka itong tinanggap ang singsing. Nilagay ko sa lamesa ang bag kung saan ang mga pinamili ko. Umupo ako at pinanood lamang ito.

Sinuot niya at napangiti nang makita ang singsing sa kamay niya, namamangha ito sa ganda, hindi alam kung anong nakikita ko. "Ang ganda."

Naglaho na ang pakpak nito at sungay. "Humarap ka sa salamin."

Napatingin ito sa akin at nagtakang lumakad papunta sa salamin. Nanlaki ang mata nito at tumingin sa likod, umikot ito ngunit hindi na niya nakita ang pakpak nito. Napahawak rin sa ulo at wala na ang sungay niya.

Agad itong naalarma at tinapon ang singsing, saka bumalik ang pakpak niya.

Namumula ang mata nitong tumingin sa akin. Kinakabahan itong yumuko.

"Hindi ko ba nagustuhan? I talaga lamang nito ang pakpak at sungay mo ngunit hindi ito mawawala. Magagamit mo rin ang pakpak mo kahit suot ang singsing," paliwanag ko.

Mabilis nitong pinulot ang singsing. Tuluyang tumulo ang luha nito at agad ring pinunas. "Talaga? Hindi na nila makikita ang pakpak ko. Hindi na sila matatakot sa akin?" Masigla na ulit nitong wika.

Ngumiti ako at tumango. "Makakalabas na ako kahit....kahit maaga?" Nagningning ang mga mata nito habang nakatingin sa singsing.

"Oo."

Ulit itong tumingin sa salamin, "akala ko tuluyan nitong inalis ang pakpak ko, kahit natatakot sila dito. Mahal na mahal ko pa rin ang mga ito."

"Alam ko."

"Salamat, salamat ng marami ate, Ash." Ilan pang luha ang bumagsak, at masaya rin akong makita itong masaya.

"Marami pa sa loob ng bag, ayokong isa lang ang gamit ko dahil baka aksidente itong matanggal at makita nila ang pakpak mo. Mabuting, kung sakaling mawala ang isa, may reserba ka."

Tumakbo ito papunta sa bag at hinalughog ito. Nandoon ang kwintas at pulseras, magaganda ito at manghang-mangha ito. Hindi niya napansin ang candy.

"Pati ang candy, ngunit isang araw lamang ang bisa nito." Saka ito bumaling sa candy.

Nag-aalangan itong kumuha ng isa at sinubukan. Tunay ngang gumana ito.

"Ang sarap, at ang gaganda nito. Lalo na ang kapa, kulay lila, ito ang paborito kong kulay. Lagi ko itong hinahanap sa mga pamilihan ngunit bihira ang ganitong kulay."

"Handa ka ng bumaba?"

Lalong kumislap ang mga mata nito. "Mamamasyal tayo?"

"Mamimili rin tayo ng mga gamit mo, at iba pang gusto mo."

"At makakaroon ako ng maraming kalaro sa bayan?" Tumango rin ako, bumuhos ulit ang luha nito at tuwang tuwa.

Hindi na namin pinatagal at tinawag ko na si Drake, sumakay kami sa kanya hanggang malapit sa bayan. Pinalabas ko sina Frey at Drain.

"Hold my hand, Eve. Mamamasyal at mamimili tayo hanggang gusto mo." Halos matalisod ako sa sinabi ni Frey.

Hindi na lang ako nagsalita at sumabay sa paglalakad sa akin si Drain, si Frey at Eve ay nauuna.

Masayang masaya itong nakikita ang paligid. Natutuwa rin akong makita si Eve na masaya. Hindi mawala sa mga labi nya ang ngiti na abot tenga.

"Pupunta mo na tayo kay Tanda." Wala itong reklamo at tinahak ang daan papunta sa bahay. Pagdating namin sa bahay ni tanda ay masaya tumakbo si Eve doon.

"Tatang!" masayang bungad ni Eve.

"Eve!" Bati rin ni Tanda sa kanya, ngunit nagtataka itong tumingin sa bata. Hindi ito nagsalita dahil maaring may ibang makarinig.

Umupo ako sa upuan at pinatong ang siko sa lamesa. Nagtatakang tumingin sa akin ang matanda.

"Mamili na tayo ng mga gamit mo." Masiglang wika ni Frey at kumislap ang mata ni Eve na tumingin sa akin kaya ngumiti na rin ako. Naalala kong may itim na tela palang nakatakip sa muka ko kaya tumango ako.

"Tara na!" Pasimuno ni Frey.

"Kayo na lang, hintayin ko kayo dito."

"Sigurado ka ate Ash," at tumango ako bilang sagot. Umalis sina Frey at nagpaiwan din si Drain.

"Sumama ka na Drain." Utos ko, gusto ko ring maaliw ito kaya pinasama ko na. Tumayo ito ngunit huminto bago tuluyang makalayo.

"Kapag may dumating may mawawala, mag iigat ka." Babala nito, hindi ako sumagot ngunit alam ko sa sarili kong tama ito.

Tama si Drain napamahal na ako kina tanda at Eve, hindi imposible na bawiin sila ng kapalaran kaya hindi ko hahayaang yon.

"Anong ginawa mo?" Bulong sa akin ni Tanda habang nagpupunas ng espada niyang paninda.

"Gamit pang kubli." Sagot ko na lamang.

"Kay Jes?" Tumango ako at pinanood ang mga mamimili abala sa kanilang pakay.

"Oo, marami itong panindang kakaiba."

"Ito ang pinakamalakas ng witch sa buong Magicus." Bakit dito niya napiling mamalagi? Hindi na ako nagtanong dahil may bumili sa kanya.

Marami pa ring mga kawal na nanggugulekta ng buwis ang iba ay dito na tumira at nanguguha lang ng mga paninda kong gusto nila ng walang bayad. Minsan ay sinisira panila ang tindahan.

Hindi naman napag iinitan si tanda dahil binibigay niya ang gusto ng mga kawal kahit hindi ako sangayon sa ginagawa nila ay hindi na lang ako umimik.

Si Drakko naman ay tuloy lang sa pagkain ng binili kong  matakaw kasi siya kahit gaano kalaki ang anyo niya.

Habang naka upo at nagmamasid sa paligid ay nagulat ako sa nakita ko, umabot na sa puntong patayan ang pilit na pangungulekta ng buwis.

Bakit wala paring kumikilos na pabagsakin ang hari dahil sa bulok na pamamahala nito? Ganito ba sila ka martyr?

"Mukang masayang masaya ang bata sa poder mo Ash." Puna ni Tanda at nawala ang atensyon ko doon.

"Muka nga."

"Mag didisiotso ka na wala kabang balak pumasok sa paaralan ng Admira?"

"Wala, ayaw kong pumasok, maayos na ang buhay ko rito."

"Ngunit ayaw mo bang makilala ang magulang mo? O hanapin?" Saglit akong natigil, ngunit nagkibit balikat na lang.

"Para saan? Iniwan nila ako kaya ayaw na nila akong makita."

"Ikaw ang bahala, pero kong magbago ang isip mo sabihin mo sa akin tutulongan kita, kabisado ko ang sentro maari kitang ihatid." Alok nito ngunit hindi ako interesado.

"Hindi na kailangan, wala akong balak mag aral dito lang ako, dito lang tayo." Pinal kong sabi, ayaw ko na ng gulo. Kung dito nga umaabot ang alingasaw ng pamamahala sa kaharian doon pa kaya? Mabuti na dito.

"Ligtas tayo rito."

VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon