Thirty-Six

14K 303 56
                                    

Masayang hindi ang nararamdaman ko kapag bakasyon. Masaya kasi walang aral-aral, walang asa-assignment, walang project at mas lalong walang exam! ‘Yun nga lang, hindi rin masaya kung wala namang magawa dahil walang allowance.

  

Bored na bored na ako sa kaka-PS3 sa bahay. Buti pa si Mason, naaaliw na sa pagbabasa lang ng libro. At dahil hindi ko siya maistorbo sa pagbabasa niya, kung minsan, kinakausap ko nalang ang sarili ko.

Tapos sa ibang lugar pa magbabakasyon sila besprens—sila Louie, sa Japan… tas sila Chan-Chan sa Singapore naman. Tinanong nga nila ako kung bakit hindi raw kami mag-a-out-of-town. Edi nisabi ko sa kanila na hindi pa kami nakakapag-out-of-town kasi nga, malaking pera ang kailangan nun dahil marami kami. Nagkakasya nalang kaming pamilya sa paminsan-minsang pagkain sa labas tsaka panonood ng sine.

Si Mason nga na gumradweyt na valedictorian ng high school, hindi nabigyan ng kahit ano eh. Tapos mangangarap pa kaming magbakasyon sa labas ng Maynila? Kalabisan yon!

Pero nagulat ako kay bespren Louie kasi pinakausap niya ‘yung Mommy niya kila Mama at Papa ko. Ang sabi, kami muna daw ang tumao sa rest house nila sa La Union. Ang gagastusin na lang daw namin, ‘yung pang-gas tsaka pagkaing lulutuin! Umayaw talaga sila Papa nun kasi nakakahiya talaga pero si Tita Louise pa talaga ‘yung pumilit sa kanila.

Kaya pinauwi nila Mama lahat ng mga Kuya ko para pag-usapang mabuti ang bakasyon. Hindi lang pala ako ang nangangarap nun, pati rin pala sila. Naisip din nila Mama na magandang graduation gip na rin para kila Mason at Kuya Marcus na ga-graduate na rin sa Med School sa susunod na buwan. Kaya ayon, tinanggap na nila Papa yung offer nila Tita Louise.

“Basta Charlie, ikaw dun sa kwarto ko ah. Dun sa malaking kwarto na may Jacuzzi tsaka maraming painting. Susunod nalang kami dun ni Mama,” paalala ni Louie sa’kin kaya mas lalo akong eksaytment! Kasi pers taym kong magkaroon ng sariling kwarto kahit limang araw lang.

Hindi talaga kami magkandatuto sa paghahanda nun. Si Mason lang yata ang hindi eksaytment eh. Enko dun, parang anlalim ng iniisip. Tinanong nga niya sila Papa kung pwedeng di nalang siya sumama. Sempre pinagsabihan siya nila Kuya Marcus. Ngayon na nga lang daw kami magbabakasyon tapos hindi pa siya sasama.

Handang-handa na nga lahat ng gamit namin kahit tatlong araw pa ang hihintayin namin bago kami umalis, hehehehe. Pero sa aming lahat, ako yata ang pinaka-hindi nakatulog. Unang beses ko kasing makakarating sa beach, hehehe.

Pagdating ng araw ng pag-alis namin, hatinggabi pa lang, gising na ako. Muntik na nga akong singhalan ni Mason dahil galaw ako nang galaw kahit may kayakap naman akong teddy burr. Tas ayun, lumarga na kami pagsapit ng alas kwatro ng madaling araw kasi lima hanggang anim na oras ang byahe mula Maynila hanggang sa La Union.

Dahil wala akong tulog, sa sasakyan na ako inantok. Ginising na lang nila ako nung malapit na kami. Tuluyan na akong sininghalan ng mga magulang ko kasi ang ingay-ingay ko sa kaka-WOOOOWWW nung makita ko ‘yung dagat! Ang lawak-lawak kasi!

Napanganga kami nung nakarating na kami dun sa San Buenaventura Resort. Kasi ang laki rin pala nung rest house na kulay puti. Mas maliit siya sa mansiyon nila bespren pero mas malaki pa rin sa bahay namin.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now