Chapter 30:The Seer

2.3K 111 1
                                    

Chapter 30: The Seer

Hinanda namin ang lahat ng nga kakailanganin. Lahat may may kanya-kanyang bag para paglagyan ng sariling pangangailangan. Halos buong kalahating araw ay ginugol namin sa paghahanda sa pag-alis.

May mga kanya-kanyang ginto at pilak rin pati na mga mamahaling bato. Suot ko naman ngayon ang kapa ko at takip sa muka na matagal-tagal rin na hindi ko na susuot.

"Jared," rinig kong mahinang tawag ni Brook kaya napalingon ako sa kanya. Nakikita kong tila nahihilo ito at muntik pang matumba mabuti na lamang at maagap ko itong nasalo, pumuti ang mga mata niya.

"Panganib at ligtas,

Panganib ang mga tamang landas,

Posibleng walang makaligtas,

Kuta ng mababangis,

Pangil na matulis,

Kung umataki ay walang mintis,

Malakidlat ang bilis," at bumalik ang kulay ng mata niya dumating rin si Jared. Mabilis siyang yumakap dito at tumingin sa akin si Jared na nagtataka.

"Panganib at ligtas, panganib ang tamang landas, posibleng walang makaligtas, kuta ng mababangis, pangil na matulis, kung umataki ay walang mintis, malakidlat ang bilis." Pag-uulit ko sa sinabi ni Brook.

"Siya ang bagong Seer." Mahinang bulalas ni Eve ngunit nawalan ng malay si Brook.

"Ipagkakatiwala ko sayo si Brook, Jared," saad ko sa kanya at mataman itong tumango.

"Ipaliwanag mo sa kanya ang lahat," masakit ang ulo n'ya kaya ginamot rin siya ni Linsay. Kaya bumalik rin agad ang ulirat n'ya matapos itong gamutin. Lumabas na kami sa kwarto at naiwan silang dalawa doon.

Alam na nilang lahat ang nangyari dahil matalas ang pandinig nila. Liban kay Frost pero alam kong nasabihan na siya.

"Tuloy ba tayo?" tanong ni Linsay.

Napatingin ako kina Ali siya ang may kidlat sa amin kaya mukang laban niya ang magaganap.

"Tuloy tayo," pinal na sabi ni Ali.

"Lalo na at impormasyon ang nakita ni Brook. Alam natin kung saan dapat dumaan." Napagaling ako kay Frost sa sinabi nito.

"Alam mo kung saan ang lugar na tinutukoy ng nakita ni Brook?" tanong ni Mark sa kanya.

"Labing lima ako noong makabalik ako dito at sinusubukan kong hanapin ang ina ko kaya marami ang napuntahan minsan ko na ring nakita ang mapa ng buong Magicus, hindi ko pa napupuntahan 'yan pero sigurado akong sa silangan 'yan." paliwanag ni Frost. Lumabas na rin sina Brook, maayos na ang lagay n'ya sa wakas.

"Tara na! Daan tayo sa mama ko," masiglang saad ni Eve. Tanggap na nito ang kanyang ina.

Kinakabahan ako sa maaring mangyari sa amin pero may tiwala ako sa kakayahan namin. Nag-eensayo akong mabuti para mapaghandaan ito. Dumaan kami sa tindahan ni Jess bago lumisan at si Eve ang nanguna sa paglalakad.

Malaki ang ngiti nitong binati ang ina, mabuti at makaayos na sila.

"Sigurado ba kayong ngayon ang inyong alis, bakit biglaan naman yata?" tarantang sabi ni Aling Jess. Malinaw sa mata ko ang mahigpit na hawak nito sa kamay ni Eve.

"Wala na kaming oras ma," sagot ni Eve sa kanya. Masaya akong marinig na tinawag niya itong mama.

"Saglitt lamang," mabilis itong kumuha ng isang bag at may mga hinablot sa tinadahan niya at isinilid doon bago iabot kay Eve.

"Oh s'ya, mag- iingat kayo ha, kung hindi lamang ako isinumpa na hindi na makaalis dito ay sasama ako," saad nito at makailang ulit hinalikan sa noo ang anak. "Anak ko, mag-iingat kayo." Ngumiti lamang si Eve at tumango at binigyan ng mahigpit na yakap ang ina.

"Ma, may bago kaming Seer sa grupo may magagamit ba siya na mapuprotektahan ang sarili niya?" tanong ni Eve sa kanya.

"Talaga! Sino?"

"Hindi ko pwedeng sabihin, bilin ni Ash na wala dapat makaalam liban sa amin," mabuti na lamang at hindi ito nadulas.

"Ang invisibility cloak na bigay ko sainyo ni Ash, pwedeng kapa rin yon na magtago ng katauhan ng isang mago," sagot nito.

"Ede, hindi namin s'ya makikita," reklamo MI ni Eve.

"Magiging invisible lamang ito ayon sa kagustuhan niya." Pinisil nito ang ilong ng anak.

"Marami akong mga cloak riyan bibigyan ko na lamang ang lahat para walang makahalata naisa sa inyo ay Seer." Lahat nga ay binigyan ng cloak liban sa amin ni Eve dahil meron na kami.

"Mag iingat kayo," hindi na mabilang kung ilang ulit ito nagbilin na mag-ingat kami. Habang binibigyan niya silang lahat ng kapa.

"Invisibility cloak 'yan kaya pwede kayong maging invisible kahit kailan n'yo gusto," Pag-uulit niya na naman. Makailang ulit rin ang pasasalamat ni Linsay sa kanya.

"Kung maari ay maglakad lamang kayo, madaling makakuha ng atensyon kung nasa himpapawid kayo. Madali para sa kanila na makita kayo," bilin niya rin. Pinadalhan n'ya rin ng maraming ginto si Eve.

"Sadyang napakabait ng iyong ina, Eve." Pagpupuna ni Linsay kay Aling Jess.

"Bumabawi lamang 'yon," agad na sagot ni Eve sa kanya.

Habang tinitingnan ang paligid, ito ang unang naging tahanan ko, dito ko natagpuan ang sarili ko noong naliligaw ako. Dumating akong mag-isa, ngayon magiging maingay na ang bawat paghakbang ko ng paa.

Umaalingaw-ngaw na ang barahan, usapan, bulungan at tawanan habang naglalakbay. Ngayon aalis ulit ako sa lugar na ito, at hindi ko alam kung makakabalik pa kaya ako rito.

Parang kailan lang, sugatan akong naglalakad sa mga daang ito. Ngayon, malaki na ang pinagbago. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko, ibang-iba sa dating buhay ko.

Habang tinitingnan ang mga kasama ko sa paglalakbay, sila iyong mga ilag sa akin, ngayon ay magaan na ang loob na nakakausap ko. Inakala ko noon ah magiging mahigpit ko silang  kalaban dahil tapat sila sa Hari habang ako ay nangangalit sa bawat membro ng konseho.

Ngayon ang itinakda araw para magsimula sa paglalakbay.

"Ayos kana ba?" rinig kong tanong ni Jared kaya lumingon ako sa kaniya. Nakatingin ito kay Brook, mukang balisa ito ngunit pilit siyang ngumiti.

"Nakita ko Red," bumulong ito ngunit narinig ko pa rin ito.

"Ang ano?"

"Mga lion, maraming lion at ibong malakidlat ang maililigtas," sagot nito. Lion? Maraming Lion, mukang kailan naming mag-ingat.

"Magiging maayos rin ang lahat, sabihin mo lang sa akin ang lahat ng makita mo." Pag-aalo naman ni Jared sa kanya. Hindi na ako nagsalita sa narinig ko. Importanti alam ni Ali, hindi na muna nila kailangang malaman ng iba.

Ngunit marahas akong napalingon ulit sa gawi nila dahil mabilis na tinulak ni Waver si Brook at nasalo naman ito ni Jared.

VillainWhere stories live. Discover now