Chapter 48: Part Two

1.5K 76 0
                                    

Chapter 48: Final Battle (Part 2)

Ali Pov

"Napasok na ang sentro." Rinig kong saad ni Dylan mula sa Norte.

"Paanong napasok agad, Dylan?" Inis na singhal ni Janet.

"Si Ash ang nakalaban ko." Agad akong nagulat sa sinabi nito, paanong nandoon na siya gayong nandito ang ama niya. Tumingin ako sa kinaroroonan niya kaniya, paanong nakaalis siya agad doon ng hindi ko napapansin. Saka ko naalala ang dilim, sa dilim siya mas malakas, sila.

Mas binilisan naming tapusin ni Janet ang mga kalaban sa lokasyon namin para makasunod na kami sa sentro. Pero pati ang mga kalaban namin ay nagsitakbuhan na papunta sa loob. Kaya hinarangan namin sila, may ilang nakaligtas sa at nakapasok kaya mabilis kaming sumunod.

Napuruhan si Eve pero maayos na, tumaba narin ang depensa sa lokasyon nina Frey at Drain. Mas magaling sila kaysa sa amin aminado ako, pero mukang nag-alisan na sila sa pwesto at pinuntahan si Ash.

Nakikita kong nakangisi parin si Severino sa malayo. Nakasakay si Lindsay sa winged lion niya papasok sa sentro kasama si Solene. Mukang tinapos na niya ang laban nila sa Timog. Natapos na naming linisin ang Silangan kaya tumakbo na kami sa sentro. Maraming kabahayan ang na tupok.

"Atras," Sabi ko sa mga lalapit sana sa bahay na nasususnog. "May mga itim na usok."

Si Ash nga may gawa nito. Nasa loob na kami ng sentro lahat. At may biglang nagsidatingan pang mga kalaban, akala ko tapos na ito marami papala silang kasama.

Kaunti na lamang kami dahil marami ring nasawi sa aming hanay. Biglang tumalon si Ash galing sa itaas kanina pa pala siya diyan. At hinarangan siya nina Frey at Drain

Ash pov

"Frey ikaw ba iyan.” Ang mga kaibigan ni Ash napakagandang pagmasdan ang pagtitipon nila sa lugar kung nasaan ako.

"Ash tumigil ka na, laban mo ang kumukontrol sayo, bago mo pagsisihan ang mga magagawa mo.” Walang kumukontrol, ako ito.

"Frey ako ito."

"Alam namin pero alam rin naming wala ka sa sarili mo." Sagot ni Frey sa akin. Bakit ayaw nila maniwala, akala ko b mahal nila ako.

"Ouch," umakto akong nasaktan sa sinabi niya ngunit totoo naman. At walang magagawa ang mga sinasabi niya dahil patay na ang Ash na kaibigan nila at hindi ak iyon.

Ngumisi ako sa kanila at sinugod gamit ang espada. Alam nila ang galaw, baka alam talaga nila paano ako gumamit ng espada kaya pinalitan ko ng Kadena. Tingnan natin kung may laban sila sa kadena ko. Pero kadena rin ang hawak ni Drain kaya siya ang kumalaban sa akin.

Pero pasimple kong nilatigo si Frey para matigilan si Drain. Bakit wala siyang pakialam sa master niya?

"Anong klase kang gemina at wala kang pakealam sa master mo?" Bumaling ito saglit kay Frey at ibinalik ang tingin sa akin.

“Hindi niya ako gemina.” Sagot nito sa akin.

"Oh ibig sabihin siya ang gemina? Maling impormasyon ang dumating sa akin."

“Gemina mo kami," sagot niya sa akin na ikinagulat ko. Hindi ako maaring magkaroon ng gemina.  Gemina sila ni Ash.

"Alam mo ba kong sino, si Ash?" Bakit buhay pa sila kung ganoon? Dapat patay na rin sila.

"She's dead."

"Buhay ka, Ash, wag kang magpatawa." Nilibot ko ang tingin ko at nakita siya, si Eve. Buhay siya?

"Buhay ka pa,"  bulalas ko.

“Oo, Ash.”

“Hindi ako si Ash, April ang pangalan ko.” Mabilis kong sinugod si Drain gamit ang kadena ko. Kaya ko silang pagsabayin lahat. Kaya kong magpalipat-lipat sa mga anino nila at hindi nila ako mahuhuli.
Nasugatan si Eve sa braso sa hita naman si Frey at tumalsik si Drain.

VillainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora