Twenty-Five

14.9K 349 85
                                    

Mga girlfriends ba nila kuya ang gusto niyong malaman?

Sige, ayos sa’kin yan, hehe.

Umpisahan natin kay Kuya Marcus. May mga pinapakilala naman siyang mga babae. Pero lahat sila, groupmates niya sa school. Kaya laging may mga lalaki rin. Kahit ngayong papasok na siya ng Med school, mga kasama niya talaga sa UP Manila ang dumadalaw sa bahay namin. Hindi ko nga alam kung sinisikreto niya sa’min pero mabilis kasi akong makaamoy ng ganyan sa kakulitan ko ba naman, talagang masasabi sa’kin, hehehe.

In short, single na single pa si Kuya Marcus.

Diniretso ko nga siya one time eh, kung bakit wala pa siyang girlfriend.

 

Ang sabi lang sa’kin: “Gusto ko, ‘yung ipapakilala kong girlfriend sa inyo, matutulungan kang magpakababae.”

Tss. Ako pa talaga ang basehan?! Baka naman lolo na si Kuya wala pa ring nobya dahil hindi ako kayang baguhin nung mga babaeng napupusuan niya! Huwag naman sana, gwapo kaya siya. Sabi nga nila, sayang ang genes, hehe.

Si Kuya Chino naman, going strong sila ni Ate Llana. Nakilala niya sa UP. Kaso, nung unang beses na pinakilala niya sa’min, napasabog yata ‘yung utak ko.

“Ikaw, Charlie, ano naman ang masasabi mo sa Gobyerno natin ngayon?” ang naaalala kong tanong sa’kin ni Ate.

Nasa hapag-kainan kami noon at sila Papa lang yata ‘yung natutuwang makipag-usap sa kanya. Ako, napa-nganga talaga. Ano namang alam ko sa Gobyerno?! Di ko nga kilala kung sino ang barangay captain namin eh.

Ang hirap talagang kausap ng mga matatalino. Tumitirik ‘yung utak ko. Kay Louie at Chan-Chan pa nga lang, pagod na pagod na ang brain cells ko eh. Kaya kapag alam kong darating sila Kuya Chino kasama nung girlfriend niya, maghe-hello lang ako tapos pupunta nalang ako kila Chan-Chan at makikinood ng Anime, hehehe.

Si Kuya Mac-Mac naman… ayun, sobrang na-inlababo kay Ate Elise. Si Ate Elise pala ‘yung short stop ng softball team nung first year ako. Kaya pala lagi niya akong pinapahiram ng bat noon kasi kras din niya si Kuya, ayiee. Naka-tatlong taon naman sila pero enko kung anong nangyari…

Kras din kasi siya ni Kuya Chuck.

OO! Grabe yon! Nagsuntukan talaga sila kasi nakita ni Kuya Mac—ahh.. pa’no ba? Hmm… Nakita namin ni Kuya Mac at ni Mason na ni-kiss ni Kuya Chuck si Ate Elise sa kusina. Pagtapos non, nakitulog na lang sa kaibigan niya si Kuya Mac tas ni-corner namin si Kuya Chuck. Bakit kasi tinatalo niya ‘yung sarili niyang kapatid diba?

‘Yun pala, si Ate Elise ‘yung humalik sa kanya.

Ang gulo talaga, pramis. Pero nagkabati naman bandang huli kasi nalaman na rin ni Kuya Mac na may ibang boypren pala si Ate Elise. Sayang. Mabait sana eh, kaso naman… Dalawa agad sa mga kuya ko ang sinaktan niya. Buti na nga lang sa ibang school na siya nag-aaral kundi ay nako! Basag ang mukha nun sa’kin!

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now