Chapter 32: Thunderbird

2.2K 112 4
                                    

Chapter 32: Thunderbird

Pinag-ingay ko si Drake ng malakas para magising silang lahat. Nagising naman sila pero sina Bryle at Waver ay naglalaway pa rin. Kaya ginising na lamang sila ni Linsay.

"Nasan si Mark?" Hinanap agad ni Eve si Mark. Salubong ang kilay nito at matinis ang boses.

"Umalis na," sagot ni Ali. Narinig niya  ang usapan namin ririnig niya rin ang iniisip ko.

"Paano?"Nanlulumo itong lumingon sa gawi ko. "Ash! Natakasan tayo!" sigaw nito habang tumatakbo papunta sa akin.

"Pinaalis ko," nadapa ito noong marinig ang sinabi ko. Umupo pa s'ya sa lupa parang naiiyak. Hindi pa rin s'ya tumatayo kahit paalis na kami

"Ash, bakit naman pinatakas mo alam n'ya ang plano natin kilala niya si Broo-" kinarga na lamang siya ni Frost na parang sako. Nag-aaway na naman sila dahil doon.

"Alam mong pinatakas siya ni Yohan diba?" tanong ko kay Ali at tango lamang ang naging tugon niya.

'Bantayan mo siya,' muli lamang itong tumango.

Naging maayos ang aming paglakad ng biglang huminto si Ali at Waver para silang may naamoy. Lumingon-linggon sila sa paligid. May narinig kaming angil. Naamoy ko rin ang amoy ng isang pusa. Ngunit huli para tumakbo isa-isang naglabasan ang mga lion sa paligid namin.

Nabato kami sa kinatatayoan namin.

May biglang bumagsak galing sa likod, isang malaking ibon na inambangan ng leon at nagsiataki na rin sa amin ang ibang Leon. Sa dami ay pinalabas ko na si Frey at Drain.

Mas sanay ako sa pana pero chain ang ginamit ko mas magaling naman kasi si Eve. Tatlo ang umataki sa akin kaya umikot ako at lahat sila ay tinamaan ng chain ko.

I whipped the largest one at pumulupot ang kadena sa paa niya at binato ko s'ya sa isa pa.

Gamit ang dagger ay hiniwa ko ang umamba sa likod ko at binato ko ito sa papalapit at bumalik naman agad bilang espada. Sinalag ko gamit ito ang nagtangkang kumagat sa paa ko at sinaksak ko ang ulo niya.

Habang ang ibon kanina ay lumalaban din sa isang Leon naghihingalo na ito kaya tinulungan na ni Ali. Lahat kaming element user ay pinalabas ang mga gemina namin.

Nangmapatay ni Yohan ang pinuno ay nag siatrasan na sila. At ang ibong ay tuluyan ng namatay, balak yata niya kaninang mangitlog pero sa kuta ng mga leon siya napunta.

May itlog kasing lumutang pagkamatay niya at kinuha naman ni Ali dahil s'ya ang pinakamalapit.

Panigurado mari kaming nakuhang munera sa loob lang dalawang araw. May kusa lamang itong pumapasok sa bag namin kapag may natalo kami dahil sa magic backpack. Naglalaho ito parang bula at automatic nasa loob na ito ng bag.

Hinggal na hinggal kami pagkatapos ng laban at may nakita kami kweba. Tumingin ako kay Brook

"Papasok tayo," sabi nito kaya hindi na kami nag-aksaya pa ng oras. Ako ang naunang pumasok pinakahuli naman si Waver dahil kami lamang ang nakakakita sa dilim.

Gumawa naman ng ilaw si Rex, ang ibig kong sabihin pinailaw niya ang kamay niya kaya siya ang naging ilaw nila.

"Sandali," mahinang sabi ni Lindsay. Bago kami tuluyang makapasok ay bumalik si Lindsay sa labas at sinamahan naman siya ni Wave. Pagbalik nito ay may bitbit na itong winged lion. Kinakamot ni Lindsay ang leeg nito.

"Napansin ko kanina, nagtatago lamang siya sa tabi." Agad naman na lumapit si Eve at nilaro rin ang maliit na Leon.

Biglang tumigil ang gawi nila Jared, hawak niya si Brook na puti ang mata ngayon.

VillainWhere stories live. Discover now