Fifty

12K 344 155
                                    

Nagkasakit pala si Hiro at naratay sa ospital. Nung tinanong ko sila kuya kasi sila ‘yung unang dumalaw, nalabuan ako sa mga sagot nila.

  

Naoperahan daw dahil pumutok ‘yung appendix sabi ni Kuya Marcus. Pero sabi ni Kuya Mac, pumutok daw ‘yung pigsa sa tiyan niya. Tas nung sinabi kong gusto kong dumalaw, sabi ni Kuya Chuck, ‘wag muna raw kasi mahahawa raw ako ng bulutong-tubig ni Hiro.

Halatang nagsisinungaling ‘no? Talagang nagtaka ako nun kasi bakit parang ayaw nilang sabihin sa’kin ‘yung totoo.

Buti nga nisama ako ni bespren minsan eh.

“Bespren, anyare kay Hiro?” tanong ko kay Louie kasi iniisip kong dahil mas close naman sila ni Hiro, siya ang magsasabi sa’kin ng totoo.

“May sakit siya. Saka ko na ipapaliwanag sa’yo,” sabi naman niya. Tss. Wala rin akong nakuha.

Tas akala ko pupuntahan namin si Hiro sa parang isang kwarto. Pero nigulat ako! Kasi kelangan pa naming maghugas ng kamay, magsuot ng hospital gown tsaka ng face mask. Tas akala ko makakausap namin siya pero hindi pala! Hala! May kung anu-anong nakaturok sa kanya. Meron pa nga siyang ano eh… sabi ni bespren… respirator. Kasi raw hindi niya kayang huminga mag-isa.

 

Malala pala ‘yung kalagayan niya. Kaya siguro ayaw sabihin nila Kuya sa’kin kasi maaawa ako.

Grabe pala ‘no? Ang malas ni Hiro. Nagka-appendicitis na nga, tas pumutok pa ‘yung pigsa niya, tas sumabay pa ‘yung bulutong-tubig!

Nakaka-sad talaga.

Kaya sabi ko sa sarili ko, pipilitin ko nang tapusin ‘yung mga origaming ginagawa ko para sa kanya. Sa sobrang hirap kasi, inabot na ako ng graduation namin.

Anong nanyare nung graduation namin? Hmmm, si bespren Louie ang pers onor. Tas si bespren Chan-Chan ang sekond onor, hehe. Ang gagaling nila ‘no? Kahit wala akong naintindihan sa speech ni Louie dahil puro English, proud na proud ako sa kanila, hehehe.

Ako? Hmm…ako lang naman ang nakatanggap ng Most Improved tsaka Athlete of the Year Award nung gumradweyt kami, hehehe. Ansaya-saya nga ng buong pamilya ko kaya nagulat ako na binilhan ako nila Mama ng PSP, huehuehue. Ibabalik na raw kasi ‘yung Xbox ni Hiro. Para naman daw may malaro siya sa ospital ‘pag gising niya.

Ayun. Kahit tapos na ang klase, para akong naghahabol ng project para lang matapos ‘yung peace offering ko kay Hiro lalo na nung nalaman kong gising na siya.

“O, kanino mo naman ibibigay ‘yan?” Nagtatakang tanong ni Kuya Chuck.

Lumapad ang ngiti ko kasi kahit nagtaka sila, alam kong na-amaze silang lahat sa ginawa ko. Ang hirap din nun ah! Isang dosena kaya ‘yung ginawa ko. “Kay Hiro.”

Pero tumawa sila nang malakas. Tas sabi ni Kuya Marcus, “Lalaki ka nga yata, Prinsesa. Ikaw talaga ang magbibigay ng bulaklak?”

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now