One

76.9K 935 305
                                    

Four years old ako nang magising ako sa katotohanan.

Naalimpungatan ako mula sa pagsi-siesta nang mga panahong iyon. Nung bata kasi kami, kapag hindi kami matutulog sa hapon, hindi kami palalabasin para maglaro. Yun nga lang, laging ako ang huling gumigising sa aming anim na magkakapatid.

Malas talaga ‘pag bunso. Laging iniiwanan, kinakawawa, pinagtutulungan.

Pero ayos lang. ‘Pag umiyak naman ako, nilalambing nila akong lahat, ahahaha.

Teka, nawala ako sa kinukwento ko.  Nasa’n na nga ulit ako? Tama, naalimpungatan ako sa pagkakatulog dahil ang iingay ng mga kapatid ko. As usual, hindi na naman nila ako ginising para makasabay ako sa katuwaan nila.

Dali-dali akong bumangon at pinuntahan sila sa terrace kung saan parang nagpaparamihan sila ng maiinom na tubig.

At dahil late ako, hindi na rin ako nakisali tutal, hindi rin naman nila ako papayagan eh. Nakakaasar.

“Ayan na! Ayan na! Game! Pataasan ng ihi ah!” sabi ni Kuya Marcus, yung panganay namin. “Dun tayo sa dingding! Hahahaha..”

Pare-parehas silang tumayo sa harap ng sementadong bakod ng bahay namin at sabay-sabay na nagbaba ng garter ng shorts hanggang sa balakang kaya lumitaw yung mga briefs nilang puro kulay puti.

Pasintabi na lang pero sanay na akong makita yung mga birdies nila. Syempre, mga kapatid ko eh. Tsaka meron din kaya ako nun.

Habang nagpapataasan sila ng ihi sa pader, nainggit naman ako. Pumunta tuloy ako sa banyo para mag-practice. Para next time na maglaro sila ulit nun at makasali ako, pwede akong makisabay at hindi ma-bully.

Kaso nung binaba ko na yung salawal ko habang nandun ako sa banyo, nataranta ako nang kapain ko ang birdie ko.

Ngumangawa akong tumakbo sa kwarto nila Papa.

“O?! Napano ka?!” Nilapitan ako ni Mama na isang linggo pa lang nakakapagbakasyon dito galing Singapore.

“Mama! Bakit ganon? Bakit hindi tumutubo yung birdie ko?! Pa’no na ‘ko makakasama sa pataasan ng ihi nyan?!”

Humagalpak sa tawa si Papa at pati si Mama, di rin napigilan ang tawa. “Bakit ba kasi iniisip mong tutubuan ka ng birdie eh, BABAE ka. Tandaan mo ‘to, Charlie. BABAE KA, ha? ‘Wag mo nang pangaraping makakasali ka pa sa pataasan ng ihi ng mga Kuya mo. Hindi magandang tignan yon sa BABAEng katulad mo.”

Opo. Noon ko lang nalaman, na ako, si Charlie Pelaez, ay isang ganap na BABAE pala. Tss.

HATBABE?! Season1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon