Thirty-Nine

13K 313 50
                                    

“HIIIIIIIIIIIRRRRRRRRRRRRRROOOOOOOOOOOOOOOO!!!”

Laging ganyan ang linya ko tuwing umaga simula nang makitulog siya sa bahay namin. Kung hindi kasi niya dino-drowingan ang mukha ko habang tulog ako, iniiwan niyang nakatengga sa lababo ‘yung mga pinggan na dapat siya naman ang maghuhugas. O kaya, pinagdidiskitahan niya ‘yung mga baby pictures ko. Si Mama kasi eh, pinakita pa talaga ‘yung album namin!

“Hahahaha!!! Ampanget mo talaga!” Ang lagi niyang pang-aasar sa’kin kapag maaalala niya 'yung mga baby pichures ko o kaya kapag maiiwan kami sa bahay dahil may pasok sila Mama at may pinuntahan naman ‘yung mga kuya ko.

Kapag ganun, binabato ko siya ng unan. “Eh ano naman ngayon? At least maganda na ako ngayon! Bleh!”

Wala talagang mapayapang araw sa bahay namin dahil halos pasigaw talaga kaming nag-uusap. Nakakaasar na nga eh, pero sa pinaggagagawa kasi ni Hiro, hindi kinakaya ng kalooban kong makipag-usap sa kanya nang matino.

Pwera na lang kapag sinasabihan niya ako na bibilhan niya ako ng ice cream, o kaya igagawa ng origami, ganun, hehehe. Alam niyang ‘yun ang pampakalma ko eh, hehe. Madalas niyang gawin ‘yun kapag ayaw niyang hugasan ‘yung mga pinggan o kaya kapag alam niyang malapit na siyang pagalitan ng mga kuya ko lalo na ni Kuya Marcus kapag pinagtitripan niya ako.

Isa pa yon. Enko kila Kuya bakit hinihintay pa nila ‘yung panahon na mangiyak-ngiyak na ako bago nila sabihan si Hiro. Parang tuwang-tuwa sila sa pagbabangayan namin. Hindi kaya nakakatuwa yon! Si Mason naman, hindi ko alam kung naiinis ba kay Hiro pero wala namang ginagawa para ipagtanggol ako dahil lagi naman siyang nakatingin sa’min. Tss.

Masyado kong naituon ang pansin sa kontrabidang si Hiro.

Hindi ko napaghandaan ang muli naming pagtutuos ng isa pang kontrabida.

Oo, the evil witch Ate Nica.

Graduation nun ni Kuya Marcus at ang usapan, sa Saisaki Megamall kami kakain para maiba naman daw at para special dahil parehas na ise-celebrate ‘yung pagtatapos nila ni Mason lalo na parehas silang honor student. Cum laude kasi si ‘Ya Marcus eh. Galing nila ‘no? Sana mahawaan nila ako, hehehe.

Dun kami sa magarang sasakyan ni Hiro sumakay –Toyota Fortuner. Hindi kasi kami kasya sa Innova namin. Nauna na kami nila Kuya Chino, Kuya Mac-Mac, Kuya Chad, Mason at Hiro.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa Saisaki, namilog na talaga ang mga mata ko! “HUWAAAWWW! Ang daming pagkain!” Hindi ko alam kung saan ako titingin! Doon lang ako nakakita ng napakaraming pagkain sa buong buhay ko! Gusto ko talagang maiyak sa tuwa. Sa totoo lang, nanginginig pa nga yata ako kasi gusto ko nang lumamon!

Napansin yata ‘yun ni Kuya Chino kasi nung nakaupo na kami sa mahabang mesa at halos maglaway na, sinabihan niya ako na mag-chillax lang ako, kasi kahit gaano raw karami ang kainin ko, ayos lang daw dahil bayad naman. Kaya mas lalo akong na-eksayt dahil paniguradong mabobondat na naman ako sa busog! Muhahaha.

Tapos, nilapitan ako ni Hiro nang nakangiting-aso. Palihim niya akong binigyan ng isang plastik ng Ziploc. Punuin ko raw ng Tempura.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now