Seventeen

16.9K 373 75
                                    

Sa pagtatapos ng intrams, napaos ako kaka-cheer ko kay Louie sa pageant. Ako lang yata ang maingay at halos ikahiya ako ng mga kapatid ko, pati ni Chan-Chan. Eh sa gusto kong mag-ingay para hindi kami masapawan nung mga alipores ni Ally-parot.

Pero simula nung sumali si Louie sa pageant na ‘yun, mas dumami ang lalaking nagkagusto sa kanya. Maganda kasi siya talaga, siga lang madalas. Pero sempre, si Aidan pa rin ang kras niya, ano pa nga ba.

Si Chan-Chan naman, mukhang ayos naman sila ni Krystal. Madalas magkausap sa gabi. ‘Yun nga lang, kinakausap niya si kras niya bilang Shan-Shan. Nagkamali pa pala kami ng sinabing pangalan. Dapat pala Shandi Ann. Etong si Louie kasi mas gusto raw ang Shantel.

Pero sa totoo lang, pati kami ni Louie nahihirapang pagtakpan kung sino talaga si Shan-Shan lalo na kapag dumadalaw si Krystal sa school. Pero sempre, mas nahihirapan si Chan-Chan sa ginagawa niya. Parang doble-kara lang. Kahit halatang ayaw niya ‘yung ginagawa niyang panloloko daw namin kay Krystal, kinikilig pa rin naman. Tss.

Ako? Sempre kasama sa championship ‘yung team ko. Wala ni isang team ang nakatalo sa’min kaya dire-diretso kami sa finals. Alam ko na ring kami ang mananalo kasi takot sa’kin ‘yung mga kalaban, hehe.

Si Nile? May pinuntahan kaya last inning na siya nakarating nung championship. Pero nagteks naman siya sa’kin bago ‘yung laban. Huling araw ng intramurals ‘yun.

From: ^_^NileRiver

Charlie, male-late ako sa game nyo. Susunduin ko lang ung inaya kong manood ng laban nyo.

 

Nagtaka naman ako kung sino ‘yung kaibigan niyang ‘yon. Sinabi na naman siguro ni Mason sa kanyang nagpapahanap ako ng kras na lalaki. Asungot talaga ‘yung Mason na ‘yon. Kung sa bagay, hindi ko naman kasi sinasabi sa kanya na tropa nya ‘yung kras ko. Kaya di ko rin masisi si kras kung bakit nakikisawsaw siya sa paghahanap.

To: ^_^NileRiver

Ayos yan. Dagdag taga-cheer, hehe. Sino pala siya?

 

From: ^_^NileRiver

Si Mickey. Magugustuhan mo un XD

 

Hindi ko na natanong kung sino si Mickey dahil magsisimula na ‘yung laro nun. Gusto ko pa sanang tanungin kung kasing cool ba niya? Kung magaling din bang maggitara? Mabait ba tsaka matangkad tulad niya? Inisip ko pa noon, pa’no kaya kung sabihin ko na lang na gusto ko siya? Kaso baka isipin niya, bading ako. ‘Wag na lang. Kras lang naman.

‘Wag niyo nang tanungin kung anong nangyari dun sa laban dahil sa’min napunta ang tagumpay. Ang boring nga dahil tambak na tambak ‘yung kalaban. Nakailang homerun din kasi ako, hehe.

Sa wakas, nagamit na rin ulit nila Mama at Papa ‘yung tarpaulin na pinagawa nila noon. Kumpleto rin ‘yung mga Kuya ko na sobrang pinagkaguluhan. Kahit ‘yung mga dapat taga-suporta ng kalaban, pinan-cheer ako para lang mapansin sila ng mga kapatid ko, ahahaha.

HATBABE?! Season1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon