Fourteen

18.8K 442 85
                                    

Nainis ako dahil nag-aksaya pa ako ng panahong tumakbo sa pinakamalapit na CR tapos wala rin palang lalabas na wiwi. Baka naman sira na ang pantog ko.

Pabalik na ako sa field nung makasalubong ko si Mason at si Kuya Chuck.

“Oy, hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Kuya Chuck sa’kin. “Sabay-sabay na tayo. Nasa’n si Chan-Chan?”

“’Maya pa ng konti Kuya. May laro kami ni Louie ng softball eh,” sagot ko naman habang inaayos ang pagkakasuot ng sumbrero ko.

“Sino si Louie?” usisa naman ni Mason.

Nginitian ko siya. “Bagong friend namin ni Chan-Chan. Gusto niyong manood ng laban? Kelangan namin ng moral support dahil pustahan ‘yon e, hehe.”

“Charlie!” Boses na naman ni Nile. “Mace, Chuck. Sila Ally daw ang kakalabanin nila. Nood tayo!” excited na anyaya pa niya at sabay-sabay na kaming naglakad pabalik ng field.

 

Tinignan ako ng masama ni Kuya Chuck. “Bakit ‘di ka nagsasabi samin?”

Ha? Ano ba dapat ang sasabihin ko? ‘Yung tungkol sa pustahan? O na may bago akong kaibigan?

“CHARLIEEEE!!!” Umalingawngaw ang boses ni Louie kaya pinuntahan ko na siya. Naiinis siya dahil alas singko na pala at di pa siya masyadong nakakapag-practice. Hindi ko pa pala siya naturuan kung pa’no ‘yung tamang pagsalo ng bola.

 

Nagtaka naman ako dahil dumating ‘yung softball team. Kinawayan pa ako nung Ate na hinihiraman ko ng bat tsaka gloves dahil nakalaro ko na sila minsan. Sinabihan na nga niya ako kung kelan ‘yung try-outs eh. Pero nakakagulat dahil kasama nila ‘yung nang-away kay Louie. Bakit kaya?

“Geez! Hoy, Charlie! Captain ball pala ‘yun ng softball eh! Andaya niya!” pagmamaktol ni Louie.

Ano? ‘Yung maarteng frog na tinutukoy ni Louie ang captain ball ng softball team?! Pa’no na ‘to?! Napangiwi ako. “Patay! Hindi pa ako nakakapag-try-out! Mag-back out ka na dali!” sabi ko sa kanya.

Hindi naman ako takot dun eh. Kaya ko pa rin ‘yung tapatan kahit alam kong magaling siya dahil wala namang captain ball ang bobong maglaro diba? Nag-alala lang ako kasi baka hindi na niya ako bigyan ng chance na ipakita ‘yung galing ko dahil kasabwat ako ni Louie.

Pero sa kabila ng pag-aalangan ko, hindi natinag si Louie. Kaya kelangan raw naming manalo dahil moment naming dalawa ‘yon. Kung nanalo kami, titigilan siya nung mga maaarteng fans ni Aidan. Baka rin daw makuha na ako sa team kahit hindi pa araw ng try-outs.

Bahala na. Kakayanin naman siguro ‘to ng kumpiyansa namin, sabi ko sa isip ko.

Dahil wala namang alam si Louie sa mga rules ng softball, ako ang unang nakipag-usap dun sa captain ball na Ally pala ang pangalan. Kami ang nasa offensive pagkatapos magdesisyon gamit ang toss coin. Inangasan pa talaga ako ni Ally. Pagbibigyan daw nila kami dahil ‘pag na-strike out kaming dalawa ni Louie, sigurado nang sila ang panalo. Hindi ko na lang siya binara. Ipapakita ko na lang sa kanya kung gaano ako kagaling. Actions speak louder than words.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now