Thirty-Four

14.5K 340 68
                                    

Ang gulo-gulo at ang ingay-ingay naming lahat sa bahay nila Louie kasi dun kami nagbihis nila Chan-Chan para sa Prom. At dahil Sabado 'yon, sumama pa talaga 'yung buong pamilya ko para daw personal na makita akong naka-gown. Tss. Buti nga si Mason nauna na sa school kasi marami pa raw gagawin.

Sabay-sabay kaming inayusan ng buhok. Naiinis pa nga 'yung parlolistang inarkila kasi ang ikli daw masyado ng buhok ko, tas di nila maayos nang husto. Kaya sabi ko na lang, huwag nalang lagyan ng kung ano, tutal magbibihis din naman ako para sa porpormans namin.

Sa pagpapalit ng damit kami natagalan ni Louie. Habang si Chan-Chan naka-ayos na at natataranta dahil baka ma-late daw, kami ni Louie halos nagsisigawan sa pagbibihis.

EH KASI NAMAN! Tatlong gown pala 'yung pinatahi niya para sa'kin. Lahat nga kulay blue pero lahat din... HANGGANG TUHOD KO LANG! Huhu. Sabi naman ni Tita Charlene, yung Tita ni Chan dahil sumama rin para daw i-oversee ang pagme-makeup sa'min, lulubog daw ako kapag mahaba kaya mas bagay daw sa'kin 'yung maikli lang.

Nung lumabas kami sa kwarto, natameme silang lahat. Siguro kasi ang ganda-ganda ni Louie dun sa suot niya. Mukha kasi siyang prinsesa eh. Ako mukhang alalay. Tss.

"Tinitingin-tingin mo diyan?" singhal ko kay Chan-Chan kasi parang nabato yata. "Tusukin ko mata mo eh!"

Tinapik-tapik naman siya ni Kuya Chuck sa balikat. "Ayos lang 'yan Chan-Chan. Maiintindihan namin kung simula bukas, madalas ka nang nasa bahay at may dalang bulaklak, hahaha."

Hindi ko nagets 'yung sinabi ni Kuya Chuck. Pero inisnab ako ni Chan-Chan. Siguro dahil mas maganda ako sa kanya ngayon, hahahaha. Minsan-minsan na nga lang ako maging mas maganda sa kanya di pa niya ako pagbibigyan? Ang damot talaga. Bakit si Louie pwedeng maging maganda tas ako hinde? Isampeyr!

Pero enkoba kay Chan-Chan lagi niya akong sinusungitan nitong mga nakaraang araw kahit wala naman akong ginagawa. Kung hindi nga ako binibilin ni Louie o kaya ni Mason sa kanya, pakiramdam ko iiwan niya akong mag-isa eh.

Enwey... pinahiram ako ng sapatos na may mataas na takong. Enko, chiletos daw ang tawag dun, 'yung may manipis na heels? Kaso nung sinubukan kong ilakad, nanginginig 'yung tuhod ko at parang robot na naglakad kaya pinalitan na lang ng wedge naman daw 'yung tawag. Mas madaling ilakad pero...

"Ay, Charlotte, 'wag ka na lang maglakad. Tumayo ka na lang tapos magpabuhat ka kay Mason kung may pupuntahan ka," tumatawang sabi ni Kuya Mac-Mac. Binatukan tuloy siya ni Kuya Chino pero nakangisi naman silang lahat.

Siga daw kasi akong maglakad, hindi bagay. Tss.

Pichur dito, pichur doon ang ginawa nila sa'ming tatlo. Tas halos maiyak si Mama nung sinabi ng Mommy ni Louie na ibibigay na lang daw 'yung dalawa pang gown sa'kin para may magamit ako sa Prom nesyir.

AYOKO NA! HINDI NA AKO PUPUNTA SA KAHIT ANONG PROM! Huhu.

Nung halos ngumawa na si Chan-Chan dahil male-late na daw kami dahil nagteks na rin sa kanya si Mason, nagpahatid na kami kila Tatay Tonyo. Gusto pa talagang sumama nila kuya sa school pero buti nalang, hindi pwede. Ayoko ngang makita nila akong naka-gown magdamag tas pagtatawanan din. Bugbugin ko sila eh.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now