Chapter 22

3K 161 3
                                    


Gamit ang pana ko ay bumawi ako. Malakas ako makiramdam kaya naiiwasan ko ang ataki nila.

Tatlong teacher ang humahabol sa akin. Pinalabas ko rin si Drain at gaya ng gamit kong pana ganon din ang kanya. Sugatan silang tatlo ngayon at huminto ako.

"Miss Black, dumadami na ang mga kasalan mo, humanda ka talaga sa detention!" Nanggagalaiti na sabi ni ma'am.

Isang witch si ma'am kaya gamit ang wand n'ya marami siyang binubulong maraming lumalabas na ilaw dito at pinapatama sa akin .

Naiwasan ko naman lahat at sumugod si Sir sa akin. Habang kalaban ko si Sir ay pinupuntirya ako ni ma'am.

Hindi maganda ito dehado ako. Kalaban din kasi ni Drain ang isa pang teacher.

'Drake, tawagin mo si Eve,'

Nagamit ko na ang tatlong anyo ng sandata ko hindi ko na pwedeng gamitin ang kadena ko.

Espada ang gamit ko ngayon, hindi ako makaataki dahil kailangan kong ilagan si Ma'am kaya puro salag at ilag ako.

Humanap ako ng maganda tyempo at sinipa ko ang kamay ni sir pero hindi niya nabitawan ang espada niya. Sigurado naman akong malakas ang sipa ko kaya masakit ang kamay niya ngayon.

Kinuha kong itong oportunidad, nilakasan ko ang ataki ko kahit sa pagsalag para mabugbug ang kamay n'ya sa pagkakahawak n'ya sa espada.

At isang malakas na hampas ang ginawa ko kaya nabitawan ni sir ang espada at binato ko ng dark ball si maam, nahihirapan siyang huminga ngayon.

At ang isa pang teacher ay tumba at nakatutuk ang espada ni Drain sa leeg n'ya. Espada ko naman sa leeg ni sir.

"Ay, tapos na sayang naman hindi ko naabutan," maktol ni Eve.

'Bumalik kana Drain,' at naglaho na si Drain. Binaba ko na rin ang espada ko at tinanggal ang usok sa katawan ni ma'am.

"Mauna ka nang umuwi mamaya, may detention ako, kawawa naman kasi sila, mukang maiiyak pa," inasar ko pa lalo si ma'am.

"Sama ako, ano 'yang detention?"

"Wag na."

"Sige na nga, ma'am magaling ka pala sa casting spell asintado ka nga lang, hahahaha." pang asar din ni Eve bagu umalis.

Umalis na ako, ako na lang maghahanap kung saan ang detention room.

Nakita ko rin ang detention room, isang room matindi ang lock. Pagdating ko doon nandon na si Miss Morris.

"Dito ka for five hours."

Pagbukas niya ng pinto ay sobrang dilim sa loob, walang bintana, makakapal ang pader at bakal ang pinto.

Alam kong may mago sa loob at lima sila alam ko ring nakatitig sila sa akin dahil bukas pa ang pinto kaya may ilaw pa sa kinaroroonan ko.

Pagkasara na pinto ay nakita ko silang lahat. Lahat lalaki, malalaki ang katawan, may mga tattoo at hikaw sa muka. Mga naligaw din ng landas.

"Anong ginagawa ng magandang babae rito?" sabi noong isa.

Hindi nila ako nakikita pero sanay sila sa dilim. Hindi sila na katingin sa eksaktong direksyon ko. Kaya dahan dahan akong lumakad pa alis sa kinaroroonan ko ngayon.

"Oo nga paanong pinatapon nila dito ang mala angel na gaya mo?" rinig kong gatong ng isa.

"Isipin na lang natin na swerte tayo," manyak din ang isang ito.

"Sabihin mo, anong ginawa mong kasalanan at pangalan mo." Sabi ng parang leader nila at sabay-sabay silang pumunta sa direksyon ko kanina akala nila hindi pa ako gumagalaw sa takot.

VillainWhere stories live. Discover now