Four

23.6K 559 131
                                    

Halos kalalabas ko lang ng ospital matapos kong mabalian ng buto nung makilala ko yung best friend ko. May lumipat kasing pamilya sa dulo ng kanto namin. Dahil friendly si Papa o baka sadyang usisero, nalaman niyang may nag-iisang anak yung mag-asawang Flores. Ka-edad ko lang daw at Chan-Chan ang palayaw nung bata.

Una kong nakausap si Chan-Chan nung minsang pauwi ako ng bahay galing sa paglalaro ko ng Counter Strike dun sa malapit na internet shop. May nakita akong batang nakaupo sa tapat nung bahay nung mga bagong-lipat.

Nakangiti akong lumapit sa kanya para sana tanungin kung ano ang ginagawa niya sa labas ng bahay nila. Pero nagulat ako kasi nung makalapit ako, narinig ko ang mahinang paghikbi niya.

Umupo ako sa tapat nung bata. “U-uy, bakit ka umiiyak?”

“M-mama…” sagot niya at parang sinisinok na sa kakaiyak. “Ini…wan ni…la a..ko…” pagpapatuloy niya.

Tumayo ako para sipatin yung bahay nila. Nakita ko yung gate…ayun, naka-kandado nga.

Nagkamot ako ng ulo at umupo ulit. “Gusto mo, dun ka muna sa bahay namin? Maglaro muna tayo? Dun na lang natin hintayin yung Mama mo,” mungkahi ko naman.

Tumango naman siya at pinunas-punasan ang mga mata niya saka ako tinignan.

Hala. Ang ganda niya.

“Ako nga pala si Charlie,” pagpapakilala ko nang makarating kami sa bahay. Kami lang ang tao dahil nasa school pa yung mga kuya ko. Masyado kasing active yung mga yun sa extra-curricular activities nila kaya kahit bakasyon pa, madalas nasa school at hapon pa umuuwi. Si Mama naman, ayon, bumalik sa paghahanap-buhay dahil college na si Kuya Marcus tapos next year, pati si Kuya Chino. Hindi daw sapat ang kinikita ni Papa para pag-aralin kaming lahat sabay-sabay.

Dumiretso kami sa kusina para mapainom ko siya ng tubig dahil sinisinok pa rin siya.

“Bakit panlalaki ang pangalan mo?” mahinang tanong niya sa’kin nang mahimasmasan at pumunta na kami sa sala.

Napakamot ako sa ulo. “Charlotte ang tunay kong pangalan. Pero mas sanay akong tinatawag akong Charlie.” Nang ma-turn on ko na yung TV at yung PS3, inabot ko na sa kanya yung isang controller. “Ano pala ang gusto mong laruin, Chan-Chan?” tanong ko at iniabot ko rin sa kanya yung lalagyan ng mga bala ng PS3.

Maingat niyang tinanggap yung inabot ko sa kanya habang yakap pa rin yung bag niya.

“Pwede mo namang ilapag muna yang bag mo. Hindi ko naman kakalkalin yan, hehe,” mungkahi ko naman.

Pero mas lalong humigpit yung yakap niya sa bag niya. “B-baka kasi masaktan si Basti.”

“Basti? Sino yun? May tuta o kuting kang dala?” gulat kong naitanong sa kanya. Gusto ko rin kasing magkaroon ng alagang tuta.

Ngumiti siya sa’kin at napag-alaman kong mas cute siya 'pag nakangiti. Pati ako napapangiti.

Maingat niyang binuksan ang zipper nung bag niya at unti-unting nilabas ang isang…

STUFFED TOY na aso.

“Siya si Basti, bigay siya sa’kin ng Lola ko,” kwento niya sa’kin saka niya nilapag sa sahig yung bag niya at yung manika naman ang kinalong.

Kahit gusto kong matawa, umubo na lang ako. “A-ahhh. Alam mo ba yung Kingdom Hearts?”

Ganun kami nagsimulang maging close ni Chan-Chan. Lagi kaming salitang naglalaro ng Kingdom Hearts. Actually, ako ang nagturo sa kanyang magPS3 at maglaro ng computer games.

Hindi ko alam kung mabait lang siya o interesado siya sa mga tinuturo ko sa kanya dahil kahit anong i-suggest ko na laruin namin, ‘oo’ lang lagi ang sagot niya. Pero ayos naman siyang kasama kahit medyo iyakin siya. Tsaka napapapagod ang panga kong kakasalita. Naisip ko pa nga kung hindi ba napapanis ang laway niya dahil bihira lang siyang magsalita.

Kung minsan, dun naman kami sa bahay nila. Wala siyang PS3 pero marami siyang Anime DVDs kaya yun ang pinagkakaabalahan namin.

Merong isang beses na alas siete na ako nakauwi dahil nag-marathon kami ng Alice Academy. Sinamahan ako ni Chan-Chan dahil sinabihan siya ng Nanay niya na ihatid ako kahit kaya ko namang maglakad mag-isa.

Sa kasamaang-palad, nandun na yung tatlong bugok.

“Ayan na pala si Charlie eh, kasama ng boyfriend niya! Ayieee,” panunukso ni Kuya Chuck at sumang-ayon naman si Mason at Kuya Mark.

Eh? “Hindi noh! Ito? Boyfriend?” Sinipat ko talaga si Chan-Chan mula ulo hanggang paa. “Tibo ka ba?”

Isang linggo akong hindi kinausap ni Chan-Chan.

Hindi ko kasi alam na Sebastian Flores pala ang tunay niyang pangalan. 

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now