Thirty-Three

14.2K 326 44
                                    

Nagalit sa’kin si Mason kasi daw ako ‘yung dahilan kung bakit sinagot ni Louie si Sting Ray. Tss.

  

Sabi ko na nga ba nagseselos ‘yun eh.

Kasi nga laging nakabuntot si Sting Ray sa’min, kaya di na nakakasama sa barkada nila.

Bakit kaya ayaw nila kay Sting Ray? Ayos naman ah. Hindi dahil sa’kin napupunta ‘yung mga Teddy Burrs na binibigay niya kay Louie ah. Mabait kasi siya tas lagi pa niyang napapatawa si Louie. Achuli, pati kami ni Chan-Chan natatawa sa kanya kasi… ano…. Uto-uto siya, HAHAHAH. Kasi lahat na lang ng iutos ni Louie, sinusunod niya. Tas galante pa. ‘Pag nililibre niya si bespren, damay kami ni Chan, hehe.

‘Yun nga lang, pagtas siyang sagutin ni Louie, parang napansin ko na… hindi nga sila bagay.

Eh kasi… parang mas maangas pa si Louie sa kanya. Enkoba. Basta.

“Mali ba ‘yung desisyon kong tulungan si Sti—si Ray?” tanong ko kay Nile habang naggigitara siya tas kumakain ako ng pishbol. Pumayag kasi ‘yung mga teachers na samahan akong tumugtog ng banda nila Nile. ‘Yun nga lang, dapat dalawa lang ‘yung kasama ko tsaka ako lang ang kakanta kasi nga daw, ako ‘yung representative ng mga third year.

 

“Bakit mo naman naisip ‘yan?” tanong niya habang mahinang tumitipa ng gitara.

“Parang andami kasing galit sa’kin. Lalo na ‘yung ibang admirers ni bespren. Pati si Mason,” malungkot kong kwento. Ayaw ko kasi ‘yung may nagagalit sa’kin. Nasa-sad ako.

Napatingin naman sa’kin si Nile. “Ahhh… pati talaga si Mason?”

“Oo noh! Sabi nga niya ibalik ko na lang daw ‘yung mga te—ahh… basta!” Naalala ko, wala palang nakakaalam na ako ang nag-uuwi ng mga taptoys na binibigay kay Louie bukod sa mga besprens ko at kay Mason. Akala nga ng mga kuya ko, may nanliligaw sa’kin eh kasi halos dalawang linggo akong araw-araw na nag-uuwi ng teddy burr na iba-iba ‘yung size.

Ginulo-gulo ni Nile ‘yung buhok ko nun tas sinabi niya sa’kin na ayos lang naman daw na tinulungan ko ‘yung kaibigan nila. Siguro daw, nabigla lahat dahil parang napakabilis ng mga pangyayari. Hindi daw siguro ineshpek ng mga admirers ni Louie na ako ‘yung magiging dahilan kung bakit naging sila ni Sting Ray.

“’Yaan mo na, lilipas din ‘yan. Ikaw pa eh napaka-friendly mo. Di ka rin nila matitiis,” pag-aamo pa niya bago nagpatuloy yung pagpapraktis namin sa kalagitnaan ng paglamon ko.

‘Your Song’ ng Parokya, ‘You and Me’ ng Lifehouse achaka ‘Only Exception’ ng Paramore ‘yung napili naming tugtugin—acoustic style. Si Nile na lang ‘yung mag-a-adlib sa gitara dahil hanggang strumming lang ako; pati pala back-up vocals siya din. Si Aaron naman ‘yung magkakahon. ‘Di lang madalas na makasama sa’min yung isa dahil laging maagang umuuwi.

Tapos biglang napadpad na naman sa isusuot ko ‘yung usapan namin. Lagi na lang nauungkat ‘yun. Bakit ba mas mas eksaytment pa sila sa gown ko kesa sa’kin? Sila na lang kaya ang magsuot? Tss.

HATBABE?! Season1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon