Thirty-Seven

13.9K 321 77
                                    

Sa unang araw pa lang naming nakilala si Hiro, napansin kong masyadong papansin at tulad kong maingay siya. Pero sempre mas maingay pa rin ako sa kanya kung paingayan din lang ang labanan. Peeling close pa talaga siya sa mga kuya ko lalo na kay Kuya Marcus. Pero lagi niya akong pinagti-tripan. Tss. Tuwang-tuwa nga sila kuya sa kanya eh. Naging magkasangga pa nga sila ni Kuya Mac-Mac. Pero si Mason, kahit hindi nagsasalita ‘yon, alam kong naaasiwa siya kay Hiro.

Lalo na nung pinakialaman niya ‘yung mga pichures ni bespren na nakasabit sa dingding. Hingin ba naman sa’kin ‘yung number ni Louie dahil maganda raw! Sempre di ko binigay! Mamaya pati atensiyon ni bespren ko, kunin niya. Ayoto nga! Tsaka kung ibinigay ko sa kanya ‘yun, sigurado sasapakin ako ni Louie. Mas ayoko yon!

Tas dinala pa ni Hiro ‘yung Xbox Kinect niya at nag-Dance Central sila. Kung di pa naawa sa’kin si Kuya Marcus, hindi niya ako palalaruin eh. Enko dun sa epal na ‘yun bakit parang ang laki ng galit sa’kin. Baka naiinggit dahil walang kapatid.

Tuwang-tuwa silang nag-e-Xbox hanggang hapon eh ang usapan namin, magse-surf kami kasi sabi ni bespren, magandang surfing area dun. Pinakita na nga nung mga caretaker ‘yung surfboards sa bodega eh.

“Mag-surf na tayo, ‘Ya!!!” ngawa ko kasi eksaytment na akong mag-surf kaso abalang-abala naman silang maglaro ng video game. “Tama na yang Xbox!!! My Xbox na nga sa bahay. Hoy, Hiro! Iuwi mo na nga yan!”

“Shattap,” singhal naman niya sa’kin. “Kita mong ang ganda ng laro eh. Dun ka na nga!” Kung makaasta talaga siya ‘kala mo antagal na namin siyang kilala. Nakakabanas talaga siya. Gusto kong tusukin ‘yung dimples niya. Tss.

Nung tumayo na si Kuya Marcus, alam kong nanalo na ako. Sempre di ako matitiis nun! Hehe. “Tara na nga, mapagbigyan lang ‘yung bunso. Hiro, may kilala ka bang pwedeng mag-train na mag-surf? Kanina pa ngumangawa ‘yan eh.”

Nagpresenta naman si Epaloid na magturo dahil matagal na pala siyang nagse-surf at sumasali pa raw sa surfing competitions dun. Edi kanya-kanya kaming kuha ng surf boards. Pero dahil lima lang sila Louie, lima din lang ‘yung nasa bodega nila. Kung hindi pa nakiusap si Kuya Marcus na pahiramin din ako ni Hiro, hindi pa talaga niya gagawin.

Ang laki talaga ng galit niya sa’kin. Siguro dahil napunit ‘yung origami niya. Basta ‘pag ako ang magpapaturo sa kanya o kaya hihiram ng gitara, ayaw niya. Pero kapag utos ng mga Kuya ko lalo na ni Kuya Marcus, papayag siya.

Pero kung siya ang makautos sa’kin, kala mo prens na kami sumula nung pinanganak kami. Isampeyr!

Kaya kahit anong kulit niyang ibigay ko ‘yung number ni Louie, hindi ko talaga binibigay. Bahala siyang mangisay. Isusumbong ko talaga siya kay bespren pagdating nila.

“Hoy, bubuwit, ‘yung pangit mong cellphone tumutunog. Ako na ba ang sasagot? O itatapon na lang natin?” pang-aasar na naman niya kinagabihan habang hinihintay naming maluto ‘yung pagkain. Pati nga caretakers nila Hiro tumulong na rin dahil inutusan niya.

Hinablot ko ‘yung selpon ko sa kanya at lumawak ang ngiti ko. “Hello? Bespren LOUIE?” malakas ang pagbati ko at nakita kong nagningning ‘yung mga mata ni Hiro.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now