Chapter 9: Drain and Freya

4K 193 7
                                    

Chapter 9: Drain and Frey

*Drain, Freya*

Unti-unti itong ngumiti, isang malambot na ngiti. "Kayanin mo." Bulong niya at agad akong napaatras. Tanda, saka ko lamang nakilala ang muka nito. "Magtiwala ka sasarili mo ikaw ang mas malakas."

Marahas kong binawi ang kamay ko. Hindi makapaniwala sa nagawa at hiyang-hiya akong umatras at tumakbo. Walang pakialam sa mga sanga na nadadaanan.

Hingal na hingal akong huminto dahil kinapos ng hininga. Walang tigil ang luha at bigat ng dibdib. Mahapdi ang iba't ibang parte ng katawan dulot ng matutulis na sanga.

"Ahhh!!" Napaluhod ako sa sakit. Para akong nalalasing sa hilo nagdidilim ang paningin ko. Tuloy tuloy ako sa pagsigaw at tuloy lang ang palabas nag usok at paliyab ng katawan ko.

Hanggang sinakop ako ng kadiliman. Sa muling pagdilat ko, binungad ako ng dilim. Nilibot ang paningin at nakita ang dalawang babae sa tabi.

Tahimik akong tumayo at hinarap sila. Lumakad sila papalapit kaya agad akong umatras. Binuksan ang kamay para ihanda ang sandata. Ngunit walang lumabas, napatingin ako sa kamay ko at wala doon ang pulseras.

"Sino kayo."

"Drain." Simpleng sagot ng nakaitim.

"I'm Frey." Sagot ng nakapula at akmang lalapit sa akin ngunit maagap akong umatras.

Hindi sapat ang sinabi nila kaya hindi ako umimik, mukang mahihirapan ako sa kanila. Bumontong hininga ang naka pula, at nagpairap ito bago mag salita.

"We are your geminas." Saka ako nalinawan.

"So it was you two all along?"

"Of course, idiot." Sagot ni Frey, at agad uminit ang dugo ko.

"And you dare to disrespect me!"

"Wag kang magmalaki. You . Are. Useless. Without us." Mababa at nangmamaliit na saad ni Drain.

"You think I'm useless? Then, umalis kayo sa katawan ko. I don't need you!"

You think I'm an idiot? Sino sa atin ang kusang pinili ako, you are living inside me 'you both are useless without me' that's the right term." Sigaw ko at natahimik sila.

"You choose me, then obey me, I own you both now, so don't dare to control or play with my emotion!!" Inilabas ko na ang lahat ng galit ko, galit ako dahil pinapahirapan nila ako ng matindi.

"What do you want?" Pareho lamang itong nakatingin sa akin.

"To control me!? Then what? Maghahasik ng lagim? Gumawa ng gulo-"

"YES!" Putol ni Drain sa sinasabi ko. "Wala namang nangyaring maganda sayo diba? Pinahirapan ka lang ng lahat pinaglalaruan ka ng mundo."

"Tingin mo pinili ka namin? Hindi, ipinapanganak kami kasama ka, naranasan rin namin ang naranasan mo, naghirap kami kasama mo, we are destined to be with you,  to be your protector, gusto naming  maghiganti dahil sa nangyari sa atin." Galit at poot lamang ang makikita sa muka nito.

"Ako parin ang masusunod mali pa ring kontrolin ang katawan ko!"

"Gusto naming gumanti, bakit ka kasi nagpapaapi?"

"Hindi pa, may pasensya pa. Kaya kong gumanti, pero kulang pa ang lakas ko. Pero maayos na sigurado ang ganitong buhay tahimik at walang gulo. Ayaw ko lang ng gulo."

Ngumiti si Frey at nakita kong umamo ang muka ni Drain kahit hindi ito ngumiti.

"Please let me handle for the better, hindi ko hahayaang maliitin ulit tayo, pangako." Tumango naman sila at dahan dahang ngumiti.

VillainWhere stories live. Discover now