Chapter 45: War

1.5K 65 2
                                    

Chapter 45: War

Brook POV

"Brook maghanda na kayo paparating na kami," napabalikwas ako ng bangon nang bigla kong makita si Ash at nagbabala ito na paparating na sila. Lahat ay tulog at nagpapahinga, kailangan mabalaan ang lahat. Agad akong tumakbo kay Jared.
"Red, gumising ka,  nakita ko si Ash sabi niya maghanda na raw tayo paparating na sila," napabalikwas rin siya ng bangon sa sinabi ko at tumakbo kami para sabihan ang iba.

***
Ash POV

Pagdating ko sa kuta ni Severino ay nadatnan ko siya sa truno niya.

"Anong ginagawa ng alibugha kong anak sa aking territoryo."

"Patawad ama, tama ka, dapat nilang pagbayaran ang mga ginawa nila sa atin." Tama kayang panigan ko ang mga kaibigan ko kaysa sa sarili kong kadugo.

"At anong akala mo? Mauuto mo ako ng ganyan kadali? Wag mong kalimutan na ako ang ama mo,  Ash," ngumingiti pa siya habang naiiling.

"Anong kailangan kong gawin para paniwalaan mo ako?" Hindi ko alam, siya ba dapat o sila. Walang naidulot na maganda sa akin ang mga Mago. Pero hindi siguro tamang madamay ang ibang inosente.

"Wala kang gagawin! Hindi ka lalaban kasama ko! Dahil pinatakas mo ang mga kasama mo, pinatakas mo ang mga Royal Knigth. Wala kang gagawin…Kondi..."

Biglang nagdatingan ang mga kawal niya at dinakip ako. Hindi ako pumalag at hinayaan lamang sila. Tinali nila ako sa isang upuan, hindi lamang tinali pinosas pa ng mahika upang hindi ako makatakas.

"Umupo at panoorin kong paano magbayad ang mga pinapangalagaan mong kaibigan at mga mago." Pinakita niya sa harap ko ang mga kasama ko na mahimbing na natutulog. Sana handa na sila.

"Ha! Ha! Hahahahahahaha
Tingnan mong mabuti kong paano sila mamatay, anak, dahil susugod na kami ngayon... At wala ka nang magagawa para iligtas sila." Sabi nito at tumayo, nagtaas baba ang dibdib ko sa sinabi nito.  Naramdaman ko rin ang pag-init ng muka ko at pagsisumulang pagbagsak ng butil ng pawis ko.

Anong gagawin ko?

'Gumising kayo paparating na sila!' Nakita kong nagising si Brook ang ginising niya lahat para balaan. Naalarma ang lahat at mabilisang naghanda. Laking gulat ko sa isang malaking truck na mula sa mga tao hindi ko alam kung anong tawag nito. Si Frost lamang ang kayang gumawa nito.

Hanggang nakita ko ang mga mandirigma ng Magicus, nakakatuwang makita na nagkakaisa ang lahat ng lahi para pigilan ang…ama ko sa pagsakop ng mundo.

"Ikaw nga ang anak ni Ariella, na nakita ko noon," rinig kong sabi ng isang babae na nakatayo sa tabi ko. Nagulat ako nangmakita ko siya paanong may ibang nilalang dito. At tila umiilaw siya sa puti niya.

"Sino ka?"

"Kilala mo ba si Jess? Siya ang aking kakambal. Ako si Mesh at isa akong seer." Sagot niya na ipinagtaka ko.

"Ngunit patay ka na sabi ni, Jess."

"Tama patay na nga ako, pinugutan ako ang ulo sa lugar na ito." At saglit niyang tinanggal ang ulo niya at agad ring ibinalik. Halos masuka ako sa itsura nito ngunit hindi na ako nagsalita.

"May mga mission ang isang seer na dapat niyang matapos bago siya mamatay kaya ginagawa lahat ng seer ang kanilang tungkulin kahit pa magsakripisyo ng buhay magawa lang ang mga ito dahil kung hindi ay mamatay man kami, mananatili kami sa mundo ng nabubuhay hanggat hindi namin ito nagagawa." Isa na palang kaluluwa ang kausap ko, kung kaya ko lamang tumakbo siguro ay nagawa ko na.

"Ngunit paano kung huli na ang lahat bago mo magawa ang mga mission mo?"

"Magbabago ang iyong mission, kailangan mo nang ayusin ang naging mitsa ng iyong pagkakamali."

VillainWhere stories live. Discover now