Five

22K 525 98
                                    

Itatanong niyo ba kung pa’no kami nagbati ni Chan-Chan matapos ko siyang mapagkamalang tibo noon?

Sumbungero kasi yun eh. Kinausap tuloy ng mga magulang niya sila Mama at Papa. Bakit ko daw binu-bully yung unico hijo nila. Tss. Siyempre binangayan ako ng mga magulang ko. ‘Wag ko na daw uulitin yon. Itanim ko daw sa kukote ko na lalaki si Sebastian Flores.

Aba, kasalanan ko bang mas maganda pa sa tunay na babae si Chan-Chan? Tapos ang lamya-lamya pang kumilos. Kaya nga lagi ko pa ring tinutuksong bakla yun eh. Nung una napipikon pa siya pero kinalaunan, nasanay na rin. Ginagantihan nalang niya ako. Kung bading daw siya, ako daw, tibo. Binabatukan ko siya ‘pag sinasabi niya yon.

Anyway, balik tayo sa pagbabati namin ni bespren.

Binilhan ko lang naman siya ng stuffed toy ni Kon. Kung nanonood kayo ng Bleach, si Kon yung stuffed toy na leon ni Kurosaki Ichigo. Ginutom ko pa ang sarili ko para makaipon ng pambili nun sa Comic Alley. Ang mahal kaya non! Ilang araw na pang-Counter Strike sana yung perang yun pero napunta lang kay Chan-Chan dahil ang arte-arte niya.

Pero ayos lang. At least, nagbati din kami ni Chan-Chan. At mas nagustuhan niya yung binigay ko kesa dun sa nakakatawang stuffed toy niyang aso. Mukha talaga siyang babae kapag buhat-buhat niya yon. Di tulad pag si Kon yung yakap niya, iisipin lang ng mga tao, adik siya sa Anime.

At dahil tuwang-tuwa siya, pinaampon niya sa’kin si Basti nung mag-grade six kami. Pero ang totoo, na-realize din niya na hindi magandang tignan sa lalaki ang merong dalang stuffed toy ng aso.

Speaking of grade six…memorable sa’kin ‘tong taon na ito dahil binalik ako nila Mama sa co-ed school.Tatlo na kasi sa mga kuya ko ang nasa college tsaka sobrang mahal daw sa exclusive school. Dagdag pa ni Mama, baka raw matuluyan akong maging tomboy dahil nga puro kami babae doon.

Siyempre, naging magkaklase kami ni Chan-Chan. At dahil magkapit-bahay kami, sabay kaming pumapasok at umuuwi. Kung wala pang tao sa bahay namin, dun muna kami tatambay sa kanila. Tapos sa’min naman kung hindi pa nakakauwi yung mga magulang niya. Buti nga hindi kami nagkakasawaan eh dahil lagi kaming magkasama.

At dahil halos magkadikit na ang mga tadyang namin, lagi kaming natutukso sa school noon. Ako, deadma lang dahil wala namang katotohanan. Pero iniisip ko pa lang, kinikilabutan na ako. Kadiri kaya. Mas maganda pa ang boyfriend ko kesa sa’kin? Ayoko nga.

Pero si Chan-Chan, napipikon talaga. Hinahayaan ko na lang siya kapag nilalayuan niya ako tuwing nanunuya yung mga kaklase namin. Siya rin naman ang kusang lumalapit sa’kin ‘pag wala siyang makausap eh.

Halos dalawang linggo pa lang ang nakakalipas nang magsimula ang klase namin nung bigla siyang nag-announce. ‘Wag na daw namin siyang tawaging ‘Chan-Chan’. ‘Basti’ na lang daw.

Babarahin ko sana siya dahil aagawan pa niya ng pangalan yung stuffed toy niya pero pinandilatan niya ako ng mata. Kaya daw siya pinagkakamalang bakla dahil yung palayaw pa lang niya, tunog-pambabae na. Kailangan na daw niyang magpaka-lalaki.

Akala ko naman kung anong kadramahan ang iniisip ng best friend ko.

Yun pala, nag-transfer din sa school namin yung crush niya. Ka-batch ko raw dati sa all-girl school.

Nagulantang ako nung nakilala ko.

Si Krystal Cruz pala…

Yung makulit at madaldal na batchmate ko…

Na may crush sa’kin.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now