Twenty-Four

14.7K 369 64
                                    

Sabay na sine-celebrate ng pamilya ko ang Pasko at ang birthday ko. Twenty-six kasi ako pinanganak, hehe. Kaya kung ano ang matirang pagkain sa Christmas, ‘yun na rin ang handa ko. Ang kagandahan dun, karamihan sa handa, puro paborito ko. Si Papa ‘yung nagbe-bake ng chocolate cake ko, ‘yung may caramel sa gitna. Si Mama naman sa kaldereta.

Sempre, pati mga Kuya ko marunong din magluto kasi nung wala si Mama at nagtatrabaho din si Papa, kung di kami gagalaw, mamamatay kami sa gutom.

Sila Kuya Marcus tsaka Kuya Chino ‘yung bahala sa lumpiang shanghai with cheese. ‘Yung isang dangkal dapat ang haba. Tas si Kuya Mark tsaka si Kuya Chuck sa potato salad. Kami ni Mason sa spaghetti pero hindi hakdog ‘yung sahog. Corned beef. Tas kelangan maanghang, hehe.

Nung nakilala ko si Chan-Chan, lagi rin siyang may dalang fruit salad na gawa naman nila ni Mommy niya.

Tapos nung dumating si Louie, kung hindi limang boxes ng picha pie ang dala, isang malaking galon ng h-ha—haaa—Tss. Pasensiya, hindi ko pa rin alam kung paano talaga bibigkasin dahil German yata ‘yon, kaya tatawagin ko na lang siyang ‘Hug and Dash’ dahil katunog niya. Basta mahal na ice cream 'yon.

Di tulad ng mga kuya ko, isa lang sa isang taon ang regalo ko galing sa pamilya. Pinag-isa talaga ‘yung Christmas tsaka birthday gift ko. Nung taon na 'yun, bagong bola ng softball, gloves at bat ang regalo nila sa’kin kaya nagtatatalon ako sa tuwa dahil wala naman akong hiniling sa kanila. Tapos nalaman ko pang nagpichi-pichi pa silang lahat para lang makaipon at mabili ‘yon.

Anong regalo ng mga bespren ko? Hmm… madalas lumalabas kaming tatlo sa araw mismo ng bardey ko. Si Louie ang bahala sa Timezone. Tas si Chan-Chan sa pagkain. Ako sa pamasahe, hahahaha. Hindi naman umaangal ‘yung dalawa eh, hehe.

Pero ang totoo, alam kong alam nila na hindi naman kami mayaman. Gapang talaga kung gapang ang ginagawa nila Mama at Papa para mapag-aral kaming anim nang sabay-sabay. Sa murang edad din kasi, lagi nang pinapaalala sa amin na ang pera… hindi pinipitas galing sa kung anong punung-kahoy. Pinaghihirapan ‘yon. Kaya kaming magkakapatid, tipid na tipid din sa mga allowance namin.

Kaya nga tuwang-tuwa ako ‘pag may nanlilibre sa’kin eh kasi nakakaipon ako. ‘Yung pang-counter strike ko, ipon ko yon! Hindi ko hinihingi kila Mama ‘yon, hehehe. At dahil magaling nga ako, madalas, nalilibre pa ako ng hanggang dalawang oras para tulungan ‘yung isang grupo na manalo.

Ganun talaga, para-paraan, hehe.

Nagsimula akong makatanggap ng maraming regalo nung ngang lumipat ako sa all-girl school. Madalas, laging sombrero ang binibigay sa’kin dahil nga lagi akong naka-cap. Kung hindi ‘yon, T-shirt ng superheroes o kaya kahit ano galing sa Comic Alley.

Pero alam niyo ba kung ano ang pinakagusto kong natatanggap?

Sikreto lang natin ah.

Pramis niyong hindi niyo sasabihin dun sa dalawa. Pagtatawanan ako nung mga ‘yon eh.

Tatlo pa lang ‘yung natatanggap kong ganun. Lahat galing sa girlfriend ni Kuya Mac-Mac na si Ate Elise.

Masarap ang tulog ko ‘pag yakap ko kahit isa lang. Tsaka, hindi ako magulo. Nahiya lang talaga ako kila Louie kaya di ko dinala nung naki-sleepover ako sa kanila. Tsaka pinatago ko rin kila Mama nung sila naman ni Chan-Chan ang nakitulog sa’min.

Ano ‘yung mga ‘yun?

Bear.

 

Stuffed toy na bear. ‘Yung medium-size na malambot at pedeng yakap-yakapin.

Hehe.

Oy. Yung pramis niyo ah. ‘Pag ito, nalaman nung dalawa, di na tayo bati. Wuhahaha.

----

A/N:  Pagpasensiyahan niyo na po ang bulol na si Charlie.

-sinubukan ko pong i-correct siya sa ‘hakdog’ pero ganun daw talaga niya gustong bigkasin yon at hindi ‘hotdog’

-Haagen dazs po ‘yung tinutukoy niya sa ‘Hug and Dash’ niya -___-“ sobrang mahal na ice cream haha

-tsaka ‘yung pichi-pichi.. hindi yung kakanin ang tinutukoy niya.. ‘Pitch-in, pitch-in’ ang ibig niyang sabihin. Nagshare daw ng pera pati mga kuya niya para makabili nung softball set.

Sana nag-enjoy kayo sa update na ito.. hehe v(^_^)>

 

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now