Twenty-Nine

14K 331 30
                                    

Naungkat na naman ang usapang kras. Tss.

Pa’no naman kasi si Chan-Chan, nawawalan na daw ng pag-asa dahil parang di naman umeepekto kahit anong gawin niyang panliligaw kay Krystal. Kahit daw may realiable source na siya sa mga tips, pero wala…Wa-epek pa rin.

Eto namang si Louie, anlakas pang makapag-asar. Kita na ngang nahihirapan si bespren, mang-iinis pa. Palibhasa nagde-date na sila ni Aidan.

Edi sempre, di rin ako nakaligtas sa usapang ‘yon. Kaya sinabi kong wala pa ulit akong nakakrasang iba.

“Hoo! Kunwari ka pa! Ang sabihin mo, si Nile pa rin ang crush mo!” pilit pa talaga ni Louie.

Mas magaling pa siya sa’kin. Sino bang nakakaalam non kundi ako lang? Sinabi na ngang wala na. Prens nalang kami ni Nile. Hindi na nga kami masyadong nagteteks diba? Tas sariling sikap na rin ako sa paggigitara dahil ayoko nang tinutukso kaming dalawa. Ano na lang ang sasabihin ni Ate Mickey kung narinig niya yon?

Pero si bespren Louie talaga, anlakas ng sapak sa utak eh. Nakipagpustahan pa talaga nung hindi siya ang napiling representative ng school namin para dun sa Quiz Bee. Sabi niya, kapag natalo daw ang Uste sa competition, kailangan ko raw harap-harapang aminin kay Nile na may gusto pa rin daw ako sa kanya.

Tapos nung nalaman kong si Mason pala ‘yung ilalaban, talagang di ko sinabi kay Louie! HAHAHAHA. Asa pa siyang matatalo ‘yung kapatid ko eh alien ang utak non! Kaya naman umisip na ako ng pang-ganti ko kay Louie dahil nanalo si Mason.

Ang naisip ko, magsabi si Louie ng ‘I love You’ kay Aidan para magkaalaman na, hehehe. Tas dapat recorded. At dahil may isang salita naman si bespren, pinuntahan nga niya si Aidan. Sinundan pa nga ni Chan eh.

Kaso, hindi yata natuloy kasi may nanyare daw sabi ni Louie. Di ko na lang kinulit. At least kwits na kami. Alam na niyang mahirap sabihin ‘yon. Eh siya nga, love niya si Aidan pero di pa rin niya nasabi. Pa’no pa ako na hindi ko na nga kras si Nile tas magsisinungaling ako?

Merong isang araw bago kami matulog, nagtanong tuloy si Mason. “May gusto ka pa ba kay Nile?”

Ang malas ko lang dahil narinig nung dalawa. “ANO?! Hindi ka pa nakaka-move on dun?!” Si Kuya Mac-Mac.

PATI BA NAMAN SILA?! “Wala na po. Ang kulet naman.”

“Eh, sino na nga ba ang crush mo ngayon?” tanong ni Kuya Chuck.

Nagkibit-balikat ako nun. “Wala.”

Enko rin kung bakit hindi na rin ako nagka-kras noon. Pagtas ko kasing maghiwa ng sibuyas noon, tsaka nung nalaman kong may kras pala sakin si Pareng Brian, nakita ko yung pag-aalala nila Kuya ko. Tsaka kung pa’no silang nagalit kila Nile tsaka kay Pare. Hindi na nga ulit nakabisita si Nile sa bahay pagtas nun eh.

Kaya ayun. Parang ayaw ko na ring magka-kras. Ang labo rin kasi nila Kuya. Gusto nilang magka-kras ako sa lalaki, pero nagagalit naman kapag napapalapit ako dun sa kras ko o kaya pag may lalaking nagkakagusto sa’kin. Ano namang gagawin ko nun? Hindi ba normal lang sa babae na magkakras sa lalaki? O kaya na may magkagusto sa kanya? Buti nga kahit hindi talaga ako mukha o kilos babae, may nagkakagusto pa rin sa’kin. Pa’no na lang kung wala?

Hindi nila alam na mas nalilito ako kapag ganun ang ginagawa nila, huhuhu.

HATBABE?! Season1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon